NEWS | 2022/03/21 | LKRO
MGA MAGSASAKA SA KIDAPAWAN CITY NAKINABANG SA PROYEKTO NG DA 12 AT CITY GOVERNMENT OF KIDAPAWAN; KARAGDAGANG DUMP TRUCKS DUMATING NA!
KIDAPAWAN CITY (March 21, 2022) – LUBOS ang kasiyahan ng mga magsasaka mula sa ilang mga barangay Lungsod ng Kidapawan matapos nilang tumanggap ng proyekto mula sa Department of Agriculture o DA12.
Kabilang dito ang mga farmers mula sa MNLF Zone of Peace 5 sa Barangay Patadon Kidapawan City na nabiyayaan ng one unit hand tractor with trailer na gamit ang pondo mula sa PAMANA-OPAPP.
Nakabiyaya din ang mga farmers mula sa Barangay Ginatilan na tumanggap ng Support to Mushroom Production nakinapapalooban ng 2 units freezer, 2 units refrigerator, at 2 units autoclave mula sa 20% EDF pondo ng City Government.
Maliban dito, kabilang din sa nabigyan ng tulong ang mga naging participants ng hydroponics training sa lungsod na una ng isinagawa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office kung saan nabigyan sila ng starter kits mula sa pondo ng CDRRMO na nagtataglay ng 5 m UV plastic, 2 m garden net, 5 packs lettuce seeds, 2 boxes styrobox, 35 pcs styrocups, 2 seedlings trays, 1 bag coco peat, at 2 bottles nutrient solution. Ilan naman nito sa mga recipients nito ay mula sa Barangay Paco, Amas, at Singao.
Mismong si Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista ang nanguna sa turn-over ng mga nabanggit na kagamitan kasama si City Agriculturist Marissa Aton sa City Pavilion na sinaksihan din ng ilang mga representante mula sa DA12.
“Patuloy ang City Government of Kidapawan sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa sektor ng agrikultura. Patunay ito na hindi tayo titigil sa pagtulong lalo na sa mga maliliit na magsasaka na apektado ng COVID-19 pandemic at sa krisis na dulot ng oil price hike”, sinabi ni Mayor Evangelista.
Hinimok naman ni City Agriculturist Aton ang mga benepisyaryo na ingatan at pagyamanin ang proyektong kanilang natanggap at mas lalo pa itong palaguin upang makatulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
“Bilang counterpart, hiling ko sa mga beneficiaries na ipakita ang wastong paggamit at mabuting pamamalakad ng mga kagamitang ito dahil layon nito na mapaangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka”, ayon kay Aton.
Bilang tugon, nangako naman ang mga beneficiaries na sina Ginatilan Mushroom Growers Association President Dan O. Sebastian at Kidapawan City Mushroom Republic Association President Manibua at mga residente mula sa MNLF Zone of Peace 5 na iingatan ang proyekto at gagawin itong mahalagang bahagi ng kanilang tuloy-tuloy na pag-unlad.
Samantala, kasabay ng aktibidad na ito kanina ay nai-turn over na rin sa Office of the City Engineer ang karagdagang apat na mga bagong dump trucks na binili ng City Government of Kidapawan upang magamit sa iba’t-ibang road projects.
Matatandaang bumili ng 10 mga bagong dump trucks ang city government na nagkakahalaga ng P73M upang magamit hindi lamang sa road projects kundi pati na sa iba’t-ibang proyektong inprastruktura at agrikultura. (CIO-JSCJ/IF/VH)