OPLAN kontra flashfloods at landslides nakahanda na

You are here: Home


NEWS | 2018/09/18 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – NAKAHANDA NA ANG OPLAN sakaling magkaroon ng mga pagbaha at landslide sa lungsod dulot ng mga pag-ulan na maaring dalhin ng pinalakas na Habagat dulot ng bagyong Ompong.

Base na rin sa kautusan ni City Mayor Joseph Evangelista ang OPLAN na siyang ipatutupad ng City LGU para na rin sa kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan.

Bagamat hindi direktang tatamaan ang Kidapawan City ng Super Typhoon Ompong, magdadala naman ng malalakas na mga pag-ulan ang Habagat na hihilahin nito kaya ay marapat lamang na may mga nakahandang hakbang ang lungsod para sa kaligtasan ng lahat, wika pa ni CDRRMO Psalmer Bernalte.

Nagtipon kahapon ang mga kinatawan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council upang pag-usapan ang pagpapatupad ng OPLAN.

Sa ilalim ng OPLAN ipatutupad ang Forced Evacuation o sapilitang paglilikas ng mga residente na direktang maaapektuhan ng landslide at flashfloods.

Pinagtutuunan ng ibayong atensyon ng CDRRMC ang tatlong sitio ng Balabag at Ilomavis na mga landslide probe areas pati na rin yaong mga komunidad na malapit sa mga daluyan ng tubig.

Iminungkahi ng City LGU sa residente na makipag-ugnayan sa mga barangay officials o di kaya ay sumubaybay sa radyo sakaling may ipatutupad na paglilikas.

Marapat din na icharge na ang kanilang mga cellphones at flashlights habang may kuryente lalo pa at malaking posibilidad ang blackouts kapag nasira ang mga linya ng Cotelco dulot ng malakas na hangin at pag-ulan.

Maari ring irekomenda ng CDRRMC kay Mayor Evangelista na ikansela ang klase sa mga paaralan kung sakaling magpatuloy at lumala ang masamang panahon, pagliliwanag pa ni Bernalte.

Aaabot sa 250 kilometers per hour ang lakas ng Bagyong Ompong na nakapasok na sa PAR sa kasalukuyan at inaasahang magla-landfall sa Hilaga at Silangang Luzon bukas. (CIO/LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio