NEWS | 2018/12/17 | LKRO
PRESS RELEASE
December 17, 2018
Kidapawan City Best Performing Peace and Order Council ng Rehiyon Dose
KIDAPAWAN CITY – GINAWARAN BILANG BEST PERFORMING PEACE AND ORDER COUNCIL 2017 NG REHIYON DOSE ang Kidapawan City Peace and Order Council December 14, 2018.
Iginawad ng Department of the Interior and Local Government at ng Regional Peace and Order Council ang Plaque of Recognition sa Kidapawan City sa ilalim ng Component Cities Category.
Nakasentro ang pagbibigay parangal sa Public Safety Program ni City Mayor Joseph Evangelista katuwang ang City Peace and Order Council.
Sa pamamagitan ng mga resolusyon ng CPOC, naipatupad ang mga programa ng City Government na nakatuon sa kapayapaan at kaayusan.
Ilan lamang sa mga programang ito ay ang pagkakaroon ng Call 911 na nakatutok sa emergency, medical response at ambulance services 24/7; K9 unit kontra terorismo, pagpapatupad ng Task Force Kidapawan kaagapay ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, pagbibigay ng kagamitan sa komunikasyon sa pulisya, barangay at purok leaders at streetlighting projects na nakatulong sa ligtas na pagbabyahe sa daan at seguridad ng maraming komunidad pagsapit ng gabi.
Malaki ang naging ambag ng mahusay na Public Safety Program lalo pa at naka-akit ito sa ilang malalaking investors na magtayo ng kanilang negosyo sa lungsod.
Tinanggap ni City Disaster Risk Reduction Officer Psalmer Bernalte na kumatawan kay Mayor Evangelista ang naturang parangal.##(CIO/LKOasay)
(photo credit to CDRRMO Psalmer S. Bernalte)