MAYOR PAO EVANGELISTA NANGUNA SA GROUND BREAKING NG TATLONG ROAD CONCRETING PROJECT SA LUNGSOD; TAX PAYERS MONEY TINIYAK NA NAPUPUNTA SA PROGRAMA AT PROYEKTO

You are here: Home


NEWS | 2022/08/19 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (August 18, 2022) – TATLONG mga road concreting projects sa Lungsod ng Kidapawan ang sumailalim sa groundbreaking ceremony ngayong araw na ito ng Biyernes, August 19, 2022.

Kinabibilangan ito ng boundary ng Barangay Balabag-Meohao road concreting project, Barangay Ginatilan road concreting project, at Barangay Perez concreting project kung saan nanguna sa groundbreaking si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista.

Abot sa 127 meters ang haba ng boundary Balabag-Meohao road project at nagkakahalaga ng P1,645,363.92, 150 meters ang Barangay Ginatilan at nagkakahalaga ng P2.1M, at ang Barangay Perez naman ay may haba na 835 meters at nagkakahalaga P9,074,458.70.

Agad ding sisimulan ang konstruksyon ng mga nabanggit na kalsada ngayon linggong ito at inaasahang matatapos sa buwan ng Oktubre, 2022

Mula sa 20% Economic Development Fund o EDF ng 2022 ang pondong ginamit sa mga nabanggit na road concreting projects.

Kaugnay, nito sinabi ni Mayor Evangelista na ang perang ginamit sa mga proyektong ito ay mula sa buwis na binabayaran ngmga mamamayan kaya’t nararapat lamang na maibalik ito sa kanila sa pamamagitan ng mga makabuluhang proyekto.

“Tinitiyak ng aking liderato na ang buwis na mula sa inyong dugo at pawis ay hindi masasayang bagkus ito ay tunay na mapapakinabangan ng mga Kidapaweno”, sinabi ng alkalde.

Bilang tugon, ipinaabot ng mga Punong Barangay nasina Eduardo Umpan (Balabag), Arlene Cabacungan (Ginatilan), at Jabert  Hordista (Perez) ang kanilang psasalamat sa City Government of Kidapawan dahil sa pamamagitan ng mga road concreting projects ay mas magiging masigla ang kanilang ekonomiya at mapapaangat ang antas ng pamumuhay ng mga residente sa lugar. (CIO-jscj/if/vg)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio