Apat na mag-aaral sa public schools nabigyan ng insurance ng City Government

You are here: Home


NEWS | 2018/10/19 | LKRO


thumb image

BINIGYAN ng tulong pinansyal ng City LGU ang apat na mag-aaral mula sa public schools na naaksidente kamakailan lang.

Personal na inabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang tulong bahagi ng insurance ng mga estudyante sa public schools.

Kinilala ang apat na sina Kietline Asumbrado ng Kalasuyan Elementary School; Joarcel Celis ng Paco NHS; Sheikhah Undong ng Patadon ES at Richard Alayon ng Spottswood NHS.

Death Assistance Benefit na nagkakahalaga ng P22,500 ang natanggap ng pamilya ni Undong matapos siyang matuklaw ng cobra at mamatay noong August 28, 2018.

Tig P2,500 naman ang tinanggap nina Celis, Asumbrado at Alayon matapos silang masangkot sa aksidente.

Naaksidente sa daan sina Celis at Asumbrado samantalang nagkaroon ng komplikasyon si Alayon matapos makagat ng putakti habang tumutulong sa kanyang ama sa pag-aani ng rambutan.

Gumaling at kapwa nakabalik na sa pag-aaral sina Celis at Alayon samantalang nagpapatuloy naman ang Physical Therapy ni Asumbrado.

Magbibigay naman ng dagdag na tulong si Mayor Evangelista sa kanyang magulang para sa kanyang paggaling ng makabalik na sa eskwelahan.

Sa halagang P20 ay makakaseguro na ng ayuda ang bawat mag-aaral na naka enrol sa public school kung sakaling sila ay maaksidente.

P10 dito ay magmumula sa fund raising activity ng eskwelahan at ang isa pang P10 ay mula naman sa Ciy Government.

Insurance provider ay ang Climbs Life and General Insurance Cooperative na kapartner din ng City LGU para naman sa insurance ng tricycle drivers.

Kasama ni Mayor Evangelista sa pagbibigay ng ayuda si Ms. Crizel Marie Naranjo na kawani ng Climbs Life Insurance Coop October 17, 2018 sa mismong Tanggapan ng Alkalde sa City Hall. (CIO/LKOasay)

Photo caption – INSURANCE CLAIM NG BATANG NAAKSIDENTE BINIGAY NA: P22,500 na Death Assistance Calim ang iniabot nina City Mayor Joseph Evangelista at ni Ms. Crizel Naranjo sa mga magulang ni Sheikhah Undong October 19, 2018. Si Undong ay natuklaw ng cobra at namatay noong August 28, 2018. Sa halagang P20 na insurance ay makasesegurong may tulong ang bawat mag-aaral sa public school sa panahon na sila ay maa-aksidente.(CIO Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio