Mayor JAE tutulong sa pagtatayo ng mga makeshift classroom sa nasunog na elementary school sa lungsod

You are here: Home


NEWS | 2019/04/25 | LKRO


thumb image

Mayor JAE tutulong sa pagtatayo ng mga makeshift classroom sa nasunog na elementary school sa lungsod

TUTULONG ang Kidapawan City LGU sa pagtatayo ng mga temporary learning center para sa mga mag aaral ng New Bohol Elementary School na nasunugan ng mga classrooms nitong nakaraang Biyernes Santo.
Mismong si Mayor Joseph A. Evangelista, ang personal na nagtungo sa nasunog na paaralan kung saan sinalubong siya ng mga guro at mga magulang na nanghihinayang sa pagka sunog ng kanilang paaralan.
Pinawi naman ng alkalde ang kalungkutan ng mga magulang at ang pag alala ng mga mag aaral nang sinabi nitong maglalaan siya ng pondo para sa itatayong pansamantalang silid aralan.
Limang mga classrooms na nagkakahalaga ng P2.5 million ang nasunog at hindi pa kabilang diyan ang halaga naman ng mga natupok na instructional materials.
Apektado sa nasabing sunog ang May 188 na mga grades 2 hanggang grages 6 ng New Bohol Elementary School.
Sisimulan ang pagtatayo ng mga makeshift classroom sa May 6.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Kidapawan Bureau of Fire Protection sa sanhi ng sunog na tumupok sa nasabing paaralan.
Nanawagan naman ang Department of Education Kidapawan City Division sa mga magulang ng mga apektadong mga mag aaral na huwah nang mabahala dahil magkakaroon parin ng pagtatala para sa pagbubuks ng pasukan sa Hunyo. (WAM/CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio