PHILIPPINE RED CROSS TINIYAK MULI ANG SUPORTA SA MGA ADBOKASIYA AT PROGRAMA NI MAYOR PAO EVANGELISTA

You are here: Home


NEWS | 2022/07/20 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY, July 19, 2022– MULING tiniyak ng Philippine Red Cross o PRC ang suporta nito sa mga adbokasiya at programa ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista.

Nag-courtesy call ang mga opisyal ng Philippine Red Cross Cotabato Chapter kay Mayor Evangelista umaga ng Martes, July 19, 2022 sa tanggapan nito sa City Plaza.

Sumentro ang usapan ng PRC at ni Mayor Evangelista sa usapin ng humanitarian action, disaster response, relief operation, at partner in training na magiging priority programs sa partnership ng City Government of Kidapawan at ng Philippine Red Cross, ayon kay PRC Cotabato Chapter Administrator Joseph Fernandez.

Napag-usapan din ang planong pagpapatayo ng Red Cross Building malapit sa Bio-Molecular Laboratory Facility ng City Government sa may Duhat Drive ng Barangay Poblacion.

Dagdag pa ni Fernandez na maakakatulong ang nabanggit na pasilidad na alternatibong makakapagbigay ng de-kalidad na dugo sa mga pasyenteng mangangailangan nito na hindi lamang para sa mga taga Kidapawan City ngunit pati na rin sa mga karatig bayan sa Lalawigan ng Cotabato.

Si Mayor Evangelista ay ang kasalukuyang Vice Chair ng Board of Director ng Philippine Red Cross Cotabato Chapter kung kaya’t tiwala ang pamunuan nito na maisasakatuparan ang mga partnership programs ng ahensya at ng City Government. ##(CMO-cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio