Final Testing at Sealing ng Vote Count Machines sa May 10

You are here: Home


NEWS | 2019/05/07 | LKRO


thumb image

Final Testing at Sealing ng Vote Count Machines sa May 10

KIDAPAWAN CITY – GANAP NA ALAS SAIS NG UMAGA NG May 10, 2019 gagawin ang final testing at sealing ng lahat ng Vote Count Machines o VCM’s na gagamitin sa Halalan.

Pangungunahan ng City Comelec ang aktibidad na naglalayung subukan kung gumagana ba ng wasto ang mga makina.

Maliban sa VCM may mga balota din na gagamitin na siya namang ipapasok sa makina para mabilang.

Ang mga balota ay naglalaman ng pangalan ng mga kandidato sa pagka senador, kongresista, governor at vice governor, board members, mayor at vice mayor, councilors at maging party lists groups.

Makakatuwang ng Comelec ang iilang mga miyembro ng Electoral Board na siyang maaatasang maglalagay ng balota sa VCM.

Pagkatapos ng testing at sealing saka naman itatago ng Comelec ang lahat ng VCM’s.

Sa araw mismo ng halalan sa lunes, May 13 ng madaling araw ay ibabyahe na ng Comelec ang mga VCM’s patungo sa mga polling centers sa apat napung mga barangay ng lungsod.

Magsisimula ang botohan ganap na alas sais ng umaga at magtatapos alas sais ng gabi.

Nilinaw naman ng Comelec na may mga mitigating measures na silang nakahanda kung sakaling magkaroon ng brownout o ano mang aberya sa panahon ng botohan.

Magbibigay seguridad naman sa mga polling centers ang PNP at AFP.##(cio)

(cio file photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio