Door to door delivery ng gamot para sa senior citizens sinimulan na ng City Gov’t

You are here: Home


NEWS | 2019/09/16 | LKRO


thumb image

Door to door delivery ng gamot para sa senior citizens sinimulan na ng City Gov’t

KIDAPAWAN CITY – MALAKING GINHAWA PARA sa mga Senior Citizens ng mga barangay sa lungsod ang ginagawang “door to door” delivery ng City Government ng kanilang maintenance medicines.
September 13, 2019 ng simulan ng City Government na ihatid mismo sa tahanan ng mga senior citizen ang gamot na ipinangako ni City Mayor Joseph Evangelista sa kanila.
Mga Anti—Hypertension maintenance drugs na Losartan at Amlodipine ang gamot na libreng ibinigay ng City Government.
Nagmula ang mga ito sa With Love Jan Foundation Incorporated na kapartner ng City Government sa Health at Social Services programs na isinusulong nito.
Unang inihahatid ang mga gamot sa tuwing may naka schedule na Senior Citizens Assembly sa barangay.
Kapag absent sa asembleya ang senior citizen member ng kanilang pederasyon, ay ‘ihahatid na mismo ng mga kawani ng Barangay Affairs Unit ng City Mayor’s Office ang gamot sa mismong tahanan ng beneficiary’.
Una ng ipinasa ng Office of the Senior Citizen’s Affairs ng City Government ang listahan ng mga nakakatandang nangangailangan ng anti-hypertension maintenance medicine kay Mayor Evangelista na inaksyunan naman ng alkalde.
Target ng mabibigyan nito ang lahat ng senior citizens ngayong buwan ng Setyembre bago muling uulitin ang programa sa hinaharap. ##(cio/lkoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio