KIDAPAWAN CITY – 35 na mga empleyado ng City Government of Kidapawan ang nag donate ng kanilang dugo sa ginanap na Blood Letting Activity ngayong araw ng Biyernes, January 28, 2022.
Mga regular, casual at job order employees ng City Government ang lumahok sa aktibidad na pinangunahan ng City Blood Center at Human Resource and Management Office na nagsimula ganap na ika-walo ng umaga sa City Pavilion.
Layon ng aktibidad na mapunan ang supply ng dugo sa City Blood Center para sa mga pasyenteng nangangailangan nito.
Ang blood letting ng mga opisyal at empleyado ng City Government ay taunang ginagawa mula noong taong 2013 sa unang termino ni City Mayor Joseph Evangelista.
Ito ay ginagawa ng City Government employees and officials tuwing buwan ng Enero o pagsisimula ng taon at sa buwan ng Hulyo na siya namang Blood Donor’s Month Celebration.
Katunayan ay may registry o listahan ng mga blood donor employees kasama na ang kanilang blood type ang CHRMO para makapagbigay ng dugo at madugtungan ang buhay ng mga lubhang nangangailangan nito.
Lahat naman ng mga sumali at nagbigay ng kanilang dugo ay kinunan muna ng mahahalagang vital signs gaya ng blood pressure, hemoglobin level, body weight, blood typing, at medical interview bago ang aktwal na pagbibigay ng dugo.
Matapos ang blood letting ay pinagpahinga muna ang mga partisipante at binigyan ng pack lunch para manumbalik ng dahan-dahan ang kanilang lakas ng pangangatawan.
Hinihikayat naman ang lahat na qualified na mag-donate ng dugo na gawin ito hindi lamang para makatulong na madugtungan ang buhay ng mga nangangailangan nito kungdi, nakabubuti din ito sa kalusugan, ayon pa sa City Blood Center.
Pwedeng magbigay ng dugo ang sino man na physically fit,18 years old o higit pa, tumitimbang ng 50 kilograms o 110 pounds pataas, at walang malubha o nakahahawang sakit gaya ng Hepatitis, Diabetes, sakit sa puso, hypertension, Acquired Immune Deficiency Syndrome AIDS at mga sexually transmitted diseases at iba pang sakit na pasok sa panuntunan ng mga health authorities.
Isa sa mga best practices ng City Government of Kidapawan ang taunang Blood Letting activity ng mga opisyal at empleyado na kinilala at ginawaran sa Sandugo Kabalikat Awards ng Department of Health at Philippine Red Cross.##(CIO/JSC/lkro)
KIDAPAWAN CITY – SINIMULAN ng ipatupad ng City Government of Kidapawan ang House to House na pagbabakuna kontra COVID-19.
Bahagi ito ng mandato nina City Mayor Joseph Evangelista at Cotabato Vice Governor Emmylou Talińo – Mendoza na magtulungan upang palakasin ang pagpababakuna laban sa COVID-19.
Ngayong araw ng Martes, January 26, 2022 ay ipinatupad ang pagbabakuna sa mga households ng Barangay Lanao para sa mga eligible priority groups particular ang mga senior citizens at may mga comorbidities na hirap ng makapunta sa mga vaccination centers na inilagay ng City Government.
Bahagi din ito ng Bakunahan to the Vaxx ng City Government na naglalayong mabakunahan ang maraming mamamayan ng lungsod tungo sa herd immunity laban sa COVID-19.
Mga kagawad ng City Health Office ang nagtungo at nagsagawa Ng vaccination sa mga pre-listed na households na may miyembrong eligible for vaccination na hindi pa nababakunahan kontra sa sakit.
Nagbigay naman ang tanggapan ng bise gobernadora ng food packs bilang dagdag na tulong para sa mga pangangailangan Ng mga nagpabakuna.
Samantala, abot naman sa 181 na mga eligible population mula sa A1 – A5 at mga 12-17 years old sa ilalim ng pediatric group ang nabakunahan ng City Government sa Barangay Malinan kahapon, January 25, 2022.
57 dito ay first dose, 17 ang second dose at 107 naman ang tumanggap ng booster shots.
Nag-abot din ng food packs ang City Government sa lahat ng nagpabakuna sa Barangay Malinan.##(CIO/JSC/lkro)
KIDAPAWAN CITY – DAHIL SA NAGPAPATULOY NA BANTA NG COVID19, AY GAGAWING SIMPLE NGUNIT MAKABULUHAN ang pagdiriwang ng ika- 24th Foundation Anniversary ng Lungsod ng Kidapawan pagsapit ng February 4-12, 2022.
Kaugnay nito, nakapaghanda ng ilang mga aktibidad ang City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng City Tourism Office at City Investment and Promotions Office na karamihan ay virtual o on-line.
Ito ay upang maiwasan ang social gathering o pagdagsa Ng mga mamamayan at masunod ang ipinatutupad na guidelines ng COVID-19 sa ilalim ng Alert Level 3.
Ang mga tampok na aktibidad sa ika-24 taong Cityhood Anniversary ng lungsod at ang mga sumusunod:
February 4, 2022 ganap na alas-kwatro ng hapon Kidapawan Lungsod na Pinagpala Art Exhibit for a Cause (Tabang Bohol II) by Inirugyun Artists Guild sa Gaisano Grand Mall Kidapawan.
February 5, 2022 Thematic Costume Tiktok Dance Challenge.
February 6, 2022 “Katunhayan” Art Painting Contest and Exhibit sa Gaisano Grand Mall Kidapawan @ 4:00 PM.
February 7, 2022 12:00PM Online Photo Contest “City Scape”.
February 7, 2022 4:00 PM Kidapawan Search for Model OFW Family of the Year sa Kidapawan City Convention Hall.
February 8, 2022 12:00 PM Online Photo Contest: ‘Resorts/Vacation Home Rentals/Day Farm/Farm Stay”.
February 9, 2022 12:00pm ‘Project Kamustahan” ng Sangguniang Kabataan Federation Webinar on Mental health, Adolescent, Sexual and Reproductive Health.
February 10, 2022 12:00 PM Kidapawan online Talent Showdown “ Senior Citizen’s Pulong sa Hinigugma” A Visayan Spoken Poetry (Balak Competition).
February 10, 2022 4:00 PM Kidapawan Online talent Showdown: “Senior Citizen’s Sonata” Harana (Song Solo) Competition.
Mapapanood ng live ang mga aktibidad sa Culmination Program ng 24th Charter Day via live streaming sa Facebook page ng City Government of Kidapawan at City Tourism Office.##(CIO/JSC/lkro)
Kidapawan City (January 24, 2022) – SA kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa Kidapawan City ay nananatiling on top of the situation at nakahanda ang City Government sa lahat ng pangangailangan ng mga tinamaan ng naturang sakit.
Ito ang ipinahayag ni Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista sa ginanap na COVID-19 Health Cluster meeting sa City Mayor’s Conference Room alas-9 ng umaga ngayong araw ng Lunes na dinaluhan ng mga heads at representatives ng iba’t-ibang tanggapan ng City Government of Kidapawan.
Ayon sa report City Health Office o CHO nasa 148 ang pinakahuling bilang ng active cases ng COVID-19 Jan. 23, 2022) sa lungsod at karamihan dito ay pawang mild cases at mga asymptomatic patients.
Pero hindi pa raw kasali ang mga pending results o mga pasyente na nag-aantay pa ng resulta ng kanilang Reverse Transaction Polymerase Chain Reaction – RTPCR, sinabi ni Norial Raquel, COVID-19 Coordinator mula sa City Epidemiology Surveillance Unit o CESU.
Kaugnay nito, pinamamadali ni Mayor Evangelista kay City Administrator Ludivina Mayormita at Medical Consultant at Facility Manager Dr. Thaddeus Averilla ang pagbubukas ng mga karagdagang pasilidad sa lungsod para tumanggap ng mga COVID-19 mild to moderate cases. Kabilang dito Bulwagan sa Barangay Lanao, COVID-19 Building 2 sa Barangay Nuangan, at Kidapawan City Pilot Elementary School sa Barangay Poblacion habang ang mga business establishments ay kinabibilangan ng Ate Vanns, Double R na may sapat na kahandaan para sa pagdagsa ng mga maysakit.
Samantala, patuloy ang City Government of Kidapawan sa pamamahagi ng COVID-19 Care Kit sa mga pasyenteng sumasailalim sa home quarantine na ngayon ay nasa 86 na ang bilang.
Laman ng COVID-19 Care Kit ay alcohol, paracetamol, Vitamin C, digital thermometer, pulse oximeter, 50 pcs face masks, Milo at calling card na nagtataglay ng mga contact/hotline numbers ng CESU.
Natalakay din sa meeting ng COVID-19 City Health Cluster ang pagpapalakas ng vaccination ngayong taon sa pamamagitan ng Bakunahan sa Barangay kung saan natapos na ang Ilomavis (Jan.14), Patadon (Jan. 19), San Isidro (Jan. 20) at Sudapin (Jan. 21). Gagawin naman ito sa mga Barangay Malinan (Jan. 25), Lanao (Jan. 26), Ginatilan (Jan. 27), at Magsaysay (Jan. 28). (CIO/aa/if/dv)
KIDAPAWAN CITY – ABOT sa 299 na mga residente ng Barangay Patadon na nabibilang sa Muslim communities sa Lungsod Ng Kidapawan ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19 isinagawang Bakunahan sa Barangay ng City Government of Kidapawan kahapon, January 19, 2022.
Sa nasabing bilang, 220 dito ay first dose, 47 ang second dose at 32 naman ang booster shot, ayon na rin sa datos mula sa City COVID-19 Nerve Center.
Kasali sa mga nabakunahan sina Patadon Barangay Chair Odin Patadon Isla at Cotabato Provincial DILG Director Ali Abdullah na kapwa tumanggap ng booster shots.
Pinasalamatan ng mga residente ang City Government sa pagpapa-unawa sa kanila sa kahalagahan ng pagpapabakuna at ang dulot nitong kaligtasan mula sa nakamamatay na COVID-19.
Naibsan ang pangamba ng mga residente hinggil sa bakuna kung kaya’t hindi na sila nag-atubili pang tumangap nito, ayon sa ilang mga vaccinees.
Maliban sa bakuna, ay tumanggap din sila ng food packs gaya ng isang buong dressed chicken at dalawang kilong bigas bilang dagdag na ayuda mula sa Lokal na Pamahalaan.
Mga A1-A5 priority eligible population at 12-17 years old pediatric group ng Barangay Patadon ang nabakunahan ng City Health Office sa naturang pagkakataon.
Ang matagumpay na bakunahan sa Barangay Patadon ay bunga na rin ng mandato ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na ilapit na mismo sa mga barangay ang Vaccination Roll Out ng City Government.
Batid ng alkalde ang hirap ng maraming mga residente ng malalayong barangay na makapunta sa mga vaccination centers sa sentro ng lungsod kung kaya ay ginawa na ang pagbabakuna sa mga barangay.
Bukas, araw ng Biyernes, January 21, 2022 ay magsasagawa muli ng Bakunahan sa Barangay Sudapin ng lungsod. ##(CIO/JSC/lkro)
KIDAPAWAN CITY (January 18, 2022)- MAMAMAHAGI ng free Covid-19 Care Kits ang City Government of Kidapawan sa mga nagkasakit ng Covid-19 na ngayon ay sumasailalim sa home quarantine sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.
Ito ang sinabi ni Atty. Jose Paolo Evangelista, Head ng Kidapawan Covid-19 Nerve Center kung saan layon nitong makaiwas ang mga pasyente sa dagdag gastos makaraang mahawaan ng naturang sakit.
Kabilang sa nilalaman ng Kidapawan Covid-19 Care Kit ay ang mga sumusunod: alcohol, 50 pcs medical grade face masks, 20 pcs paracetamol, 25 tablets vitamin C, 1 digital thermometer, at 1 pc pulse oximeter.
“Makatutulong ito sa mga pasyenteng naka- home quarantine dahil wala na silang gaanong iisiping gasto sa pagbili ng mga nabanggit na bagay at tuloy-tuloy na lang sila sa pagpapagaling mula sa Covid-19”, ayon kay Atty. Evangelista.
Kaugnay nito, hinikayat ni Atty. Evangelista ang mamamayan na agad mag-report o ipaalam sa City Epidemiology and Surveillance Unit o CESU sa oras na may maramdamang mga sintomas ng Covid-19 sa harap na rin ng banta ng Omicron variant na mas mabilis makahawa.
Maliban naman sa Covid-19 Care Kit, mamimigay din ang City Government of Kidapawan ng food packs na naglalaman ng bigas at canned goods para sa mga naka home quarantine at mga nasa isolation facilities. Maliban pa ito sa 2 kilos rice at 1 whole chicken na ibinibigay na ayuda ng city government sa lahat ng nagpapabakuna.
Nasa 33 indibidwal na sa kasalukuyan ay pawang naka home quarantine ang nabigyan na naturang mga Covid-19 Care Kits.
Paalala naman ngayon ng Covid-19 Nerve Center sa bawat isa na mag doble-ingat laban sa Covid-19 at laging sundin ang minimum health standards at magpabakuna na laban sa nakamamatay na sakit. (CIO/jscj/if)
KIDAPAWAN CITY – NAGPATUPAD NA NG Bakunahan sa Barangay ang City Government of Kidapawan bilang pamamaraan para mapalawak pa ang coverage ng vaccination roll out kontra COVID-19.
Inihayag mismo ni City COVID-19 Nerve Center Head Atty. Jose Paolo Evangelista ang nabanggit na development sa panayam sa kanya ng mga nangungunang radio stations at iba pang media outlets ngayong umaga ng Martes, January 18, 2022.
Sinabi niya na ginawa ito lalo pa’t mataas na ang turn-out ng vaccination sa mismong bBarangay Poblacion at mga kalapit na barangay.
Sa pamamagitan ng Bakunahan sa Barangay ay mabibigya ng prayoridad ang mga residente na hirap makapunta at magpabakuna sa vaccination hubs n NASA sa sentro ng Kidapawan City.
Noong nakalipas na January 14, 2022, isinagawa ang Bakunahan sa Barangay Ilomavis kung saan ay abot sa 614 ang nabakunahan.
Sa nabanggit na dami ng nabakunahan, 263 sa kanila ang partially vaccinated, 139 ang fully vaccinated at 212 ang tumanggap ng booster dose, ayon pa sa COVID-19 Nerve Center na pinamumunuan ni Atty. Evangelista.
Dahil naman sa mataas na turn-out ng bakuna, tutulak muli ang vaccination roll out na gagawin sa Barangay Patadon sa January 19, Barangay San Isidro sa January 20 at Barangay Sudapin sa January 21, 2022.
Tuloy naman ang vaccination roll out sa iba’t-ibang vaccination sites sa Barangay Poblacion ng Kidapawan City na bukas para sa mga eligible priority groups A1-A5 at pediatric population edad 12-17 years old.
Narito naman ang datos na nagmula sa City Health Office sa bilang ng mga nabakunahan na sa Kidapawan City as of January 14, 2022:
102,814 o 93.07% ang fully vaccinated mula sa target na 110,466.
109,885 ang partially vaccinated o katumbas sa 93.99%.
11,783 ang nakatanggap na ng booster shots.
13,077 naman ang nabakunahan sa ilalim ng pediatric priority group 12-17 years old. ##(CIO/JSC/lkro)
Mga empleyado ng City Government of Kidapawan aktibong lumalahok sa Sports and Mental Health Program
KIDAPAWAN CITY (January 17, 2022) – SA harap ng negatibong epekto na dulot Covid-19 pandemic, mahalagang pagtuunan ng pansin ang physical at mental health ng mga mamamayan kabilang na ang mismong mga empleyado ng City Government of Kidapawan. Ito ang nakapaloob sa nilagdaang Memorandum No. 095 series of 2022 na nilagdaan ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na humihikayat sa mga personnel ng bawat departamento tulad ng Human Resource Management Office (HRMO), City Mayor’s Office Administration, Office of the City Agriculturist, Office of the City Budget Officer, City Treasurer’s Office, Office of the City General Services Office (CGSO), Office of the City Engineer, Office of the City Accountant, Nerve Center for Covid-19, at iba pang opisina na lumahok sa Sports and Mental Health Program. Layon ni Mayor Evangelista na mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na magkaroon ng kahit kaunting break mula sa pagtatrabaho kasabay ng pagtutok sa kanilang mental at over-all health. Si Faithie Amor Deseo, Yoga Flow Practitioner and Teacher at Aerial Arts and Dance Instructor al at licensed Yoga instructor na nakabase sa Davao City at may malawak na karanasan sa pagtuturo ng Yoga sa mga partisipante na nagmula sa iba’t-ibang opisina ng City Government of Kidapawan. Nakatuon sa kumbinasyon ng Yoga at contemporary movement flow ang itinuturo ni Deseo sa mga personnel kada Lunes at Biyernes ganap na 2:45PM ng bawat linggo. Sinabi ni Deseo na malaki ang tulong ng Yoga sa pagtanggal ng stress at malaki ang magagawa nito healing o paghilom ng mga di kanais-nais na karanasan ng tao lalo na sa panahon ng Pandemiya ng Covid-19 kung saan nakaranas ng iba’t-ibang suliranin at hamon sa buhay ang bawat isa. Maliban rito, maganda ang dulot ng Yoga sa katawan ng tao partikular na sa -development of strength, balance, at flexibility, ayon pa kay Deseo. Napapaganda din nito ang pagtulog ng isang tao at napapagaan ang kanyang katawan mula sa buong araw na pagtatrabaho. Nilinaw din ng mahusay na Yoga instructor na sinumang indibidwal ay maaring magsagawa ng Yoga at kahit na mga baguhan sa larangang ito ay tiyak na makikinabang sa aktibidad magandang idudulot ng Yoga sa mental health at pangkalahatang kalusugan. Ikinatuwa naman ang mga personnel ang ilang unang sessions ng kanilang Yoga dahil ito ay nagbigay sa kanila ng pagkakataong maka-relax at mabawasan ang stress dulot ng pagod at iba pang kadahilanan. Ipinagpasalamat nila ang inisyatibang ito ng City Government of Kidapawan na nagbigay sa kanila ng pagkakataon na mapaganda at mapabuti ang kanilang kalusugan. CIO/JSCJ/if/aa/ejd/vh)
KIDAPAWAN CITY – NAGPAABOT ng kanilang taos-pusong pasasalamat sa national government at sa City Government of Kidapawan ang mga mamamayan ng dalawang purok sa Barangay Singao ng lungsod, matapos ang groundbreaking ng mahigit sa P14 Million na Farm-to-Market Road na pinondohan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o ELCAC.Layon ng proyekto na maisaayos ang bahagi ng daang nag-uugnay partikular sa mga purok ng Macopa at Papaya ng Barangay Singao patungo sa Purok San Vicente ng katabing barangay ng Balindog Kidapawan City. Pinasalamatan ng mga residente ang SI City Mayor Joseph Evangelista sa mabilis at mahusay na koordinasyon into sa national government sa pamamagitan ng ELCAC na nagbigay daan sa paglutas sa matagal na nilang suliranin sa hindi maayos na daan. May habang 1.095 kilometro ang concreting ng naturang Farm- to – Market Road, ayon sa City Planning and Development Office o CPDO.Sinabi pa ng mga residente na bagamat sa una ay naging hamon para sa kanila ang presensya ng mga komunistang grupo sa kanilang lugar, sa pamamagitan ng ELCAC ay nagkakaroon na ng pagkakataon na umunlad ang pamumuhay ng marami sa kanila at mas napapabilis na ang pagbibigay serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng maayos na daan. Isa lamang ang nabanggit na Farm-to-Market Road sa kabuuang P140 Million na mga proyekto na ipatutupad sa Lungsod ng Kidapawan sa ilalim ng ELCAC para sa taong 2021 at 2022. Kinapapalooban ito ng 44 na mga infrastructure and agricultural development, cash for work, health services, financial assistance for indigent families, electrification, water system, at livelihood program ang Php140 Million na pondo ng ELCAC para sa Lungsod ng Kidapawan. Nagmula ang pondo sa Fiscal Year 2021 Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program.Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony umaga ng January 5, 2022 sa Purok Macopa ng Barangay Singao Kidapawan City.Panauhing pandangal ng okasyon si DILG XII Regional Director Josephine Leysa, DILG Cotabato Director Ali Abdullah, CLGOO Julia Judith Geveso, at mga opisyal ng Philippine Army, Philippine National Police at ng DILG. ##(CIO)
KIDAPAWAN CITY – PINURI ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Ańo ang City Government of Kidapawan sa anti-illegal drugs campaign nito.
Personal na tinanggap ni Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista
ang 2020 Anti-Drug Abuse Council Special Award Personal mula kina DILG Cotabato Provincial Director Ali Abdullah at City DILG Operations Officer ngayong araw ng Miyerkules, January 5, 2022.
Basehan ng pagbibigay parangal ang mga ginawang hakbang ng City Government of Kidapawan na mapanatiling drug cleared ang lungsod mula taong 2017-2020, ayon pa sa DILG.
Matatandaang nasa ikaanim na pwesto ang Kidapawan City sa buong bansa sa isinagawang Anti-Drug Abuse Council o ADAC Performance Audit ng DILG mula 2017 – 2020
Nakakuha ng 91.88% ‘High’ performance rating ang Lungsod ng Kidapawan sa ADAC Performance Audit, ayon pa sa DILG.
Ilan lamang sa mga programang ipinatupad ng Evangelista administration laban sa illegal na droga ay ang mga sumusunod: Balik Pangarap Program na naglalayong matulungang makabalik sa pamayanan ang mga dati ng gumagamit ng droga o Persons Who Used Drugs, Community Anti-Drug Rehabilitation Centers, Information, Education and Communication sa mga barangay at paaralan, at pagbibigay ng suporta at pondo para sa mga Barangay Drug Abuse Councils o BADAC.
Tanging Kidapawan City lamang ang nakakuha ng mataas na marka sa buong SOCCSKSARGEN Region sa 2017-2020 ADAC Performance Audit ng DILG. ##(CIO)