Libreng Orthopedic Assistive Devices ipinamahagi ng City Government sa mga senior citizen beneficiaries

You are here: Home


NEWS | 2019/09/26 | LKRO


thumb image

Libreng Orthopedic Assistive Devices ipinamahagi ng City Government sa mga senior citizen beneficiaries

KIDAPAWAN CITY – DALAWAMPU AT LIMANG MGA LOLO AT LOLA ang libreng nabigyan ng Orthopedic Assistive devices ng City Government.
Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang tulong sa mga senior citizen beneficiaries noong September 20, 2019 sa Convocation Program ng City Government.
Malaking tulong ang mga nabanggit upang makakilos ng maayos at magawa ng mga senior citizen beneficiaries ang kanilang pang araw-araw na gawain.
Kinapapalooban ng labinlimang wheelchairs, siyam na walkers at isang baston ang ibinigay ng alkalde.
Tumanggap nito yaong mga hindi at hirap ng makalakad na matatanda na nilista ng kanilang mga barangay senior citizens associations na lubhang nangangailangan ng orthopedic assistive devices.
Maituturing na ‘advance na regalo’ ni Mayor Evangelista sa mga nakakatanda ang nabanggit bago pa man ang pagdiriwang ng senior citizens week sa October 1-7.
Kaugnay nito ay naipamahagi na rin ng DSWD at City Government ang P6,000 na social pension para naman sa indigent senior citizens na hindi pa nakatanggap ng tulong pinansyal.
Ginawa ang pamimigay ng ayuda noong September 23 at nagtapos kahapon sa Office of the Senior Citizens Affairs ng City Government.
Matatandaang una ng naibigay ng DSWD at City Government ang isang buong taon na social pension sa mga indigent senior citizen noong September 2-6, 2019.##(cio/lkoasay)

Photo Caption – MAYOR EVANGELISTA NAMIGAY NG WHHELCHAIR SA MGA SENIOR CITIZENS: 25 na mga senior citizens ang libreng nabigyan ng orthopedic assistive devices noong September 20, 2019.Pinangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang nabanggit kung saan ay inihatid niya mismo ang isang senior citizen beneficiary gamit ang bagong wheelchair ng programa patungo sa kanyang mga kaanak.(cio photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio