National Earthquake Drill matagumpay na isinagawa

You are here: Home


NEWS | 2018/08/25 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – SAPAT na ang kaalaman ng mga mag-aaral at guro ng Kidapawan City National High School kung sakaling may mangyayaring lindol at sakuna sa kanilang paaralan.

Ito ang siyang lumabas sa assessment na isinagawa ng mga otoridad sa matagumpay na 3RD Quarter National Earthquake Simulation Drill August 16, 2018.

Maayos na isinagawa ang drill sa City High ayon na rin sa post evaluation ng Office of the Civil Defense 12 na siyang pangunahing ahensyang nagsagawa ng Earthquake Drill.

Eksaktong alas dos ng hapon ng pinatunog ang sirena hudyat na kunwaring may nagaganap na lindol.

Agad nagsagawa ng �Duck, Cover and Hold� ang mga guro at estudyante sa pagsisimula ng simulated exercise sa kani-kanilang mga classrooms.

Naka linya ngunit maliksing lumabas ang may limang libong mag-aaral sa kanilang silid patungo sa open field ng City High.

Agad sumunod ang pagpatay ng sunog, paghahanap sa mga sugatan, pagbibigay ng first aid sa mga ito, at agad na pagdala patungo sa mga pagamutan gamit ang mga ambulansya ng City Call 911.

” Ginagawa natin ang earthquake drill para masukat ang kahandaan at kakayahan ng mga guro at estudyante kapag may lindol. Sa pamamagitan nito ay mapupunan at maa-ayos natin ang mga kakulangan para na rin sa kaligtasan ng lahat”, wika pa ni Ms. Jorie Mae Balmediano, Information Officer ng OCD 12.

Kaagapay ng OCD 12 sa simulated earthquake drill ang Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, DepEd, City Government, Barangay Poblacion Officials, Philippine Red Cross, Armed Forces of the Philippines at ang Bureau of Fire Protection.(CIO/LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio