Mayor Evangelista nagpaliwanag sa pagbibigay honorarium sa mga SK officials

You are here: Home


NEWS | 2018/10/11 | LKRO


thumb image

PUMAYAG mismo ang Legal Office ng Department of the Interior and Local Government na bigyan ng P1,500 na honorarium ang mga bagong opisyal ng Sangguniang Kabataan sa lungsod.

Paliwanag ito ni City Mayor Joseph Evangelista sa mga bagong halal na opisyal ng Barangay na sumasailalim sa training on good governance sa kasalukuyan.

Sinabi ng DILG Legal na hindi nakasaad sa Local Government Code of 1991 na ipagbawal ang pagbibigay ng honorarium sa mga SK, paliwanag pa ng alkalde sa mga opisyal ng Barangay.

Personal na dumulog si Mayor Evangelista sa National Office ng DILG sa National Capital Region upang ilapit ang nabanggit na suliranin sa pagbibigay ng honorarium sa mga kabataang opisyal.

Nagbunga ito ng positibong aksyon mula sa City Government na maglaan ng pondo upang maibigay ang P1,500 na honorarium ng lahat ng SK officials kamakailan lang.

Idinahilan din ni Mayor Evangelista na kailangan ng mga SK officials ang honorarium sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Bunga nito, plano na rin niyang magbigay ng honorarium para naman sa mga purok leaders sa lungsod.

Hahanapan ni Mayor Evangelista ng paraan kung papaanong maibigay ito sa mga purok leaders pagsapit ng Kapaskuhan.

Makakatulong na ang pinaplanong honorarium upang magampanan ng maayos ng mga purok leaders ang kanilang tungkulin, wika pa ng alkalde. (CIO/LKOasay)

Photo Caption- BNEO/GREAT Training: Pinangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang Basic Orientation for the Newly Elected Officials Towards Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent Barangays – BNEO GREAT kung saan tinuruan ang mga bagong halal na Barangay at SK officials sa tamang pamamalakad ng gobyerno at pagbibigay serbisyo publiko nitong October 9-11, 2018.(CIO Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio