Mayor Evangelista nananawagan sa pagbabakuna kontra tigdas

You are here: Home


NEWS | 2019/02/13 | LKRO


thumb image

Mayor Evangelista nananawagan sa pagbabakuna kontra tigdas

KIDAPAWAN CITY – MAGPABAKUNA KONTRA TIGDAS.

Panawagan ito ni City Mayor Joseph Evangelista sa lahat ng mga magulang na hindi pa nagpapabakuna ng anti measles vaccine sa kanilang mga anak.

Ligtas at matagal ng ginagawa ng Department of Health ang pagbabakuna sa mga bata kontra tigdas, paniniyak pa ni Mayor Evangelista.

Bumaba ang porsyento ng nagpapabakuna kontra tigdas sa buong bansa dahil na rin sa takot at agam-agam ng mga magulang dala ng Dengvaxia issue.

Paulit-ulit ng nananawagan ang alkalde sa kanyang mga constituents na gawin ang pagbabakuna sa kanilang mga anak upang maiwasan na magka tigdas.

Bago lang ay nagdeklara ng measles outbreak ang DOH sa Kalakhang Maynila, bagay na maiiwasang mangyari sa lungsod kung makikipagtulungan ang mga magulang sa pamahalaan.

Kung sakali mang magkaroon ng pabalik balik na lagnat at skin rashes, na mga pangunahing simtomas ng tigdas, pinapayuhan ang mga magulang na agad ipagamot ang kanilang mga anak.

Maari ring dumulog sa mga barangay health centers upang mabigyan ng sapat na impormasyon kontra tigdas, wika pa ni Mayor Evangelista.

Libre ang pagpapabakuna kontra tigdas. ##(CIO/LKOasay)

(photo is from philstar.com April 13, 2018)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio