City Gov’t pinarangalan ng Dangerous Drugs Board

You are here: Home


NEWS | 2018/11/14 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – PINARANGALAN Ng Dangerous Drugs Board ang City Government sa mga anti-illegal drugs program nito.

Personal na iniabot ni DDB Chair Catalino Cuy kay City Mayor Joseph Evangelista ang parangal sa Launching ng Drug Abuse and Control Week sa Lucban, Quezon November 12-16, 2018 kung saan isa ang alkalde sa mga naimbitahang bisita at speaker ng okasyon.

Pinuri ng DDB at mismong Lucban Quezon Mayor Celso Oliver Dator ang mga programa ni Mayor Evangelista partikular ang Balik Pangarap Program at Barkada Kontra Droga.

Kaaya-aya at praktikal ang nabanggit na mga programa na naglalayong matulungang makabalik sa lipunan ang mga dati ng gumagamit at nalulong sa illegal na droga, wika pa ng DDB at Lucban LGU.

Maari kasing gayahin ng Lucban LGU at ng iba pang Local Government Units ng bansa ang Balik Pangarap at Barkada Kontra Droga ng Kidapawan City.

Ibinahagi ni Mayor Eavngelista ang mga success stories na resulta ng naturang mga programa.

Maliban sa mga nabanggit, may sarili na ring community based treatment intervention ang Kidapawan City.

Una ng natapos ang Community Based Drug Rehab Program sa Barangay Nuangan, samantalang nagpapatuloy din ito sa Mua-an at sa Poblacion sa kasalukuyan.

Hindi lamang natutulungan nito na makapagbagong buhay yaong mga drug users kungdi may kaakibat din na livelihood at skills training ng sa gayon ay meron silang mapapagkakitaan at hanapbuhay.(LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio