Month: July 2021

You are here: Home

[tfg_social_share]


thumb image

KIDAPAWAN CITY – TUMANGGAP NG 700 vials ng Gamaleya Sputnik at 27 vials na Astra Zeneca Covid19 vaccines ang City Government of Kidapawan mula sa Department of Health – Regional Office 12 (DOH RO12) ngayong araw,  July 21, 2021.

Malaking tulong ang mga ito bilang mga karagdagang bakuna sa vaccination ng mga senior citizens sa lungsod, ayon na rin sa City Health Office o (CHO).

Tanging Kidapawan City at General Santos City pa lamang ang naunang mga LGU’s sa buong SOCCSKSARGEN Region ang nakatanggap ng Sputnik Vaccines na binili ng national government mula sa bansang Russia.

Ang Kidapawan City at Gensan lang kasi sa buong Rehiyon 12 ang may angkop na storage facility para sa tamang safekeeping at pagpapalamig ng Sputnik Vaccines, ayon kay Dr. Edvir Jane Montańer,  Regional Immunization Program Manager ng DOH – CHD XII kung saan ay personal niyang inabot kay CESU Operations Head Dr. Nerie Paalan ang nabanggit na mga bakuna.

Kinakailangan kasing nasa negative 18 hanggang negative 25 Degrees Celsius ang paglalagyan ng Sputnik Vaccine para mapanatili ang pagiging epektibo nito.

Mabibigyan ng first dose ng Sputnik ang mga senior citizens na hindi pa nababakunahan sa ilalim ng A.2 eligible population ng vaccination roll-out ng City Government simula July 22, 2021.

21 days ang pagitan ng una at ikalawang dose ng Sputnik vaccines, ayon pa sa DOH XII.

Samantala, nakatakda namang tumanggap ng second dose ng Astra Zeneca ang mga senior citizens na una ng naturukan nito.

Posibleng din makatatanggap ng Pfizer at Johnson and Johnson Corona virus vaccines mula sa DOH ang City Government sa mga susunod na vaccination roll outs dahil na rin sa pagkakaroon nito ng angkop na storage facilities na kinakailangan para mapanatili ang pagiging epektibo ng mga bakuna.##(CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – NAKAHANDA NA ANG City Government of Kidapawan na maglagay ng mga alternatibong Covid-19 vaccination hubs sakali mang matuloy ang pagbubukas ng klase sa September 2021.

Napagkasunduan ng Local Inter Agency Task Force o LIATF ng lungsod na ilipat ang mga lugar kung saan ginaganap ang mga pagbabakuna kontra Covid-19 kapag gagamitin na saka-sakali ng mga private schools ang kanilang pasilidad na ipinagamit sa City Government.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni City Mayor Joseph Evangelista sa LIATF na makipag-ugnayan sa pamunuan ng With Love Jan Foundation Incorporated na ilipat muna pansamantala ang vaccination hub ng lungsod sa Barangay Nuangankung saan isang Temporary Treatment and Monitoring Facility o TTMF ang nakatakdang pasiyaan sa loob ng linggong ito.

Ang hakbang ay bunga na rin ng paghahanda ng City Government lalo pa at inaasahang magpapatupad na ng limited face to face classes ang mga kursong medical ng Kidapawan Doctors College, Notre Dame of Kidapawan College at ilan pang kolehiyo sa lungsod.

Sinabi naman ng DepEd na hindi muna sila magpapatupad ng face to face classes sa mga elementary at high school sa opening ng academic year.

Bagkus, itutuloy muna nila ang blended learning habang hindi pa naa-abot ang herd immunity na bilang ng mga nabakunahan, ayon pa sa DepEd Kidapawan Schools Division sa meeting ng Local IATF umaga ng July 19, 2021.

Sa ganitong pamamaraan ay hindi matitigil ang vaccination ng mga eligible population laban sa Covid19, ani pa ni Mayor Evangelista.

Samantala, ibinahagi rin ng alkalde sa local IATF na pwede ng tumanggap ng Pfizer at Gamaleya Sputnik Corona Virus vaccines ang lungsod mula sa DOH. Ito ay dahil may bago ng refrigerated vans ang City Government na may kakayahang magpalamig ng mga bakuna sa negative 70 Degrees Celsius na kinakailangang temperatura para maging epektibo laban sa Covid19.

Malaking tulong ang mga ito para makamit ng City Government ang target nitong mahigit sa isang-libong vaccine jabs kada araw, ayon pa kay Mayor Evangelista.

Sa kasalukuyan ay tanging SinoPharm at Astra Zeneca Corona Virus Vaccines ang mga itinuturok ng City Government sa eligible population ng lungsod laban sa Covid19. ##(CIO)

thumb image

Turn over ng 4 na bagong ambulances at 1 refrigerated van  magpapalakas ng Covid-19 emergency response at  support to agriculture – ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista

KIDAPAWAN CITY (July 7, 2021) –    Mas lalakas pa ang Covid-19 emergency response ganundin ang support to farmers sa Lungsod ng Kidapawan ngayong meron ng karagdagang apat na bagong ambulances at isang refrigerated van ang City Government.

Ito ang masayang pahayag ni Mayor Joseph A. Evangelista sa ginanap na blessing and turn-over ng naturang mga sasakyan sa City Hall lobby ngayong umaga na dinaluhan din nina City Councilors Maritess Malaluan, Chairperson ng SP Kidapawan Committee on Health, Galen Ray Lonzaga, Aljo Cris Dizon, ABC Kidapawan Pres. Morgan Melodias, Kidapawan City Hospital (KCH) Chief Dr. Hamir Hechanova, City Epidemiology Surveillance Unit Operations (CESU) Head Dr. Nerissa Paalan, CDRRM Officer Psalmer Bernalte, Fr. Desiderio “Jun” Balatero, DCK na siyang nanguna sa panalanagin at blessing sa nabanggit na mga sasakyan, mga department heads, at iba pa.

“Ako ay natutuwa sa magandang development na ito kung saan mapapalakas natin ang ating pagresponde sa pandemiya ng Covid-19 at matututukan din ang suporta para sa ating mga farmers”, sinabi ni Mayor Evangelista.

Dalawa sa mga bagong ambulances ang gagamitin sa Covid-19 response sa pangunguna ng CESU, dalawa naman ay mapupunta sa CDRRMO para sa emergency response habang ang bagong refrigerated van ay gagamitin ng Office of the City Agriculture para mapanatiling presko ang mga produktong gulay mula sa mga barangay.

Maliban rito, maaari ring gamitin ang refrigerated van bilang storage ng bakuna o mga Covid-19 vaccines.

Nagkakahalaga ng P7M ang nabanggit na mga ambulansiya at mula ito sa 70% Local Disaster Risk Reduction Management Fund o LDRRMF habang ang refrigerated van ay nagkakahalaga ng P4.5M at mula naman sa 20% Economic Development Fund o EDF ng lungsod.

Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Evangelista na patuloy ang City Government of Kidapawan sa pagpapatupad ng mga programa para sa ikabubuti ng mga mamamayan kasabay ang panawagan na panatilihing ligtas ang mga sarili laban sa Covid-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga minimum health protocols. (CIO/JSCJ)

#labankidapawan

#wehealasone

thumb image

High risk pregnant women nakinabang sa launching ng supplementary feeding program sa Barangay Singao

KIDAPAWAN CITY (July 6, 2021). – UPANG matutukan ang pagdadalantao at mapangalagaan ang kanilang kalusugan, abot sa 12 na mga high risk pregnant women ang nakabiyaya sa ginanap na launching ng supplemental feeding program ngayong umaga sa Barangay Singao, Kidapawan City.

Ayon kay City Nutrition Action Officer Melanie Espina, bahagi ito ng ika-47 Nutrition Month ngayong Hulyo, 2021na may temang “Malnutrisyon Patuloy na Labanan, First 1,000 Days Tutukan”.

Sinabi ni Espina na bilang mga high risk pregnant women ay maituturing na sensitibo o maselan ang kanilang kondisyon.

Kabilang dito ang mga babaeng nagbuntis na ang edad ay 17 pababa pati na iyong mga nagbuntis na edad 35 pataas, dahil sa kanilang kalusugan o health concerns.

Pinangunahan naman ni Kidapawan City Councilor Maritess Malaluan, Chair ng SP Kidapawan Committee on Health, Kidapawan City Acting Information Officer Atty. Jose Paolo Evangelista, Local Council for the Protection of Children member Janice Garcia, at Barangay Singao Chairman Eduardo Loma ang ceremonial distribution ng masustansiyang pagkain para sa mga buntis tulad ng gatas, itlog, vitamins at iba.

Nagpasalamat si Loma sa pagsisikap ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng City Health Office na matulungan ang mga high risk pregnant women sa kanyang barangay.

Nakiisa din sa aktibidad sina City Councilor Galen Ray Lonzaga at Rosheil Gantuangco-Zoreta na bahagi ng Health and Wellness at Vaccination Rollout Program ng Kidapawan City.

Bilang bahagi naman ng kanilang adbokasiya at para matutukan ang pagbubuntis ng mga batang ina, hinihikayat sila ng Barangay Health Station na magpa pre-natal check up o magpakonsulta bawat buwan. Ito ay upang maging maayos ang kanilang pagbubuntis hanggang sa makapanganak, ayon kay Grace Catigom, isa sa mga Barangas Nutrition Scholar (BNS) ng Barangay Singao. Nagpasalamat naman ang mga buntis na nakiisa sa programa sa biyayang natanggap at sa mga payo at tips na kanilang napag-alaman sa programa at nangakong aalagaan ang mga sarili hanggang sa makapanganak. (CIO/JSCJ)

#Laking1000

#2021NutritionMonth

#LabanKidapawan

#WeHealAsOneKidapawan

thumb image

Mga Punong Barangay at iba pang opisyal ng barangay sa Lungsod ng Kidapawan lubos na nagpasalamat sa pinansyal at iba pang ayuda mula sa national at local government

KIDAPAWAN CITY (July 5, 2021) – LUBOS ang pasasalamat ng abot sa 40 Punong Barangay ng Lungsod ng Kidapawan at ang kanilang mga Kagawad, Secretary, at Treasurer matapos silang makatanggap ng financial assistance at iba pang tulong mula sa pamahalaang nasyonal at lokal.

Pinangunahan mismo ni Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista ang distribusyon ng P3,000 sa bawat Punong Barangay at iba pang nabanggit na mga opisyal at pamamahagi ng iba pang ayuda tulad ng canned goods para sa mga residente; flashlights, cudgel o batuta at handcuffs na magagamit ng mga tanod sa bawat barangay.

Mula sa tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ang P3,000 para sa bawat Punong Barangay at iba pang opisyal sa barangay habang mula sa City Government of Kidapawan ang ibang mga ipinamigay na ayuda.  Kabilang naman sa ipinamahagi ang mga vegetable seedlings mula sa tanggapan ni Senator Cynthia Villar.

Maliban rito, nagpa-raffle draw din ang City Government sa pamamagitan ng City Veterinarian Office ng abot sa 12 alagang baka para sa naturang barangay officials upang magamit bilang panimula sa livestock program sa kanilang mga barangay.

Ayon kay Mayor Evangelista, malaki ang tulong ng inisyatibang sa mga Punong Barangay at sa kanilang mga nasasakupan lalo na ngayong may pandemya ng Covid-19.

Masaya ring ibinalita ng alkalde ang dagdag na P500 sa honorarium ng bawat barangay worker simula Enero 2022. Ito ay para makaagapay ang naturang sektor sa kanilang mga pangangailangan at bilang pagkilala na rin sa kanilang malaking kontribusyon sa barangay.

Kaugnay nito, nagpaabot ng kanilang pasasalamat ang mga barangay officials sa national at local government.

“Dako ang matabang niini sa akua isip usa ka opisyal sa barangay labaw na karon na naa ta’y ginaatubang ng problema sa Covid19. Bisan gamay lang ang kantidad pero dako ang mahimo niini apil na ang mga gamit para sa atuang mga BPAT nga naga bantay sa atuang peace and order”,  ayon kay Chairman Paul Macaso ng Barangay Amazion.

“Dako akong kalipay kay wala ta gipasagdan sa atuang national government ug sa paningkamot ni Mayor Evangelista na mahimong posible ang mga paghatag sa ayuda. Daghang salamat  kang Senator Go ug kang Mayor Evangelista”, sinabi naman ni Chairman Cristutu Sarigumba ng Barangay Junction.

Ganito din ang pasasalamat ni Chairman Jeffrey Balaoro ng Barangay Marbel. “Kining amung LP nadawat gikan sa P3,000 cash hangtud sa mga items ug sa mga gipanghatag na baka, dako ang impact niini sa amua kay sa sitwasyon karon sa pandemic tanan naapektuhan ug naglisod halos tanan tao. Salamat kaayu sa national government ug sa atuang City LGU”, ayon kay Balaoro.

Tiniyak naman ni Mayor Evangelista ang patuloy na suporta para sa mga Punong Barangay at ang matibay na ugnayan ng mga ito at ng City Government.

Maliban kay Mayor Evangelista ay nakiisa din sa aktibidad si Kidapawan City Legal Officer Atty. Paolo M. Evangelista, at mga City Councilors na sina Maritess Malaluan, Narry Amador, Peter Salac, Lauro Taynan, Galen Ray Lonzaga, Aying Pagal, Melvin Lamata, Cenn Teena Taynan, ABC President Morgan Melodias, at IPMR Radin Igwas.

Dumalo rin sa aktibidad sina dating City Councilor at Retired Judge Francis Palmones, miyembro ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) at Rosheil Gantuangco-Zoreta na kabilang sa City Vaccination Rollout Plan at kapwa hinikayat ang mga opisyal ng barangay na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa lahat ng programa at proyekto ng City Government at ng administrasyon ni Mayor Evangelista.

Ginawa ang distribusyon mula July 3 hanggang July 4, 2021 kung saan hinati sa apat na grupo ang mga Punong Barangay upang mas maayos na maipatupad ang mga minimum health protocols. (CIO/JSCJ)

#labankidapawan

#WeHealAsOne

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio