Bagong IP Tribal hall pinasinayaan ni Mayor Evangelista

You are here: Home


NEWS | 2019/09/27 | LKRO


thumb image

Bagong IP Tribal hall pinasinayaan ni Mayor Evangelista

KIDAPAWAN CITY – PINAGKAISA na ni City Mayor Joseph Evangelista ang lahat ng Indigenous People ng lungsod bago pa man ang pagdiriwang ng IP Month sa buwan ng Oktubre.
September 27, 2019 ng pasinayaan ni Mayor Evangelista ang limang milyong pisong IP Tribal Center complex sa City Plaza hudyat ng kagustuhan niyang ‘magkaisa’ ang lahat ng tribong katutubo sa lungsod.
Katuparan ang bagong pasilidad sa ipinangako ng alkalde sa mga tribo na mabigyan ng maayos na lugar para isagawa ang kanilang mga adhikain.
Welcome ang lahat ng tribo sa bagong pasilidad, mensahe pa ng alkalde.
Matatandaang nagkaroon ng ‘faction’ ang ilang grupo ng mga tribo noon, bagay na ayaw ng maulit pa ni Mayor Evangelista na mas kilala bilang si Datu Apotanan na ang ibig sabihin ay ‘mapagbigay na pinuno’.
Ang bagong gusali na magsisilbing Tribal Hall ay inisyal pa lamang sa limang milyong pisong pasilidad na pinondohan ng City Government para sa mga katutubong Kidapawenyo.
Sa kasalukuyan ay isang palapag pa lamang ang Tribal Hall ngunit, dadagdagan pa ito ni Mayor Evangelista ng isa pang palapag para maka accommodate ng dagdag pang mga kliyente.
Maliban sa meeting place ng mga katutubo, ang expansion ng gusali ay magsisilbi ring livelihood training center ng mga women IP’s sa paghahabi ng tribal clothing at magsisilbi ding museum para naman sa mahahalagang kagamitan na bahagi ng kasaysayan ng mga sinaunang tribo sa Kidapawan.##(cio/lkoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio