BIOMOLECULAR LABORATORY IPINAGKALOOB NA NG DOH SA CITY GOVERNMENT

You are here: Home


NEWS | 2022/02/14 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – IPINAGKALOOB NA NG Department of Health o DOH ang bagong Biomolecular Laboratory ng City Government of Kidapawan ngayong araw ng Lunes, February 14, 2022.

Mismong si Department of Health 12 Regional Director Dr. Aristides Concepcion Tan ang nagbigay ng go-signal kay Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista para sa pagbubukas ng naturang pasilidad  sa turn-over ceremony na ginanap sa Barangay Nuangan, Kidapawan City.

Sa pamamagitan ng Biomolecular Laboratory magiging mabilis na ang diagnosis at confirmation kung COVID-19 ang sakit ng pasyente base sa isinumiteng specimen.

Kapwa pinondohan ng DOH at ng Energy Development Corporation o EDC ang gusali at mga kagamitan ng  nabanggit na laboratory  samantalang sinagot naman ng City Government ang Site Development ng Biomolecular Laboratory.

Pwede itong tumanggap ng mga Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction o RT-PCR analysis hindi lamang ng taga Kidapawan City kungdi  pati na rin sa mga taga karatig bayan na magpapasuri sa pasilidad.

Ito na ang pangalawang Biomolecular Laboratory sa buong Lalawigan ng Cotabato na siyang nagsusuri ng specimen mula sa mga pasyenteng nagka COVID-19.

Masaya ding ibinalita ni RD Tan na nakakuha ng 100% na rating sa mga pagsasanay ang mga magpapatakbo ng Biomolecular Laboratory ng City Government.

Ibig sabihin ay ‘accurate’ o wasto ang mailalabas na resulta ng specimen na sinuri sa loob ng pasilidad na naging dahilan upang tuluyang mabigyan Ng License to Operate ang laboratoryo, ayon pa kay Tan.

Pinuri naman ni Cotabato Vice Governor Emmylou “Lala” Talińo– Mendoza ang mga hakbang na ginawa ni Mayor Evangelista sa panahon ng pandemya ng COVID-19 kung saan kabilang ang pagpapatayo ng Biomolecular Laboratory.

Pinakamataas din ang anti-covid vaccination rate ng Kidapawan City sa buong Lalawigan ng Cotabato at sa mismong SOCCSKSARGEN region, ayon pa kay Vice Governor Mendoza, bagay na dapat lamang pamarisan ng iba pang Local Government Units.

Ito na ang pangalawang COVID-19 facility na naipagkaloob sa City Government nitong buwan ng Pebrero 2022.

Una ay ang P10 Million na Office of the Civil Defense- funded Temporary Treatment Monitoring Facility o TTMF na nai turn-over noong February 11, 2022 at katabi lamang ng bagong Biomolecular Laboratory na ipinagkaloob naman ng DOH ngayong araw. ##(CIO/JSC/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio