30 DISTRESSED OFW’s NAGPASALAMAT KAY CITY MAYOR PAO EVANGELISTA MATAPOS MAKATANGGAP NG P10,000 NA TULONG PINASYAL

You are here: Home


NEWS | 2022/07/20 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY July 20, 2022– NAGPAABOT ng kanilang pasasalamat ang may 30 distressed Overseas Filipino Workers o OFW na taga Kidapawan City kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa tulong pinansyal na personal na binigay sa kanila.

Tumanggap ng tig P10,000 na tulong pinansyal ang bawat OFW na bumisita sa tanggapan ni Mayor Evangelista ngayong umaga ng July 20, 2022.

“ Ang tulong ay patunay na hindi nagpapabaya ang pamahalaan sa ating mga distressed OFW at tinutugunan ang inyong mga pangangailangan”, mensahe ni Mayor Evangelista sa mga OFW na tumanggap ng tulong Mula sa City Government at sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Magsisilbing food allowance o di kaya ay gagamitin sa pagbili ng pangunahing pnagangailangan ang halagang natanggap ng bawat OFW, ito ay ayon pa kay City Government Public OFW Desk Officer o PODO Aida Labina.

Sila ang mga OFW na nakaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang amo, naaksidente o nagkasakit sa kanilang trabaho na pinauwi ng kanilang mga employers pabalik ng Pilipinas.

Pinuri naman ni DSWD Cotabato Crisis Intervention Unit Head Rose Alcebar ang ginawang pakikipag-ugnayan sa kanila ni Mayor Evangelista para makatulong sa mga distressed OFW.

Tinuturing kasi nilang special na kaso ang pagtulong sa mga OFW lalo na at hindi sila direktang ahensyang nangangasiwa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga nabanggit.

Malaking pasasalamat ang ipinaabot ng mga distressed OFW hindi lamang sa pagbibigay ng ayudang pinansyal sa kanila kungdi, sa tulong na rin ng City Government para makauwi sila ng bansa.

Matatandaang nagpaabot noon ng tulong at napauwi ni dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd District Senior Board Member Joseph Evangelista sa mga OFW na naharap sa personal na krisis habang nagta-trabaho sa ibang bansa.

Hindi lamang taga Kidapawan City ang nabigyan ng tulong kungdi, maging iba pang distressed OFW na taga ibang bayan sa lalawigan ng Cotabato ang natulungan ni dating City Mayor Joseph Evangelista. ##(CMO//lkro/cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio