NEWS | 2022/06/29 | LKRO
KIDAPAWAN CITY, (June 28, 2022) – SA pagtatapos ng School Year 2021-2022 ay isinagawa ang parangal para sa mga Outstanding Student Leaders na kabilang sa Kidapawan City Collegiate Federation (KCCF).
Ang naturang parangal ay bilang pagkilala sa natatangi nilang kontribusyon o mga nagawa sa kani-kanilang mga paaralan at maging pamayanan sa loob ng apat na taon mula ng maitatag Ang KCCF.
Kabilang naman sa mga pinarangalang miyembro ng KCCF ay sina Federation President Ian Jay Sapitula ng University of Southern Mindanao- Kidapawan City Campus (USM-KCC), Vice-President Kayezyl B. Lacia ng North Valley Foundation, Inc. (NVCFI), Secretary Rey Alvin B. Lumayon ng USM-KCC, Auditor Ace Benedict G. Acosta ng Kidapawan Doctor College, Inc. (KDCI), PIO Clemente L. Quirino at Mark Anthony G. Aviles, kapwa mula Collegio de Kidapawan (CDK) at mga kinatawan mula sa iba pang mga kolehiyo na kinabibilangan nina Krizza M. Castro, Ashton Suane G. Almocera, Raiza M. Mulat, Jomarie C. Gonzales, Rodelo A. Balaso, Picky John E, Billena, Shaina Mae M. Camad, Jhona Joy S. Paraon, Mark Bryan P. Maculada, Jo-Ann B. Damansila, Jayson P. Requita, Kent Brian P. Tortula, Andre Bonn R. Dimaano, Akim Pulpog, Marry Flor P. Avellanoza, Archee B. Garcia, at Olivia Ojeda.
Kaugnay nito, inaasahan ni incoming City Administrator Janice V. Garcia na siyang kumatawan kay City Mayor Joseph Evangelista na magpapatuloy ang mga KCCF leaders na ibahagi sa kani-kanilang pamayanan ang mga kasanayan na kanilang natanggap mula sa organisasyon.
Dagdag pa rito ay hinimok ni Local Youth Development Officer at KCCF Moderator Tryphaena A. Collado ang bawat isa sa kanila na ipagpatuloy at pangatawanan ang adbokasiya ng KCCF na iahon at gabayan ang mga kabataan at mailayo sila sa droga at early o teen pregnancy at iba pa bagay maaring sumira sa kabataan.
Pinasalamatan naman ng mga KCCF members ang mga pagsasanay at mga exposure sa tulong na rin ng City Government of Kidapawan.
Magiging tatak naman ang mga nakamit na kaalaman saan man sila mapunta, ayon pa sa KCCF.
Nagpaabot din ng kanyang pagbati at pasasalamat si incoming City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa mga miyembro ng KCCF sa nagawa nilang kontribusyon sa komunidad at ang mga pagsubok na kanilang nalampasan mula noong kasagsagan ng lindol hanggang sa pagtama ng pandemya ng COVID-19. (CIO-vh/aa)