NEWS | 2019/01/22 | LKRO
OFW Village itutuloy na ng City Government ngayong 2019
KIDAPAWAN CITY – ITUTULOY na ng City Government ang pagpapatayo ng Overseas Filipino Workers village ngayong 2019.
Pumirma sa isang Memorandum of Understanding si City Mayor Joseph Evangelista sa Socialized Housing Finance Corporation January 18, 2019 bilang hudyat na matutuloy na ang proyekto.
Katuparan ito sa pinangako ni Mayor Evangelista sa mga OFW na taga Kidapawan City na kanyang dinalaw at personal na nakausap sa Hong Kong at Singapore.
Nais ng proyekto na makapagbigay pabahay sa mga OFW na hindi pa nakakapag-pundar ng tahanan sa kabila ng maraming taong pagta-trabaho sa ibang bansa.
Ayon pa sa MOU na pinirmahan ni Mayor Evangelista at SHFC President Atty. Arnolfo Ricardo Cabling, itatayo ng SHFC ang mga bahay sa limang ektaryang lupang matatagpuan sa Barangay Kalaisan.
Kasali na rin ang paglalagay ng linya ng tubig at kuryente sa lugar.
Nagkakahalaga ng P7.5 Million ang lupang nabili ng City Government na paglalagakan ng OFW Village.
Ang OFW village ay bahagi ng Pabahay Socialized Housing Program IV ng City LGU kaagapay ang mga National Line Housing agencies.
Kasalukuyan na ring inihahanda ang Site Development sa Pabahay program para naman sa mga informal settlers.
Matatagpuan ang nabanggit na proyekto sa barangay Sudapin.##(LKOasay)
Photo caption – MOU Signing sa itatayong OFW Village: Pumirma si City Mayor Joseph Evangelista at SHFC President Atty Arnolfo Ricardo Cabling (pink shirt) sa Memorandum of Understanding para sa itatayong OFW Village sa Kidapawan City January 18, 2019.(CIO Photo)