PAGPAPATALA NG MGA TRICYCLE DRIVER PARA SA PAGPAPABAKUNA KONTRA COVID19, ISINAGAWA NG CITY GOVERNMENT AT FKITA

You are here: Home


NEWS | 2021/05/07 | LKRO


thumb image

SINIMULAN na ng City Government ang pagpapalista ng mga tricycle drivers para sa isasaagwang Vaccination Roll Out ng mga nasa A4.1 Priority list ng pamahalaan o yaong mga indibidwal na naghahapbuhay sa transport sector.

Pinakilos na ni City Mayor Joseph Evangelista ang mga opisyal ng Federation of Kidapawan Integrated Tricycle Association o FKITA na magpalista na ang kanilang mga miyembro para mabigyan ng bakuna.

Kahit yaong mga hindi napapabilang sa mga asosasyon ng FKITA basta may Drivers License, at OR/CR ng motor ay ililista din ng City Government para sa vaccination kontra Covid19.

Nitong May 7, 2021, mismong si FKITA President Jabby Omandac kasama ang ilang mga kawani ng City Government ay nagsagawa ng pagpapatala para sa mga tsuper na hindi nakapalista sa kanilang asosasyon o di kaya ay yaong mga hindi miyembro ng FKITA.

Ginawa ng grupo ni Omandac ang pagpapatala sa may bahagi ng overpass sa tapat ng Our Lady Mediatrix of All Graces Cathedral.

Maliban sa pagpapatala, ipinaliliwanag ng maayos ng grupo sa mga tricycle driver na huwag matakot magpabakuna.

Hindi ibig sabihin na kapag may karamdaman ang driver gaya ng hypertension, diabetes o ano mang klase ng co-morbidities ay hindi na siya mababakunahan.

Ipinaliliwanag ng City Government sa pamamagitan ng FKITA na dapat magpabakuna ang mga driver hindi lamang na mapo-protektahan sila na hindi magka-komplikasyon sa Covid kungdi ay, mas risgo sila na ma-expose sa Covid lalo pa at iba’t-ibang mga indibidwal na kanilang pasahero sa bawat araw ng kanilang pamamasada.

Sa mga tsuper na nagdadalawang isip na magpabakuna, mas mainam na dumulog at sumangguni sa kanilang mga health service provider para mapaliwanagan ng maayos sa kahalagahan ng pagbabakuna kontra Covid19. ##(cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio