City Gov’t namigay ng relief assistance sa mga pamilyang apektado ng pagbaha 

You are here: Home


NEWS | 2019/07/25 | LKRO


thumb image

City Gov’t namigay ng relief assistance sa mga pamilyang apektado ng pagbaha

KIDAPAWAN CITY – LIMAMPUNG Pamilya na biktima ng baha mula sa iba’t-ibang lugar ng Poblacion ang nabigyan ng relief items ng City Government noong July 24, 2019.
Ipinaseguro ni City MAyor Joseph Evangelista na agad mabigyan ng tulong ang mga nasalanta ng baha matapos ang malakas na pag ulan na nagpa-apaw sa lebel ng tubig sa mga ilog at daluyan nito sa lungsod kamakalawa ng gabi.
Nanguna sa pamimigay ng tulong ang mga Deaprtment Heads ng City Disaster Risk Reduction and Management Office at City Social Welfare and Development Office.
Tumanggap ng tig-lilimang kilong bigas, at de lata na sardinas at corned beef ang bawat household na apektado ng baha, base na rin sa impormasyon ng CDRRMO.
Mga pamilya sa Purok Ponkana ng Lapu Lapu Street; Taran Subdivision, at Salandanan Subdivision ng Barangay Poblacion ang tumanggap ng tulong.
Nagmula ang relief assistance sa 5% Quick Response Fund ng CDRRMC.
Kaugnay dito ay ipasusuri ni Mayor Evangelista sa City Engineering Office ang mga binahang drainage canal na malapit sa nabanggit na mga lugar.
Ito ay upang magawan ng paraan na hindi na umapaw ang tubig at bahain ang mga residente pagsapit ng ulan. ##(cio/lkoasay)

(photo credits to Mr. Dexter C. David of CDRRMO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio