Permits at licences issuance mas magiging mabilis na sa susunod na taon

You are here: Home


NEWS | 2018/03/24 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – Mas magiging mabilis na sa susunod na taon ang pagpo-proseso ng mga permits and licenses sa City Hall.

Ito ang siyang inaasahang resulta ng Regulatory Simplification for Local Government o RS4LG Training na ginagawa sa kasalukuyan.

Layun ng pagsasanay na nabanggit na gawing mas maikli at mabilis ang pagkuha ng lahat ng uri ng permits and licenses, pagbabayad ng buwis at mga bayarin sa City Hall at iba pang klase ng mga transactions sa pagitan ng publiko at lokal na pamahalaan.

Ang RS4LG ay inisyatibo ng Department of Interior and Local Government upang matulungan ang mga LGU na gawing mas madali at episyente ang pagbibigay serbisyo publiko sa mamamayan.

Ikinatuwa naman ni City Mayor Joseph Evangelista sa gawaing ito ng DILG.

Hindi lamang kasi napapabilis ang pagbibigay serbisyo publiko kungdi sa pamamagitan nito ay nagiging ‘business friendly’ ang Kidapawan City na makakatulong sa ibayo pang kaunlaran nito
,wika pa ni Mayor Evangelista.

Sa tulong ng RS4LG, mabibigyang pagkakataon ang City Hall na makita kung ano ang mga bagay na nagdudulot ng matagal na pagbibigay serbisyo at kung papaanong mas mapapabilis ito.

Kalahok sa RS4LG ang mga bumubuo sa Business Processing and Licensing Office ng City Hall, City Health Office, CENRO, City Treasurer, City Mayors Office, Bureau of Fire Protection, at mga government line agencies gaya ng BIR, SSS,Philhealth at iba pa..



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio