HUMIGIT KUMULANG 1,800 SENIOR CITIZENS TUMANGGAP NG SOCIAL PENSION SA KIDAPAWAN CITY

You are here: Home


NEWS | 2022/06/30 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 30, 2022) – Tumanggap ng kanilang Social Pension na nagkakahalaga ng P1,500 ang humigit-kumulang na 1,800 na mga lolo at lola o mga Senior Citizens ng Barangay Poblacion, Kidapawan City para sa second quarter (April, May, June) ng kasalukuyang taon sa ilalim ng programang Social Pension ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA).

Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa Kidapawan City Gymnasium na mula 8:00 ng umaga at magtatapos ng 5:00 ng hapon ngayong araw ng huwebes, June 30, 2022

Personal na pinangasiwaan ni OSCA Head Susana Llerin at ni Brgy. Poblacion Field Woker Donna Garcia ang distribusyon sa tulong  ng mga kinatawan mula sa DSWD-CIU XII na nagsilbi bilang tellers.

Layon ng Social Pension release and distribution na matulungan ang mga senior citizens na matustusan ang kanilang mga pangangailangan tulad ng maintenance medicines at iba pa

Damang dama naman ng mga lolo at lola ang pagmamahal ng City Government of Kidapawan sa kanila sa pamamagitan ng mga programang angkop sa kanila.

Lubos din ang galak at pasasalamat nila dahil sa pagdating ng inaasahang pension dahil makakatulong ito sa harap  ng patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin. (CIO-vh/if/aa)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio