Solid Performance at Good Governance sandigan ni Mayor Evangelista sa kanyang muling pagtakbo

You are here: Home


NEWS | 2018/10/15 | LKRO


thumb image

 

SOLID PERFORMANCE at GOOD GOVERNANCE pa rin ang mananatiling sandigan ni City Mayor Joseph Evangelista sa pagtakbo para sa kanyang pangatlong termino bilang alkalde ng lungsod.

Naniniwala si Mayor Evangelista na suportado siya ng nakararaming mamamayan dahil na rin sa mga accomplishments na naabot ng City Government sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Mula 2016 hanggang 2018 ng tatlong magkasunod na taon na ginawaran bilang Seal of Good Local Governance Hall of Famer ng DILG ang Kidapawan City bilang pagpapatunay ng maayos na pamamahala, epektibong pagbibigay serbisyo publiko at katapatan sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

Nasa ika labing apat na Most Competitive City ng bansa ang Kidapawan City ngayong 2018 ayon na rin sa National Competiveness Council ng Department of Trade and Industry.

Hindi lamang ito sukatan ng maayos na pamamahala kungdi pagpapakita din sa ibayong kaunlaran ng lungsod sa panahon ng panunungkulan ni Mayor Evangelista.

Ng tanungin, wika pa ng alkalde na makakaasa pa ang lahat sa maayos na pamamahala at dagdag pang mga proyektong pang kaunlaran lalo na sa mga kanayunan.

October 15, 2018 ng sabay-sabay na nagsumite ng kani-kanilang Certificates of Candidacies sina Mayor Evangelista at mga kapartido sa ilalim ng Nacionalista Party.

Isinumite nila ang kanilang mga CoC’s pasado alas otso ng umaga sa mismong tanggapan ng City Comelec.

Tumatakbong mga City Officials sa ilalim ng Nacionalista Party sina Mayor Evangelista, City Councilor Jivy Roe Bombeo bilang Vice Mayor at mga City Councilors na sina: Gregorio Lonzaga; Marites Malaluan; Gasbamel Ray Suelan; Narry Amador; Melvin Lamata Jr; Carlo Agamon; Malou Cadeliña – Manar; Aljo Cris Dizon; Rex Dayao at Cromwell Victoria.

Hinihingi naman ni Mayor Evangelista ang solidong suporta ng lahat sa kanilang partido para sa May 13, 2019 Mid Term Elections. (CIO/LKOasay)

Photo Caption- MAYOR EVANGELISTA AT MGA KAPARTIDO NAGHAIN NA NG KANILANG CoC: October 15, 2018 ng maghain na ng kanyang Certificate of Candidacy si City Mayor Joseph Evangelista kasama ang kanyang mga kapartido sa ilalim ng Nacionalista Party.

 



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio