Month: June 2021

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 28, 2021) – Sa layuning mapalakas ang produksyon ng  ng mga magsasaka ng palay sa Lungsod ng Kidapawan lalo na ngayong may pandemiya ng Covid-19, muling nakipag-ugnayan ang City Government of Kidapawan sa Dept of Agriculture – Regional Field Office 12 o DA-ROF12 sa pamamagitan ng Office of the City Agriculturist.

Nagbigay-daan ito sa pamamahagi ng abot sa 500 bags ng certified rice seeds para sa iba’t-ibang Irrigator’s Association (IA) at Farmer’s Association (FA)sa lungsod at direktang nakabiyaya ang mga miyembro nito.

Ayon kay City Agriculturist Marissa Aton, sinimulan ang distribusyon ng certified rice seeds mula June 14, 2021 at natapos nitong June 28, 2021. Ito ay naipamahagi sa mga sumusunod na asosasyon:

GANESAN Irrigators Association (San Isidro) 100 bags June 14, 2021

Junction Farmers Association                                      20 bags June 15, 2021

Paco-Binoligan Irrigators Association            127 bags June 16, 2021

Sudapin                                                                                              2 bags June 17, 2021

MABAKAL Irrigators Association (Kalaisan)     74 bags June 18, 2021

MABAKAL Irrigators Association (Sumbac)     12 bags June 18, 2021

MABAKAL Irrigators Association (Macebolig)  5 bags June 21, 2021

Onica Farmers Association                                             81 bags June 21, 2021

Gayola Farmers Association                                           32 bags June 22, 2021

Amas Farmers Association                                              17 bags June 25, 2021

Katipunan Farmers Association                    30 bags June 25, 2021

Nakapaloob naman ang pamamahagi ng 500 bags ng certified rice seeds sa Regular Rice Program for Wet Cropping Season for 2021 ng DA-ROF 12 sa pakikipagtulungan ng City Government of Kidapawan.

Kaugnay nito, umaasa si Aton na lalo pang mapapahusay ng naturang mga beneficiaries ang produksyon ng kanilang palay na siya namang magpapaangat sa antas ng kanilang pamumuhay. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 24, 2021) – Fully operational na ngayon ang abot sa 236 beds mula sa mga Covid-19 Treatment Facility at Temporary Treatment and Monitoring Facility o TTMF na matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi ng Kidapawan City.

Ayon kay Dr. Hamir Hechanova, Chief of Hospital ng Kidapawan City at siya ring Focal Person ng One Hospital Command System ng lungsod, kabilang dito ay ang 56 facility beds mula sa limang mga CTF na kinapapalooban ng Kidapawan City Hospital Covid-19 Treatment Facility (22), KCH Covid-19 ANNEX Apo Summit (20), KCH Covid-19 Treatment Facility ANNEX II Dizon (14).

Abot naman sa 126 community facility beds ang nakapaloob sa apat na mga TTMF sa lungsod at ito ay ang Kidapawan City Pilot Elementary School o KCPES (40), Double R isolation (20), Ate Vanz Isolation (30), at Kidapawan City Gymnasium (36).

Dagdag pa rito ang abot sa 54 beds mula sa apat na mga private hospitals sa Kidapawan City na kinabibilangan ng Kidapawan Medical Specialist Center, Inc o KMSCI (20 beds), Kidapawan Doctors Hospital (17), Madonna Medical Center (6), at Kidapawan Midway Hospital (11).

Sinabi ni Dr. Hechanova, na patuloy ang pagpapalakas ng mga nabanggit na pagamutan at temporary treatment facilities upang matugunan ang tumataas na kaso ng Covid-19 sa lungsod.

Samantala, madaragdagan pa ang bilang ng mga facility beds sa nalalapit na pagbubukas ng Barangay Nuangan TTMF na may 26-bed capacity, ayon pa kay Dr. Hechanova. Alinsunod rin ito sa itinatakda ng National Inter-Agency Task Force for Covid-19 o NIATF sa paglalagay o pagtatayo ng mga pasilidad para sa Covid-19 patients.

Una ng nagpatawag ng pulong si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa pagitan ng mga opisyal ng mga pampubliko at pribadong ospital kasama na ang mga may-ari ng ilang inns sa lungsod upang patatagin pang lalo ang OHCS.

Kaugnay nito, tiniyak rin ni Mayor Evangelista ang patuloy na pagsisikap ng City Government of Kidapawan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan lalo na ang mga tinamaan ng Covid-19, kasabay ang panawagan sa mamamayan na laging sundin ang mga itinakdang minimum health protocols upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – CONSUL GENERAL Miwa Yoshiaki of the Consulate General of Japan in Davao paid a courtesy visit to City Mayor Joseph Evangelista on June 17, 2021. Mr. Yoshiaki’s visit was aimed on discussing economic and security situation of the city and exchanging of ideas on possible cooperation between the City of Kidapawan and Japan. Mayor Evangelista greeted the Consul by a ceremonial bow of respect before the actual dialogue between them started. The mayor welcomed Mr. Yoshiaki and shared to him his pleasant experiences during a visit to Japan in the past. Mayor Evangelista thanked the Japanese Government for helping fund the construction of school buildings in Barangay Patadon through its international Aid Programs. Discussions between the two officials mainly centered on agriculture and tourism development. Mr. Yoshiaki appreciated how the mayor implemented the agricultural programs that helped provide and sustain the livelihood of local farmers through the Food Sufficiency initiative of the City Government. Agricultural products being locally produced such as high value crops like coffee, lettuce, tomatoes, cabbage, and other highland vegetables, citrus fruits from the city lowlands, and freshwater fishes are given much attention under the Food Sufficiency program. Through this initiative, the City Government will buy the produce of the farmers in farm gate prices to ensure that they are rightfully earning from their harvest. The produce is being sold by the City Government in other big cities such as Cebu and Manila thereby providing a market for local farmers’ harvest.The Japanese consul will bring these developments to his government and will find a way how Japan can help boost the agricultural production of the local farmers and help them sustain their livelihood. As for the tourism development, Mr. Yoshiaki has identified Sitio Embassy in Barangay Perez as an ideal site for eco-tourism. Mayor Evangelista agreed with the Consul General since he is also planning to pattern and develop the place after the Spa resorts in Japan. A sisterhood pact between Kidapawan and a small Japanese city is being considered as an avenue for cultural and educational exchange of ideas that will help further develop this city and make its residents productive. ##(CIO)

thumb image

Kidapawan City (June 22, 2021) – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagpapaturok ng Covid-19 vaccine sa Kidapawan City at nagtitiwala sa proteksyong dulot ng bakuna, maging ito man ay Sinovac o AstraZeneca. Sa pinakahuling data ng City Epidemiology Surveillance Unit o CESU, abot na sa 3,284 front liners ang nabakunahan na o katumbas ng 90.69% ng kabuuang target na 3,621vaccinees. Abot naman sa 2,521 na mga senior citizens ang naturukan na o katumbas ng 19.32% ng kabuuang target na 13,044 vaccinees habang nabakunahan na rin ang abot sa 687 o katumbas ng 14.98% na mga indibidwal na nagkakaedad ng 18-59 years old na may controlled comorbidity o iyong may mga karamdaman ngunit may iniinom na mga gamot. Sinabi ni CESU Head of Operations Dr. Nerissa Paalan na tuluy-tuloy ang vaccination ayon na rin sa inilatag na vaccination plan ng City Government of Kidapawan at sa maayos na proseso ng vaccination sa lungsod. Ikinatuwa ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang bagay na ito kasabay ang pahayag na kailangang mabakunahan ang malaking bilang ng mga mamamayan ng lungsod upang matamo ang herd immunity sa Kidapawan City. Hindi naman ikinaila ni Mayor Evangelista ang kanyang pagkadismaya sa tila mabagal na pagdating at maliit na supply ng mga bakuna sa lungsod mula sa DOH. Ayon sa alkalde, malinaw naman na maganda ang takbo ng pagbabakuna sa lungsod. Tumataas na rin ang acceptance at tiwala ng mamayan sa bakuna kaya’t nagtatanong na ang mga ito kung kaylan sila matuturukan.Kaugnay nito, nanawagan ang alkalde sa kinauukulang ahensiya na ikonsidera ang maayos na vaccination sa lungsod at gawin itong basehan upang mapabilis at madagdagan pa ang allocation ng vaccine para sa mamamayan.Samantala, muling nanawagan ang CESU sa mga eligible vaccinees sa ilalim ng Priority Lists A.1 o mga medical at health front liners, A.2 o mga senior citizens, at A.3 o mga persons with controlled comorbidity na huwag sayangin ang pagkakataon na mabakunahan at tiyaking makapunta sa mga vaccination sites kapag sila ay tinawagan na para sa schedule ng kanilang pagpapabakuna. Sisimulan na rin umano ng CESU sa lalong madaling panahon ang pagpapatala ng mga A.4 o mga economic frontliners. Para sa karagdagang katanungan maaaring tumawag o mag-text sa CESU Vaccination Hotlines (0946) 921 9220 and (0997) 169 0348 (CIO)

thumb image

BJMP Kidapawan tumanggap ng isang brand new high-end sewing machine mula sa City Government of Kidapawan

KIDAPAWAN CITY (June 4, 2021) – MASAYANG tinanggap ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Kidapawan ang isang brand new Singer sewing machine mula sa City Government of Kidapawan.

Ginanap ang turn over sa Mega Tent ng City Hall alas-diyes ng umaga ngayong araw sa pangunguna ni City Legal Officer Atty. Jose Paolo M. Evangelista at ng mga representante ng BJMP Kidapawan sa katauhan nina JOI Amphy Chin B. Namuag at JO1 Otao. 

Nagkakahalaga ng mahigit P30,000 ang naturang sewing machine na ayon sa BJMP Kidapawan ay magagamit ng mga inmates o mga Persons Deprived of Liberty o PDL sa kanilang livelihood project.

Ikinatuwa din ng BJMP ang pagkakaroon nito ng bagong sewing machine dahil malaki ang magagawa nito para sa mga PDL upang magkaroon sila ng pagkakataon na mapaghandaan ang kanilang kinabukasan sa kabila ng kanilang pagkakapiit o pagkakakulong.

Kaugnay nito, muli ay pinasalamatan ng BJMP ang City Government of Kidapawan partikular na si Mayor Joseph A. Evangelista sa walang sawang pagtulong sa BJMP lalo na sa mga proyektong nakalaan para sa mga paglinang ng kakayahan ng PDL tulad ng pagtahi, craft and décor making, at iba pa.

Sinabi naman ni Atty. Evangelista na patuloy lang ang City Legal Office o CLO sa pagtulong sa BJMP lalo na para sa kapakanan at Karapatan ng mga PDL. “Maliban sa kaakibat na parusa, mahalagang mapagtuunan ng pansin ang pagbabago o reformation ng mga PDL kung kaya’t kailangang tulungan ang mga ito ng sa ganon ay maging produktibo uli silang mga indibidwal sa oras ng kanilang paglaya”, ayon pa kay Atty Evangelista. (CIO)

#labankidapawan

#wehealasone

thumb image

Mahigit tatlong libong mga Frontline Health Workers at mahigit apat na libong senior citizens sa Kidapawan City nabakunahan na ng Covid-19 vaccine

Abot na sa 3,019 o 85.33% ang bilang ng mga Frontline Health at Medical Workers o Priority List A.1 at 4,258 o 27.92% na mga senior citizens o Priority List A.2 ang naturukan na ng Covid-19 vaccine sa Kidapawan City.

Ito ay ayon sa City Epidemiology Surveillance Unit o CESU Kidapawan kung saan may target vaccinees na 3,538 front liners at 15,250 senior citizens sa lungsod.

Sa bilang na 3,019 frontliners, abot naman sa 1,807 o 59.85 % ang nakumpleto na ang bakuna o naturukan ng second dose habang sa bilang na 4,258 senior citizens ay abot na sa 2,126 o 49.93 % ang naturukan na ng second dose o nakumpleto na ang bakuna.

Kaugnay nito, sinabi ni CESU Operations Head Dr. Nadine Paalan na tuluy-tuloy lang ang CESU sa roll out ng bakuna sa Notre Dame of Kidapawan College o NDKC at Kidapawan Doctors College, Inc. 0 KDCI bilang mga designated vaccination sites sa lungsod.

Kaugnay nito, nanawagan din si Dr. Paalan sa publiko partikular na sa eligible vacinees na tangkilikin ang bakuna maging ito man ay Sinovac o AstraZeneca dahil ito lang ang paraan upang matamo ang herd immunity at makontrol ang pagdami ng kaso ng Covid-19. 

Samantala patuloy pa ang CESU sa pagpapatala ng Priority A.3 o mga adults with comorbidity (18 to 59 years old) at hinihimok ang partikular na sector na ito na samantalahin ang pagkakataon at makipag-ugnayan sa kanilang mga Barangay Health Stations o sa mismong tanggapan ng CESU upang maisali sila sa talaan ng mga vacinees. (CIO)

#LabanKidapawan

#Wehealasaone

thumb image

15 indibidwal mula sa Barangay Amas, Kidapawan city nabigyan ng libreng birth certificate

AMAS, Kidapapawan City (June 2, 2021) – Labinlimang mga indibidwal na nabibilang sa mahirap na pamilya sa Barangay Amas, Kidapawan City ang nakabiyaya ng libreng Birth Certificate sa ilalim ng Free Late Birth Registration ng City Government of Kidapawan.

Mismong si Kidapawan City Legal Officer Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa ginanap na distribution ng birth certificate sa Barangay Amas covered court kahapon.

Kasama ni Atty. Evangelista si Barangay Amas Chairman Nelvin Naviamos sa pamamahagi ng naturang mga birth certificates sa mga benepisyaryo.

Ayon kay Atty. Evangelista, layon ng programa na mabigyan ng kaukulang dokumento ang mga residente sa lungsod na mula’t sapul ay walang birth certificate.

“Karapatan ng bawat isa na magkaroon ng pagkakakilanlan kaya sa pamamagitan ng ating programa ay mabibigyan ng solusyon ang problema sa kawalan ng birth certificate”, ayon pa kay Atty. Evangelista.

Katuwang naman ang City Civil Registrar office na pinamumunuan ni Raul Malaluan sa pag proseso sa mga dokumento para sa mga benepisyaryo.

Dagdag ng opisyal, ito ay bilang suporta na rin sa adbokasiya ng Philippine Statistics Authority o PSA na mapa rehistro o mabigyan ng birth certificate ang lahat upang matamo ang wastong detalye sa census na gagawin.

Ilan sa mga nakakuha ng birth certificate ay kinilalang sina Leonor Sajonia, 71 years old, Elizabeth Bondosan, 49; Leonila Sabmanan, 57; Filipina Dapan, 72; Avino Magpangkat, 72; at Sittie Mundas, 55.

Ipinagpasalamat naman ni Barangay Amas Chairman Naviamos ang pamamahagi ng birth certificate kasabay ang pahayag na natugon na rin ang matagal ng inaasam ng ilan niyang mga constituents na matagal ng umaasam na magkaroon ng birth certificate.

Samantala, maliban sa Barangay Amas, daan-daan na ring iba pang mga indibidwal mula sa Barangay Perez, Birada, Balabag, Kalaisan, at Singao ang una ng nabigyan at nakinabang sa libreng birth certificate at free late birth registration ng City Government of Kidapawan at gagawin din ito sa iba pang mga barangay sa lungsod. (CIO)

thumb image

CESU Kidapawan pinagkalooban ng 2 bagong passenger-type MulticabKIDAPAWAN CITY (June 2, 2021) – May magagamit ng dalawang bagong mga passenger-type Multicab ang City Epidemiology Surveillance Unit o CESU Kidapawan para sa contact tracing at iba pang mahahalagang gawain.Nagkakahalaga ng P230,000 ang kada unit ng multicab na pinondohan ng City Government of Kidapawan.Ginanap ang turn over ng mga bagong sasakyan bandang alas dos ng hapon sa pangunguna ni CESU Operations Head Dr.Nadine B. Paalan. Dati ay gumagamit lamang ng lumang sasakyan at minsan naman ay umaarkila ng passenger vehicle ang CESU kaya naman malaking tulong ito aa kanila, ayon kay Dr.Paalan. Agad ding gagamitin ang mga bagong sasakyan sa operasyon ng CESU tulad ng pag deploy ng mga contact tracers at pagsundo ng mga Covid-19 patients. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 1, 2021) – ABOT sa 10 mga maliliit na hog raisers na matinding naapektuhan ng African Swine Fever o ASF sa Barangay Paco, Kidapawan City ang tumanggap ng cash assistance sa ilalim ng Department of Agriculture o DA 12 Indemnification Program.

Ginanap ang distribution ng ayuda sa Barangay Covered Court ng Paco, alas-diyes ng umaga ng Martes, June 1, 2021 kung saan dumalo sina City Veterinarian Dr. Eugene Gornez, Provincial Veterinarian Dr. Rufino Sorupia, Paco Barangay Paco Chairman Edgarlito Elardo, at DA 12 Regional Livestock Coordinator Kirby Joi Garcia.

Ayon kay Garcia, dumaan sa masusing validation ang mga benepisyaryo na una ng naapektuhan ng ASF kung saan ay na depopulate ang kanilang mga alagang baboy.

Tig-P5,000 naman ang ibinigay na ayuda ng DA12 sa bawat alagang baboy ng mga hog raisers na na-depopulate nitong nakalipas na taon, dagdag pa ni Garcia.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista sa ayudang tinanggap ng mga magbababoy dahil Malaki itong tulong at para naman makabawi din sila sa pagkalugi dulot ng ASF.

Ayon naman kay City Vet Gornez, pwedeng gamitin ng mga benepisyaryo ang natanggap na ayuda para makapagsimula ng iba pang uri ng negosyo habang di pa pinapayagang mag-alaga muli ng mga baboy.

Matatandang idineklara ng ASF-free ang Kidapawan City nitong Disyembre 2020 ngunit hindi pa rin pinapayuhan ang mga affected hog raisers na mag-alagang muli ng baboy.

Ilan sa mga hog raisers na nakatanggap ng ayuda ay kinilalang sina Virgilia Apus, Darwin Dublico, Ledelyn Abelo, Jusyl Lunar, at iba pa.

Abot naman sa P480,000 na ayuda ang naipamahagi ng DA12 sa naturang pagkakataon. (CIO

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio