235% naitalang pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod 

You are here: Home


NEWS | 2019/08/27 | LKRO


thumb image

235% naitalang pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod

KIDAPAWAN CITY – 235% NA PAGTAAS KASO NG DENGUE ang naitala sa Kidapawan City simula Enero 1- Agosto 21, 2019 hudyat para irekomendang ideklara ang State of Calamity sa lungsod.
Nakapaloob sa Resolution numbers 17 and 18 na inaprubahan noong Agosto 23, 2019 ang pagdedeklara ng State of Calamity ng CDRRMC. 
686 na kaso ng dengue ang naitala sa Kidapawan City kumpara sa 190 sa kaparehong panahon noong 2018.
Lumagpas na sa Dengue Epidemic Threshold ang bilang ng kaso sa sampung barangay ng lungsod na kinabibilangan ng: Poblacion, Birada, Amas, Balindog, Lanao, Sudapin, Manongol, Paco, Magsaysay at Singao.
Dalawa ang naitalang namatay dahil dito sa Poblacion at barangay Birada.
Kapag naideklara na ng Sangguniang Panlungsod ang State of Calamity, magpapalabas na ng P2.8 Million na pondo ang CDRRMC.
Gagamitin ang pondo na pambili ng tatlong fogging machines, 300 litro ng Permethrine, Larvaecides at Deltametrine na mga kemikal panlaban sa pagdami ng lamok at Mosquito Repellants.
Nasa bahagi ng Health Services Program Dengue Outbreak Response ng CDMMC ang aksyon kontra dengue.
Pinapayuhan naman ang lahat na sumunod sa kampanya ng pamahalaan para malimitahan ang kaso ng mga nagkakasakit ng dengue.##(cio/lkoasay)

(photo is from wicnews.com january 25, 2019)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio