KIDAPAWAN CITY – NATANGGAP na ng ang mga nasiraan ng mga tahanan sa nakaraang October 2019 earthquakes ang Emergency Shelter Assistance o ESA ganundin Ang Cash for Work payment mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD nitong December 9-10, 2021.
Tumanggap ng P32,520 ang bawat pamilyang na totally damaged ang bahay at P11,260 naman para sa mga partially damaged mula sa iba’t-ibang barangay ng lungsod na una ng na-validate ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO.
Kaugnay nito, P30,000 para sa ESA at additional 2,520 para sa Cash for Work sa mga totally damaged habang P10,000 ESA at P1,260 naman na Cash for Work para sa mga partially damaged, ayon naman sa Regional DSWD Office na siyang nag-abot ng tulong pinansyal sa mga beneficiaries.
Tinanggap ng unang batch ng mga beneficiaries ng ESA sa ginanap na releasing sa Multi-Purpose building ng Kidapawan City Pilot Elementary School.
Kasabay nito ang releasing din para sa iba pang beneficiaries ng ayuda na ginanap sa covered court ng Barangay Poblacion sa may Sinsuat street at sa Barangay Balindog ngayong ara
Bunga ito ng pagsisikap ni City Mayor Joseph Evangelista na i-follow up sa DSWD ang pagbibigay ng ayuda sa mga nawalan o nasiraan ng bahay dahil sa malalakas ng paglindol noong October 2019, ayon kay City Councilor Lauro Taynan, Jr na siyang naging kinatawan ng alkalde sa ceremonial giving of Emergency Shelter Assistance.
Ipapahabol naman ng Sangguniang Panlungsod sa pamamagitan ng isang resolusyon na ipapadala sa DSWD para makatanggap din ng tulong ang iba pang nasiraan ng mga tahanan bunga ng lindol, dagdag pa ni Taynan.
Mahigit sa tatlong libong mga households sa Kidapawan City ang makatatanggap ng ESA mula sa pamahalaan ngayong December 9-10, 2021. ##(CIO)
KIDAPAWAN CITY –
MAAARI ng mag-alagang muli at magparami ng alagang baboy ang mga hog raisers at mga farmers sa Lungsod ng Kidapawan.
Ito ay makaraang ideklara ng DA12 Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory o DA12 RADDL bilang mga African Swine Fever Free Areas ang limang mga barangay sa Lungsod ng Kidapawan na una ng ASF nitong nakalipas na taon.
Ito ay kinabibilangan ng barangay Linangkob, Mua-an, Sikitan, Gayola, at Paco na matinding naapektuhan ng ASF at nagsanhi ng pagkalugi ng mga hog raisers.
Ginawa ng naturang ahensiya ang deklarasyon ngayong linggong ito matapos na lumabas ang negative results o Negative Viral Antigen sa lahat ng mga prosesong nakapaloob sa Exit from Quarantine Protocol na ginawa sa mga nabanggit na barangay.
Ayon kay City Veterinarian Dr. Eugene Gornez, una ng nagsumite ng mga kinakailangang sample mula sa mga apektadong piggery ang mga hog raisers ng nabanggit na mga barangay sa tulong ng kanilang tanggapan at ng Provincial Veterinarian’s Office sa Amas, Kidapawan City.
Sinabi ni Dr. Gornez na batay sa DA Administrative Order No. 7 o ang Implementing Guidelines of Bantay ASF sa Barangay Program ay kailangang obserbahan ang mga piling alagang baboy at kunan ng samples tulad ng swabbing ang mga ito para sa pagsusuri at matiyak kung meron pang ASF virus partikular sa apektadong barangay.
Sa pangunguna ni Dr. Gornez ay isinailalim sa mula tatlo-hanggang apat na buwan na pagsusuri ang mga baboy kasabay ang palagiang paglilinis at disinfection ng mga piggery, ganundin ang surveillance at inspection sa loob ng 500-meter radius ng apektadong lugar.
Matatandaang una ng namahagi ng sentinel pigs ang DA 12 sa mga apektadong hog raisers upang mapag-aralan at malaman kung meron pang ASF.
Kaugnay nito, ay nilagdaan ni Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista ang isang Certification para sa mga barangay ng Linangkob, Mua-an, Sikitan, Gayola at Paco nitong Dec. 1, 2021.
“Labis akong natutuwa sa kaganapang ito kung saan nakatitiyak na tayo na wala ng ASF sa atin. Ito ay bunga ng pagsisikap ng mga concerned local and national agencies at ng mismong mga hog raisers sa lungsod”, ayon kay Mayor Evangelista.
Tiniyak din ng alkalde na tuloy-tuloy ang suporta ng City Government of Kidapawan sa mga hog raisers o nag-aalaga ng baboy kabilang na ang pagbibigay ng libreng high quality feeds, vitamins, at disinfectant.
Samantala, maituturing na ring ASF-Free Area ang buong Lungsod ng Kidapawan, ayon pa sa City Veterinarian Office habang patuloy pa rin ang panawagan ng tanggapan na magtulong-tulong ang bawat isa upang hindi na magkaroon muli ng naturang sakit ang mga alagang baboy.
Dahil dito ay maaari ng mag-alagang muli at magparami ng alagang baboy ang mga hog raisers at iba pang farmers sa lungsod (CIO-JSCJ)
KIDAPAWAN CITY (December 3, 2021) – PATULOY ang suporta at pakikiisa ng mga business establishments sa Kidapawan City sa bawat hakbang na ginagawa ng City Government of Kidapawan laban sa Covid-19.
Katunayan, ginanap ngayong umaga ng Biyernes, Dec.3, 2021 ang paglalagay ng mga tarpaulin sa entrance ng ilang mga malalaking establisimiyento na humihikayat sa publiko na ipakita ang kanilang mga vaccination cards bago pumasok at makapamili.
Mismong si Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista ang nanguna sa aktibidad kasama ang City Monitoring and Compliance Team.
Kabilang sa mga nilagyan ng tarpaulin ang Citi Hardware sa National Highway, Gaisano Grand Mall sa Barangay Lanao, Land Bank of the Philippines, Kidapawan Branch, at ang entrance ng Mega Market ng Kidapawan.
“Please Present Your Vaccination Card” ang nakasaad sa naturang mga tarpaulin kung saan nagpakita ng kooperasyon at ibayong suporta ang management at personnel ng nabanggit na mga establishments.
Kaugnay nito, tiniyak nina Nieva Dane – Moreno (Team Leader- Citi Hardware), Alvin Arcipe (Operations Manager – Gaisano Grand Mall Kidapawan), at Eva Sonico (LBP Kidapawan Branch) na ipatutupad ang naturang polisiya sa harap na rin ng pagsisikap na mapanatili ang kaligtasan ng workforce at customers.
Samantala, kailangan pa ring magdala ng Cotabato Contact Tracing System o CCTS (QR Code) ang mga mamimili. Sa sandali namang walang maipakitang vaccination card ang mga customers ng Citi Hardware at Land Bank of the Philippines ay kailangang nilang isulat sa logbook ang ilang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa kanilang sarili.
Minabuti naman ng pamunuan ng Gaisano Grand Mall Kidapawan na hanapan ng RT-PCR negative result ang mga customers na walang maipapakitang vaccination card bago ito papasukin sa mall.
Nilinaw ni Mayor Evangelista na hindi ito panggigipit at sa halip ay isang mabisang paraan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa, hindi lamang ng mga trabahante kundi maging ng mga mamimili ng bawat business establishment.
“Nais po nating matiyak ang kaligtasan ng publiko kung kaya’t tayo ay nagpapatupad ng mga polisiyang magbibigay ng proteksyon sa nakararami”, ayon kay Mayor Evangelista kasabay ang pahayag ng magandang balita na meron na lamang nalalabing tatlong (3) active cases ng Covid-19 sa lungsod.
“Ito ay bunga ng ating pagtutulungan at pagsunod sa mga itinakdang minimum health standards”, dagdag pa ng alkalde.
Inaasahan naman ang paglalagay ng iba pang mga establishment ng mga kahalintulad na tarpaulin sa susunod na mga araw. (CIO-JSCJ/IF/AA)
KIDAPAWAN CITY – KUMPIYANSA si City Mayor Joseph Evangelista na maa-abot ng lungsod ang inaasam sa 70% herd immunity laban sa Covid19 pagsapit ng Enero 2022. Nitong Nov 30, 2021 ay nasa 102,000 na na mga Kidapawenyo ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna mula sa 110,000 na target na mabigyan nito, ipinahayag ni Mayor Evangelista sa isinagawang emergency meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC ngayong araw ng December 1, 2021.
Binilisan na ng City Government ang pagbabakuna ng lahat ng mga priority eligible population dahil na rin sa mga dagdag na bakunang ibinigay ng Department of Health o DOH.
Ang 70% na bilang ng mga nabakunahan ay sapat na para makamit ang herd immunity upang makontrol ang pagdami ng kaso ng Covid19.
Sinabi rin ni Mayor Evangelista na sisimulan na ng City Government of Kidapawan ang pagbibigay ng booster shots para sa mga Senior Citizens o A2 Priority group simula sa susunod na linggo.
Pagkatapos na mabigyan ng booster shot ang mga nakakatanda ay tuloy-tuloy na rin ang pagbibigay ng booster shots para naman sa mga mga Adults with Co-Morbidities, Essential Workers at Indigent Population na nasa ilalim ng A3, A4 at A5 Priority groups.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna para naman sa mga 12-17 years old na mga bata sa ilalim ng Pediatric Vaccination group.
Kaugnay nito, ay pansamantala munang ititigil ang vaccination roll out ng City Government mula December 23, 2021 hanggang January 2, 2022 upang mabigyan ng pagkakataon na makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon ang mga medical frontliners at vaccination teams na siyang naatasang magbigay ng anti-Covid19 vaccines.
Pinapayuhan pa rin ang lahat na magpabakuna at sumunod sa itinatakdang minimum health protocols lalo na at posibleng makapasok ang pinangangambahang Omicron variant ng Covid19 sa bansa sa kalaunan, ayon pa kay Mayor Evangelista. ##(CIO/lkro)