KIDAPAWAN CITY – MAAGANG namigay ng regalong pamasko si Kidapawab City Mayor Joseph Evangelista kasama ang City Social Welfare and Development Office at mga partners sa mga batang Persons with Disabilities at mga child laborers sa Culmination Program ng Children’s Month ngayong November 26, 2021.
Tatlumpung mga batang PWD’s at child laborers ang nabigyan ng regalo sa ceremonial gift giving na ginanap sa Mega Tent ng City Hall.
Ginawa ang gift giving matapos ihayag ni Mayor Evangelista ang kanyang State of the Children’s Address na siyang pinaka highlight ng Children’s Month Celebration ngayong buwan ng Nobyembre 2021.
Tumanggap ng mga grocery items ang mga batang lumahok sa ceremonial gift giving ng City Government.
Sa kanyang mensahe binigyang diin ng ni Mayor Evangelista na tungkulin ng mga magulang na alagaan ng maayos ang kanilang mga anak upang lumaki ang mga bata na responsable, magalang at produktibong mamamayan.
Binigyang diin din Ng alkalde na dapat na ring magpabakuna ang mga batang may edad na 12-17 years old o Pediatric Group para maproteksyunan laban sa Covid at makabalik na sa paaralan sakaling magpatupad na ng face to face classes ang gobyerno sa susunod na taon.
Kaugnay nito ay 200 naman na mga bata, tig iisang daang mga PWD at child laborers, ang makatatanggap din ng kahalintulad na regalo mula sa apatnapung barangay ng lungsod, ayon pa sa CSWDO.
Aktibong partners ng City Government sa programang pambata ang With Love Jan Foundation Incorporated at World Vision, pati na ang mga stakeholders gaya ng Department of Education, Barangay Council for the Protection of Children, Sangguniang Kabataan, Philippine National Police, at ang pribadong sektor ng lungsod.##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY (November 26, 2021) – TOP priority ng Police Regional Office 12 (PRO12) ang kaayusan at kapayapaan sa malawak na bahagi ng Region 12. Ito ang sinabi ni PRO12 Regional Director PBGen. Alexander C. Tagum sa kanyang courtesy call sa tanggapan ni Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista, alas-nuebe ng umaga ngayong Biyernes, Nov. 26, 2021.
Ang pagbisita sa lungsod ni PBGen. Tagum ay bahagi ng kanyang first command visit sa Kidapawan City kung saan ibinahagi niya ang Enhance Police Integrated Patrol System bilang pamamaraan upang mapanatili ang katahimikan at mamayani ang kapayapaan sa lungsod at sa malawak na bahagi ng North Cotabato.
Kaugnay nito, nais ni PBGen. Tagum na ipabatid sa publiko ang pinakabagong hakbang sa paglaban sa kriminalidad, pagpapalakas ng police-community relations, at sa epektibong pagtugon sa panahon ng kalamidad.
Ito ang Integrated Revitalized Operation of Neighborhood o IRON CLAD na malawakang ipinatutupad ng PRO12 sa bawat police command. “Pangunahing layunin ng inyong kapulisan ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa Lungsod ng Kidapawan ganundin sa malawak na bahagi ng SOCCSKSARGEN kaya naman ipinag-utos natin ang pagpapalakas ng IRON CLAD at tiyakin na ginagawa ng ating mga pulis ang kanilang sinumpaang tungkulin”, ayon kay PBGen. Tagum.
Kaugnay nito, naging sentro rin ng kanyang pagbisita ay ang ocular inspection at assessment sa performance ng Kidapawan City Police sa larangan ng patrol system, police presence and deployment, level of preparedness at iba pang police activities upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan ng lungsod.
Sinabi rin ng opisyal na bilang isang Kidapaweno ay malapit sa puso niya ang lungsod at ang mga mamamayan nito at hangad niya ang tagumpay ng City Government sa lahat ng mga programa nito lalo na sa usapin ng peace and order.
Sa kanilang meeting, ibinahagi ni PBGen Tagum kay Mayor Evangelista ang kanyang mandato bilang pinakamataas na opisyal ng PRO12 at hiniling sa alkalde na ipagpatuloy ang mainit na suporta sa Kidapawan City Police Station sa pamumuno ni Lt. Col. Lauro Espida.
Bilang tugon, tiniyak naman ni Mayor Evangelista ang suporta sa sa sa bawat programa ng local police at pakikiisa sa layuning mapanatili ang peace and order sa lungsod. “Hangad ko ang tagumpay ng kapulisan sa lahat ng kanilang hakbang para sa isang matahimik at mapayapang lugar sa harap ng rin ng pandemiya ng Covid-19”, sinabi ng alkalde.
Maliban kay PBGen Tagum, kasama din sa ginanap na courtesy call sa City Mayor’s Office si Cotabato Police Provincial Office (CPPO) Provincial Director PCol. Henry Villar, PRO12 Public Information Officer PLtCol. Joyce Birrey at iba pa. (CIO-JSCJ)
KIDAPAWAN CITY – MABIBIGYAN na ng mga bagong tahanan ang unang batch na abot sa 179 na mga kapamilya ng Overseas Filipino Workers matapos ang drawing of lots para sa OFW Village sa Barangay Kalaisan ng lungsod.
Pinagunahan ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista at ng mga miyembro ng City Housing Board ang draw ng mga lote para sa mga OFW beneficiaries na makatatanggap ng permanenteng tahanan sa nabanggit na lugar.
Ginawa ang drawing of lots kaninang umaga sa Mega Tent ng City Hall na dinaluhan ng mga OFW at kanilang pamilya at ng mga opsiyal ng City Housing Board.
Magkatuwang ang City Government of Kidapawan at National Housing Authority sa naturang proyekto na itinayo sa apat at kalahating ektaryang lupang binili ng Cotabato Provincial Government at City Government of Kidapawan sa bahagi na sakop ng Barangay Kalaisan.
Layon ng proyekto na tulungan at mabigyan ng disenteng tahanan ang mga overseas workers ng taga Kidapawan City na sumusweldo ng P30,000 pababa kada buwan.
Halos ang lahat naman ng mga ito ay pawang mga household workers na nagta-trabaho sa Middle East, Hong Kong, at Singapore, kung saan ay nauna ng binisita ni Mayor Evangelista noong mga nakalipas na taon.
Hindi bababa sa 120 square meters ang sukat ng lote na pinagtayuan ng bagong bahay at babayaran ito kada buwan ng mga benepisyaryo sa loob ng lima hanggang sampung taon sa murang halaga lamang, ayon kay Mayor Evangelista.
Sa buwan ng Hulyo 2022 pa magsisimula ang pagbayad nila ng monthly amortization sa City Government.
Bawat bahay ay may sariling solar panel, water tank, septic tank at toilet fixtures.
Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na ang City Government of Kidapawan sa Metro Kidapawan Water District (MKWD) at Cotabato Electric Cooperative (COTELCO) para malagyan na ng koneksyon ng linya ng tubig at kuryente ang lugar.
Ilalagay naman ng City Government sa isang trust fund ang nakolektang monthly amortization upang magpatayo pa ng dagdag na OFW Village sa susunod na pgkakataon.
Unang nakabunot ng kanyang lote si Mrs. Renilda Salmorin na may anak na household worker na nagta-trabaho sa Kuwait.
Katuparan na aniya ito, sa pangarap ng kanyang anak na mabigyan sila ng disente at permanenteng tahanan mula sa kanyang pagta-trabaho sa ibang bansa.##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY- MAAGANG PAMASKONG handog ng City Government of Kidapawan kasama ang LGBT community sa lungsod ang sampung araw ng libreng gupit sa City Convention Center.
Ngayong araw ng lunes, November 21 sinimulan ang aktibidad bilang pagbibigay serbisyo ng mga kasapi ng LGBT sa mga taga lungsod.
Libre ang gupit samantalang abot-kayang halaga na P30 lamang ang babayaran kung magpapa-manicure o pedicure, ayon pa sa Public Employment Services Office o PESO na nag-initiate ng nabanggit na aktibidad.
Mula 8am hanggang 5pm ang pagbibigay ng serbisyo ng mga LGBT partners.
Pinasalamatan naman ni City Mayor Joseph Evangelista ang mga LGBT na sumali sa aktibidad bilang pakikiisa nila sa pagdiriwang ng kapaskuhan.
Magtatagal ang libreng gupit at murang manicure at pedicure sa nabanggit na lugar hanggang December 3 o katumbas ng 10 araw.
Hindi naman kasali ang mga araw ng Sabado at Linggo ayon pa sa PESO.
Ito ay upang mabigyan ng panahon na makapagpahinga ang mga sumaling LGBT sa mga araw ng weekends.##(cio)
KIDAPAWAN CITY – ABOT sa 143 na mga corn farmers mula sa mga barangay na isinailalim sa End Local Communist Armed Conflict o ELCAC ang makatatanggap ng loan assistance mula sa Land Bank of the Philippines o LBP
Lumagda sa isang Memorandum of Agreement o MOA ng mga corn farmers, City Government, at Land Bank para sa pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka ng mais na mapalago ang kanilang pananim at kita sa 12 barangay na unang makatatanggap ng ayuda.
Nagmula ang pondo sa SURE Aid program for corn farmers ng Department of Agriculture, ayon kay City Agriculturist Marissa Aton.
Abot naman sa P25,000 ang maaaring hiramin ng magsasaka ng mais mula sa Land Bank na babayaran kada anim na buwan sa loob ng sampung taon.
Ginawa ito upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga magsasaka na kumita mula sa pagtatanim ng mais at makabayad ng loan, ayon na rin sa MOA.
Kabilang naman ang mga sumusunod na mga barangay at bilang ng mga recipients ng loan assistance: Marbel – 14, Balabag – 5, Perez – 6, New Bohol – 9, San Roque – 7, Singao – 11, Sto. Nińo 5, San Isidro – 29, Katipunan – 7, Linangkob – 10, Malinan – 28 at Gayola – 12.
Kaugnay nito, bibilhin naman sa tamang presyo ng City Government ang mga produkto ng mga magsasaka at ibebenta sa pamilihan sa ilalim ng Food Sufficiency program.
Sa ganitong paraan ay matutulungan ng LGU Kidapawab na maitaguyod ang pamumuhay ng mga magsasaka mula sa kanilang pagtatanim ng mais at iba pang produktong pagkain.##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY – SUPORTADO ng sektor ng mga negosyante ang isasagawang ‘census’ ng City Government of Kidapawan sa mga nabakunahan at hindi pa nababakunahan kontra Covid19.
Layun ng census na malaman ang bilang ng mga nabakunahan at hindi pa nababakunahan kontra Covid19 sa lungsod, ayon kay City Mayor Joseph Evangelista.
Napagkasunduan ng mga nagmamay-ari ng mga negosyo na suportahan ang hakbang ni Mayor Evangelista na magpatupad ng census sa mga tindahan at mga papasok sa establisimiyento sa kanilang meeting ngayong umaga ng November 2, 2021.
Target ng City Government na mabakunahan ang abot sa 70% ng populasyon ng Kidapawan City bago matapos ang 2021 para makamit ang herd immunity at makatanggap na rin ng booster shots mula sa National Government bilang dagdag- proteksyon laban sa sakit.
Ipatutupad naman ang census sa pamamagitan ng mga security guards o compliance officer para sa lahat ng papasok sa mga tindahan, palengke, simbahan at maging sa mga border ng lungsod kung sila ba ay nabakunahan na o hindi pa.
Sa pamamagitan ng census ay mas tiyak ang proteksyon ang mga mamamayan laban sa Covid.
Nilinaw naman ni Mayor Evangelista na hindi pa ipatutupad ang No Vaccine No Entry sa lungsod.
Mangagaling pa rin sa National inter Agency Task Force on Covid19 ang pagpapatupad nito, dagdag pa ng alkalde.##(CIO/LKRO)
KIDAPAWAN CITY – MULING PINAYUHAN NI City Mayor Joseph Evangelista ang mga tricycle driver at maging mga driver ng habal-habal na hindi pa nagpapabakuna na samantalahin na ang isinasawagang walk in vaccinations sa lungsod.
Paraan ito na maging protektado ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan laban sa Covid19.
Malaki ang magiging epekto ng hindi pagbabakuna kung sakaling magkasakit ang driver ng tricycle at habal-habal dahil mawawalan sila ng kabuhayan sa mga araw na sana ay bumibyahe sila sa daan, paliwanag pa ni Mayor Evangelista.
Upang ma-engganyo ang mga driver na magpabakuna, namimigay na ng isang kilong frozen chicken at dalawang kilong bigas ang City Government para sa lahat ng makatatanggap ng unang dose ng bakuna.
Ito ang pamamaraan ng City Government na makatulong na makabawi sa isang araw na walang byahe at kita ang driver habang siya ay tatanggap ng bakuna kontra Covid19.
Sinabi ni Mayor Evangelista na kapag marami nang drivers ang bakunado at patuloy na bumaba ang kaso ng Covid19 sa lungsod, ay pwede na na niyang ipag-utos ang pagtatanggal ng plastic barrier sa loob ng tricycle, hindi na pagsusuot ng face shield at dagdagan ang bilang ng pasaherong pwedeng sumakay.
Umani naman ng positibong tugon ang panghihikayat ng alkalde na magpabakuna ang mga drivers.
Sa katunayan, ay nakikipagpulong na ang kanilang mga asosasyon sa City Government para mabigyan na ng eksklusibong schedule ang mga driver ng tricycle at habal-habal na makatanggap na ng unang dose ng anti – Covid19 vaccines. ##(CIO/LKRO)