Mga empleyado ng City Government of Kidapawan aktibong lumalahok sa Sports and Mental Health Program

You are here: Home


NEWS | 2022/01/18 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 17, 2022) – SA harap ng negatibong epekto na dulot Covid-19 pandemic, mahalagang pagtuunan ng pansin ang physical at mental health ng mga mamamayan kabilang na ang mismong mga empleyado ng City Government of Kidapawan. Ito ang nakapaloob sa nilagdaang Memorandum No. 095 series of 2022 na nilagdaan ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na humihikayat sa mga personnel ng bawat departamento tulad ng Human Resource Management Office (HRMO), City Mayor’s Office Administration, Office of the City Agriculturist, Office of the City Budget Officer, City Treasurer’s Office, Office of the City General Services Office (CGSO), Office of the City Engineer, Office of the City Accountant, Nerve Center for Covid-19, at iba pang opisina na lumahok sa Sports and Mental Health Program. Layon ni Mayor Evangelista na mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na magkaroon ng kahit kaunting break mula sa pagtatrabaho kasabay ng pagtutok sa kanilang mental at over-all health. Si Faithie Amor Deseo, Yoga Flow Practitioner and Teacher at Aerial Arts and Dance Instructor al at licensed Yoga instructor na nakabase sa Davao City at may malawak na karanasan sa pagtuturo ng Yoga sa mga partisipante na nagmula sa iba’t-ibang opisina ng City Government of Kidapawan. Nakatuon sa kumbinasyon ng Yoga at contemporary movement flow ang itinuturo ni Deseo sa mga personnel kada Lunes at Biyernes ganap na 2:45PM ng bawat linggo. Sinabi ni Deseo na malaki ang tulong ng Yoga sa pagtanggal ng stress at malaki ang magagawa nito healing o paghilom ng mga di kanais-nais na karanasan ng tao lalo na sa panahon ng Pandemiya ng Covid-19 kung saan nakaranas ng iba’t-ibang suliranin at hamon sa buhay ang bawat isa. Maliban rito, maganda ang dulot ng Yoga sa katawan ng tao partikular na sa -development of strength, balance, at flexibility, ayon pa kay Deseo. Napapaganda din nito ang pagtulog ng isang tao at napapagaan ang kanyang katawan mula sa buong araw na pagtatrabaho. Nilinaw din ng mahusay na Yoga instructor na sinumang indibidwal ay maaring magsagawa ng Yoga at kahit na mga baguhan sa larangang ito ay tiyak na makikinabang sa aktibidad magandang idudulot ng Yoga sa mental health at pangkalahatang kalusugan. Ikinatuwa naman ang mga personnel ang ilang unang sessions ng kanilang Yoga dahil ito ay nagbigay sa kanila ng pagkakataong maka-relax at mabawasan ang stress dulot ng pagod at iba pang kadahilanan. Ipinagpasalamat nila ang inisyatibang ito ng City Government of Kidapawan na nagbigay sa kanila ng pagkakataon na mapaganda at mapabuti ang kanilang kalusugan. CIO/JSCJ/if/aa/ejd/vh)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio