MALAKING BAHAGI NG MGA KOMUNIDAD TARGET NA MAPAILAWAN NI CITY MAYOR PAO EVANGELISTA SA KANYANG FIRST 100 DAYS

You are here: Home


NEWS | 2022/07/14 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (July 14, 2022) – TARGET na mapailawan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang malaking bahagi ng mga komunidad sa lungsod sa kanyang unang 100 araw.

Abot sa 1,600 na mga Solar Lights ang nakatakdang ilagay ng City Government sa iba’t-ibang mga barangay ng Kidapawan City na una nang sinimulan noon pang buwan ng April 2022.

Kaugnay nito, 15 na mga 200 watt Solar lights ang inilaan para sa bawat barangay ng lungsod sa pamamagitan Ng Task Force Kahayag ng City Government of Kidapawan.

Pangunahing mabibiyayaan ng solar lighting projects ang mga residential communities sa hangaring mapanatili ang kaligtasan, at kaayusan sa mga komunidad lalo na sa gabi, ayon kay Mayor Evangelista.

P4 Million ang kabuoang halaga ng solar lights na nagmula sa P23 Million unexpended o hindi nagamit na pondo ng 20% Economic Development Fund o EDF ng City Government para sa taong 2020-2022.

Matatandaang inaprubahan ng dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd District Board Member Joseph Evangelista at ng City Development Council en banc ang paggamit ng pondo bago pa man magtapos ang kanyang administrasyon para mapakinabangan ng mga Kidapawenyos. 

Ngayong araw ng Huwebes, July 14, 2022 ay abala ang City Engineering Office sa pagkakabit ng mga bagong pailaw sa Apo Sandawa Homes Phase 3 ng Barangay Poblacion. Sa susunod na linggo ay ang Phase 1 naman ng nabanggit na subdivision ang malalagyan ng solar lights.

Malaking pakinabang ang proyektong pailaw ng City Government ayon pa sa mga residente lalo na kapag may nangyayaring unscheduled power interruption, bukod pa sa kaligtasan na ng mga residente ng lugar pagsapit ng gabi.

Nais ni Mayor Evangelista na makinabang ang mga mamamayan sa nabanggit na proyekto sa pamamagitan ng na-reprogram na pondo para sa malinaw at makatotohanang implementasyon ng mga mahahalagang proyekto.

Magsisilbing flagship project ng bagong alkalde ang street lighting kasama na ang road concreting projects kung saan target ng kanyang administrasyon na mapa-semento ang abot sa 100 meters na kalsada sa bawat barangay sa bawat taon.

Ito ay dagdag pa sa mga nakalaang farm to market roads na makakatulong sa m ga magsasaka para sa mas mabilis na pagba-byahe ng kanilang mga produkto patungo sa mga pamilihan ng lungsod ng Kidapawan at iba pang mga lugar. (CMO-cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio