Pagpapauwi sa labi ng inmate na nakulong sa National Penitentiary sinagot ni Mayor Evangelista

You are here: Home


NEWS | 2018/10/19 | LKRO


thumb image

SINAGOT ni City Mayor Joseph Evangelista ang pagba-byahe pauwi sa mga labi ng isang inmate mula sa lungsod na matagal ng nakapiit sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Buong pasasalamat ang ipinaparating ng pamilya ng inmate na nakilalang si Castro Calihanan na taga Amas Kidapawan City sa alkalde sa agarang tulong na binigay nito upang mai-uwi at mahimlay sa Kidapawan City ang kanyang mga labi.

“ Usa ra dyud ka text si Mayor Evangelista nga nitubag dayon sa among problema sa pagpahiluna sa akoang igsoon. Utang kabubut-on namo ni sa iya”, wika pa ni Mrs. Lyna Pinantao na nakababatang kapatid ni Calihanan na siyang sumundo sa mga labi nito pauwi sa Kidapawan City.

October 6, 2018 na tumawag ang taga National Bilibid Prison kay Mrs. Pinantao na nagsabing patay na nga ang kanyang kapatid.

Agad siyang nagtext kay Mayor Evangelista na mabilis namang sinagot ng alkalde.

Sinagot ni Mayor Evangelista ang kanyang pamasahe at allowances palipad ng Maynila upang kunin ang labi ng kanyang kuya.

Nakipag ugnayan din ang alkalde sa pamunuan ng Philippine Air Force upang maikarga sa kanilang C 130 Cargo Plane ang labi ni Calihanan para maihatid sa Awang Airport sa Cotabato City.

Mula Awang Airport ay sinundo ng sasakyan ng Wood Haven Chapel na kinontrata ni Mayor Evangelista ang mga labi ng inmate.

Ni Piso ay walang ginastos sa pagba-byahe sa labi ng kanyang kuya pauwi, ayon pa kay Mrs. Pinantao.

Labinwalong taong nakulong sa National Penitentiary si Calihanan na nasakdal sa kasong murder noong 2001.

Namatay ang kanyang maybahay matapos ibaba ng korte ang hatol noong panahong ding iyon.

Dahil sa kabaitang kanyang ipinakita doon ay lalaya na sana siya sa susunod na taon ngunit nagkasakit ng pneumonia at sumakabilang noong October 6, paliwanag pa ng kanyang kapatid.

Nakalatag na ngayon ang mga labi sa tahanan ng kanyang kapatid sa Barangay Birada Kidapawan City.

Siya ay kabilang sa mga indigenous people ayon na rin sa mga namumuno sa Office of the Deputy Mayor for IP’s.(CIO/LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio