NEWS | 2022/09/26 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (September 26, 2022) – SINIMULAN ang pagdiriwang ng Family Week Celebration sa City Convention Center, Kidapawan City ngayong umaga ng Lunes, Sep 26, 2022 sa pamamagitan ng isang simpleng programang pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO.
Sa temang “Urbanisasyon at Pamilyang Pilipino: Magkaagapay sa Pagpapatibay at Pagpapaunlad ng Bansa” ay gagawin ang iba’t-ibang aktibidad mula Sep 26-Oct 3, 2022 na magpapalakas at magpapatibay sa pamilya bilang basic unit of the society.
Kabilang dito ang lectures on Family and Values and Strong Family Foundations mula kina Flordeliza M. Buhay na isang Doctor of Clinical Psychology at owner/Administrator ng Montessori School for Life at Pastor Venancio M. Ming-gong ng Christ Vineyard Community.
Bawat taon mula noong 1992 ay ipinagdiriwang sa bansa ang Family Week mula Sep 26-Oct 3, 2022 bilang pagkilala sa kahalagahan ng pamilya at ang malaking kontribusyon nito sa pag-unlad ng bansa, ayon kay Daisy P. Gaviola, RSW, City Social Welfare and Development o CSWD Officer na siyang nagbigay ng Opening Remarks sa programa.
Kaugnay nito, ipinarating naman ni City Mayor Atty. Jose Paolo ang kanyang pagbati sa mga pamilyang lumahok sa programa at hinimok ang mga ito na patuloy na pagyamanin ang pamilya at panatilihin ang mga makabuluhang bagay na ginagawa para sa pamayanan.
Tiniyak din niya ang suporta sa mga programa ng CSWD na naglalayong mapaangat ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilya at maging bahagi sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lungsod.
Nagtapos naman ang Family Week Celebration opening day sa pamamagitan ng pamamahagi ng Certificate of Appreciation kung saan nanguna rito si Assistant CSWDO Aimee S. Espinoza, RSW. (CIO-jscj//if//nl)