PAGLAHOK SA SPORTS MAGPAPA-UNLAD SA MGA KABATAAN NG LUNGSOD – MAYOR PAO EVANGELISTA

You are here: Home


NEWS | 2022/07/20 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (July 20, 2022) – NANINIWALA si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na ang paglahok sa sports ang magiging

daan sa pag-unlad ng mga kabataan sa lungsod.

Sinabi niya ito sa mga kasapi ng Metro Kidapawan Football Club o MKFC na nag courtesy call sa kanya nitong hapon ng July 20, 2022.

Sa pamamagitan ng sports ay nahahasa ang mga kabataan sa kahalagahan ng team work at pagkakaroon ng disiplina na kinakailangan sa pagpapaunlad pa ng kanilang sarili at ng bansa sa pangkalahatan.

Ang pagsali sa sports ay makakatulong na maiwasan ng mga kabataan ang bisyo na maaring makasira sa kanilang buhay, sinabi

 ng alkalde.

Sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan, ay nabigyan nito ng oportunidad ang mga kabataan na muling sumali sa mga sporting events para sa pagpapa-unlad ng kanilang mga sarili.

Bilang pagpapakita ng suporta sa MKFC ay personal na iniabot ni Mayor Evangelista ang mga bagong bola ng football para magamit sa kanilang pagsasanay.

Ang mga bagong bola ay mula sa request ni Mayor Evangelista sa Philippine Sports Commission o PSC na siyang namamahala sa sports development ng bansa.

Tiniyak naman ni Mayor Evangelista ang tuloy tuloy ang suporta sa mga kabataang Kidapawenyo na lalahok sa mga sporting events at iba’t-ibang kompetisyon na kanilang sasalihan sa hinaharap. ##(CMO-cio/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio