P400 PTA Subsidy mula sa City Gov’t ipamimigay na sa mga public schools 

You are here: Home


NEWS | 2019/06/19 | LKRO


thumb image

P400 PTA Subsidy mula sa City Gov’t ipamimigay na sa mga public schools

KIDAPAWAN CITY – SIMULA July 5, 2019 ay ipamimigay na ng City Government ang P400 na Parents- Teachers Association Subsidies sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Ito ay katuparan sa pinangako ni City Mayor Joseph Evangelista na malibre ang bayarin ng mga bata na nag-aaral sa mga public schools.
Mula kindergarten hanggang senior high school ang coverage ng subsidy mula sa City Government.
Tinatayang mahigit sa 35,000 na mga enrollees mula kindergarten hanggang senior high school ang malilibre sa tulong ng PTA subsidy.
Maliban sa malilibre na ang mga bayarin sa school, makakatulong din ang P400 na PTA subsidy upang mapondohan ang mga pangangailangan sa learning devices ng mga guro pati na mga PTA funded school development projects.
Nakadepende ang halaga ng PTA subsidy sa dami ng mga batang naka enroll sa bawat paaralan.
Kada batang naka enroll sa public school ang sakop ng PTA subsidy.
Alinsunod na rin ito sa zero collection policy ng Department of Education.
Nagsimula sa P100 ang City Government PTA Subsidy noong taong 2014 at lumaki na sa P400 sa kasalukuyan.##(cio/lkoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio