DALAWANG BUSINESS ESTABLISHMENTS NABIGYAN NG 2 YEARS TAX INCENTIVE NG CITY GOV’T

You are here: Home


NEWS | 2021/04/15 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – BINIGYAN NG City Government ng two years property and business tax incentive ang dalawang business establishments na nag-ooperate sa lungsod.

Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang Certificate of Tax Incentives sa Marlit Realty at Peak Properties by CSR kung saan exempted silang magbayad ng buwis sa lupa, gusali at business tax mula April 2021 hanggang April 2023.

Ibinibigay ng City Government ang pribilehiyong ito sa mga business operators upang makahikayat ng dagdag na puhunan na naglalayong pasiglahin ang lokal na ekonomiya ng Kidapawan City.

Nagbibigay ng tax incentive ang City Government sa mga bagong business establishments o di kaya ay nag-expand ng kanilang negosyo sa lungsod alinsunod sa mga panuntunan na pasok sa kasalukuyang City Revenue Code.

Dumaan sa masusing proseso ang application ng dalawang mga nabanggit na business establishments sa Kidapawan City Trade and Investment Promotion Council o KCTIPC bago nabigyan ng tax incentive, ito ay ayon na rin sa Kidapawan City Investment Promotion Center.

Tanging mga bayarin na hindi sakop ng exemption sa ilalim ng kasalukuyang City Revenue Code ang babayaran kapwa ng Marlit Raelty at Peak Properties by CSR sa City Government sa loob ng dalawang taong Tax Holiday.##(CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio