CITY HEALTH OFFICE AT CITY HOSPITAL FRONTLINERS BINIGYANG PAPURI NG CSC

You are here: Home


NEWS | 2021/10/21 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – BINIGYANG PAPURI AT PAGKILALA ng Civil Service Commission o CSC  ang mga frontliners ng City Government of Kidapawan.

Nitong October 21, 2021 ay personal na iniabot ni Cotabato CSC Field Office Head Glenda Foronda ang Certificate of Appreciation ng ahensya kay City Mayor Joseph A. Evangelista.

Mismong ang CSC Head Office sa Kamaynilaan ang nagbigay ng parangal sa City Government frontliners na nagmula sa City Health Office at City Hospital dahil sa kanilang dedikasyon at sakripisyo sa panahon ng Covid-19 pandemic maibigay lamang ang nararapat na serbisyo sa mamamayan.

Maituturing na ‘morale booster’ para sa mga frontliners ng City Government ang pagkilala ng CSC, ayon kay Mayor Evangelista.

Sa kabila ng krisis na idinulot ng pandemya, ay naging matatag at patuloy na ginagawa ng mga frontliners ang kanilang tungkulin sa paglilingkod sa mga mamamayan lalo na yung mga nagkasakit ng Covid-19.

Ang pagbibigay naman ng Certificate of Appreciation ay bahagi ng pagdiriwang ng 121st Civil Service Anniversary noong nakalipas na buwan ng September. Highlight ng pagdiriwang ng Civil Service Month ang pagbibigay parangal sa mga natatanging government officials and employees at mga tanggapan ng pamahalaan na nakapagbigay ng mahusay na serbisyo publiko sa mamamayan.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio