KADIWA NI ATE AT KUYA GAGAWIN SA LUNGSOD SA JANUARY 29, 2021

You are here: Home


NEWS | 2021/01/27 | LKRO


thumb image

January 27, 2021

KADIWA NI ATE AT KUYA GAGAWIN SA LUNGSOD SA JANUARY 29, 2021

KIDAPAWAN CITY – SA LAYUNING MAKATULONG SA MGA CONSUMERS na apektado ng nagpapatuloy na pagtaas ng halaga ng produktong pagkain, muling isasagawa ng Department of Agriculture at City Government ang KADIWA NI ATE AT KUYA sa January 29, 2021 araw ng Biyernes.

Magiging venue ng aktibidad ang Pavilion ng City Plaza ng lungsod.

Ito ay pantawid pansamantala na inisyatibo ng City Government upang maibsan ang problema ng mga mamimili sa mataas na presyo ng karne, isda, poultry at ng iba’t ibang klase ng gulay.

Matatandaang unang ginawa ang KADIWA buwan ng Abril 2020 bilang isa sa mga pamamaraan na mabigyang oportunidad ang mga mamamayang hindi basta basta makalabas ng tahanan dahil sa peligrong dulot ng Covid19 pandemic.

Pangungunahan ni City Mayor Joseph Evangelista at mga kawani ng DA XII ang pagbubukas ng KADIWA ganap na alas siyete ng umaga hanggang alas dos ng hapon sa nabanggit na petsa.

Mga regional at local producers and farmers ang magbebenta ng kanilang produktong karne ng baboy, baka, manok, isda, at iba’t ibang klase ng gulay, prutas, at iba pang sariwa at prosesong pagkain sa lugar sa presyong abot kaya ng buying public.

“Kumpara noong KADIWA last April 2020, mas maraming produktong karne ang ibebenta ngayong January 29, 2021”, pahayag pa ni City Agriculturist Marissa Aton.

Tulad ng nakagawian, kinakailangan pa ring sumunod ang mga mamimili sa mga nakasaad na minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shields, physical distancing, thermal scanning at disinfection habang bibili sa KADIWA.

Kaugnay nito, sa kabila ng mataas na presyo, ipinababatid ng City Government sa pamamagitan ng City Agriculture Office na sapat ang supply ng pagkain sa lungsod.##(CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio