128 beneficiaries nabiyayaan ng DOLE Livelihood starter kits

You are here: Home


NEWS | 2018/11/15 | LKRO


thumb image

PRESS RELEASE

November 14, 2018

128 beneficiaries nabiyayaan ng DOLE Livelihood starter kits

KIDAAWAN CITY – MAKAKA-AHON NA SA KAHIRAPAN NG BUHAY ANG ISANDAAN AT DALAWAMPU’T WALONG beneficiaries ng DOLE Integrated Livelihood Program na nabiyayaan ng starter kits mula sa Pamahalaan.

Maari na silang makapagsimula ng maliit na negosyo mula sa starter kits na kanilang tinanggap.

Resulta na rin ng pakikipag ugnayan ni City Mayor Joseph Evangelista sa Department of Labor and Employment na naglalayung makapagbigay ng kabuhayan sa mga mahihirap na pamilya sa Kidapawan City ang DILP.

November 14, 2018 ng ibigay sa kanila ng DOLE at ng City Government ang ayudang pangkabuhayan sa isang simpleng seremonya sa City Gymnasium.

Imbes na perang pang-puhunan, mga starter kits na kinabibilangan ng kagamitan para sa sari-sari store, bigasan, pagtitinda ng ice cream at iba’t-ibang uri ng prutas, massage therapy, dressmaking at iba pa ang siyang inabot na tulong pangkabuhayan ng DOLE at City Government sa mga beneficiaries.

Nagkakahalaga ng P10,000 – P20,000 ang starter kits na tinanggap ng bawat beneficiary.

Dole-out ang ayuda na ang ibig sabihin ay wala silang babayaran sa gobyerno sa kalaunan.

Ngunit, tungkulin ng bawat beneficiaries na palaguin ang kanilang maliit na negosyo upang maitaguyod ang pamumuhay ng kanilang pamilya at makatanggap ng dagdag pang kabuhayan package mula sa DOLE at ng City Government.

Abot sa P4Million ang kabuo-ang halaga ng starter kits.

Pinangunahan ni City Councilor Jiv-Jiv Bombeo, DOLE Region XII Assistant Director Arlene Bisnon, Cotabato DOLE Chief Marjorie Latoja, Barangay Poblacion Kagawad Melvin Lamata Jr, at City PESO Manager Herminia Infanta ang pamimigay ng starter kits.(CIO/LKOasay)

Photo caption – DOLE at City Government namigay ng ayudang pangkabuhayan: Pinangunahan ni City Councilor Jiv-Jiv Bombeo (Ikalima mula sa kaliwa) ang pamimigay ng DOLE Integrated Livelihood Program starter kits sa 128 beneficiaries ng programa November 14, 2018.Dole-out ang tulong na nabanggit mula sa Pamahalaan.(CIO Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio