Bagong halal na Barangay at SK officials sinanay sa tamang pamamahala

You are here: Home


NEWS | 2018/10/04 | LKRO


thumb image

SINANAY kapwa ng DILG at City Government ang mga bagong halal na opisyal Pambarangay at Sangguniang Kabataan sa tatlong araw na Basic Orientation for the Newly Elected Officials Towards Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent Barangays – BNEO GREAT na nagsimula October 3-5, 2018.

Nanguna si City Mayor Joseph Evangelista at City DILG Director Ging Kionisala sa pagtuturo sa unang batch ng sampung barangay patungkol sa tamang pamamahala.

Ilan lamang sa mga sistemang pang gobyerno na sakop ng tatlong araw na training ay ang mga sumusunod: Public Accountability, Decentralization and Governance; Orientation on Federalism; Barangay Government Administration; Development Planning; Financial Administration; Budgeting; Auditing; Procurement; Solid Waste Management; Legislation; at Katarungang Pambarangay.

Dapat ay alam ng mga opisyal ang mga nabanggit upang maitaguyod ang tamang pamamahala at pagbibigay serbisyo publiko sa kanilang mga nasasakupan, paglilinaw kapwa nina Mayor Evangelista at DILG City Director Kionisala.

Kapag tama ang pamamahala at pakikitungo ng mga opisyal sa kanilang constituents ay maiiwasan na maharap sila sa reklamo gaya na lamang sa 8888 o di kaya ay sa Office of the Ombudsman.

Magpapatuloy naman ang nabanggit na tranining para sa iba pang barangay officials sa October 9-11, 17-19 at 22-24.

Venue ng BNEO-GREAT ang bagong City DepEd Convention Hall. (CIO/LKOasay)

Photo Caption – TAMANG PAMAMAHALA IPINAALALA SA MGA NEWLY ELECTED BARANGAY AT SK OFFICIALS: Nagpalala si City mayor Joseph Evangelista sa uspain ng good governance ng mga bagong halal na opisyal sa pagsisimula ng BNEO-GREAT training October 3, 2018.(CIO Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio