OUTGOING CITY MAYOR AT INCOMING BOARD MEMBER JOSEPH A. EVANGELISTA PINANGUNAHAN ANG 2ND QUARTER MEETING NG CDRRMC

You are here: Home


NEWS | 2022/06/28 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 28, 2022) – PINANGUNAHAN ni outgoing City Mayor at ngayo’y incoming Board Member ng Ikalawang Distrito ng Cotabato Joseph A. Evangelista ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRM) Meeting para sa 2nd Quarter ng 2022.

GInanap ang aktibidad sa CDRRM Office bandang alas-9:30 ng umaga na siya namang huling meeting ni Evangelista bilang Chairman at Presiding Officer ng CDRRMC.

Sa naturang pagkakataon ay ini-report ni CDRRM Officer Psalmer Bernalte ang mga accomplishments ng tanggapan sa loob ng siyam na taon mula ng maitatag ito noong 2013 sa Lungsod ng Kidapawan.

Kabilang dito ang mga infrastructure projects, disaster response, water system, trainings, Information Education Campaign o IEC, at iba pa.

Nagbigay di ng update ang City Health Office o CHO patungkol sa COVID-19 na nakapagtala ng tatlong active cases (as of June 27, 2022 6PM) sa lungsod at Dengue na abot na 359 cases (Jan. 1-June 27, 2022, 3 deaths).

Patuloy naman ang mga aktibong hakbang laban sa COVID-19 at Dengue at ang pagpapanatili ng minimum health standards para makaiwas sa COVID-19 ganundin ang intensified clean-up drive sa mga barangay para malabanan ang sakit na dengue fever.

Samantala, dumalo din sa meeting ang mga Head of Office at representante ng iba’t-ibang government agencies at department ng City Government. Ilan sa kanila ay nagbigay ng mga situational updates at mga panukala para mas mapalawak o mapalakas pa ang peace and order sa lungsod.

Bilang pagtatapos, buong pusong pinasalamatan ni Evangelista ang mga bumubuo ng CDRRMC sa suportang ibinigay sa loob ng siyam na taon o tatlong termino niya bilang Chairman ng organisasyon.

Tiniyak naman niya na ipagpapatuloy ni incoming City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang mga nasimulan ng kanyang administrasyon at mas pagiibayuhin pa ang paglilingkod sa mga mamamayan ng lungsod. (CIO-jscj/if/ed)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio