PASALUBONG CENTER MULING BINUKSAN NG CITY GOV’T

You are here: Home


NEWS | 2021/04/29 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY-MULING binuksan ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng City Tourism and Investment Promotions Center ang Pasalubong Center ng lungsod.

Isinabay ang pagbubukas nito sa pagbubukas ng ekonomiya ng lungsod tungo sa new normal sa panahon ng Covid19 pandemic.

Pinasalamatan ng mga food at arts and crafts sector si City Mayor Joseph Evangelista sa muling pagbubukas ng Pasalubong Center kung saan ay maibebenta na nila ang kanilang produkto sa mga turistang dumarayo sa Lungsod ng Kidapawan.

Matatandaang pansamantalang isinara ang nasabing pasilidad dahil na rin sa nagtamo ito ng kasiraan sa nangyaring lindol noong  October 2019 at ang pagpasok ng Covid19.

“Salamat kay Mayor Evangelista dahil mabibigyang kabuhayan ang marami sa aming miyembro ng food, arts and crafts sector ngayon”,  mensahe ng pasasalamat mula sa kanilang Pangulo na si Sheila Leong.

Matatagpuan ang Pasalubong Center sa City Overland Terminal kung saan mabibili rito ang mga local delicacy ng lungsod gaya ng nga kakanin, sweets and pastries, natural fruit beverages, brewed coffee, handicrafts, native bags and accessories at maraming iba pa.

Pawang gawa sa Kidapawan City ang ibinebentang produkto sa lugar na de-kalidad at sa abot kayang halaga.

Pinangunahan naman nina SP Tourism Committee Chair Junares Amador, City Tourism Operations Officer Gillian Lonzaga, City Tourism Council President Blanca Villarico, DTI Cotabato Head Ferdinand Cabiles at DOST Cotabato Director Michael Mayo ang pagbubukas ng Pasalubong Center.##(cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio