Community Based Drug Rehab Program ng Poblacion sisimulan August 30

You are here: Home


NEWS | 2018/08/29 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – PAGKAKATAONG MAKAPAGBAGONG buhay ang muling ibinibigay ng City Government sa lahat ng recovering drug addicts ng Barangay Poblacion.

Bukas – August 30, 2018 ganap na alas otso y medya ng umaga sisimulan ang Community Based Drug Rehabilitation Program ng Poblacion kung saan inaasahang pupunta rito ang mahigit dalawang daang recovering drug addicts.

Venue ng aktibidad ang mismong Barangay Hall Complex ng Poblacion.

Pagkakataong magbago na ang mga dati ng lulong sa droga kung kaya at dapat samantalahin ang panawagang nabanggit, ani pa ni Joel Aguirre Focal Person ng Balik Pangarap Program na siyang isa sa mga facilitators ng CBDRP.

Libre na para sa mga kalahok ang ibinibigay na Drug Rehabilitation Program ng City Government.

Maliban sa tutulungan silang ituwid ang kanilang buhay, may mga skills training din na kasali sa programa upang mabigyan ng kaalaman ang mga kalahok na makapaghanap buhay.

Pangatlong pagkakataon ng ipinatutupad sa lungsod ang CBDRP ng Poblacion.

Una ng nagtapos ang may tatlumpo at walong recovering drug addicts ng Nuangan Kidapawan City noong June 2018.

Kasalukuyan namang ginagawa ang pagre-rehabilitate sa mga kalahok ng Barangay Mua-an.

Katuwang ng City Government sa programang ito ang City Health Office, DILG, Pamahalaang Pambarangay ng Poblacion at ang Philippine National Police.(CIO/LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio