PAGLALAGAY NG 1st BATCH NG SOLAR STREET LIGHTS SA MGA BARANGAY SA KIDAPAWAN CITY HALOS 100% COMPLETED NA

You are here: Home


NEWS | 2022/10/04 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 4, 2022) – NASA 97% na ang completion rate ng paglalagay ng first batch ng mga solar street lights sa 40 barangay sa Lungsod ng Kidapawan.

Nasa 600 ang kabuuang bilang ng solar street lights na nakapaloob sa first batch kung saan 582 dito ay na-install na sa 39 barangays – pinakahuli ay ang installation ngayong linggo sa mga barangay ng Kalaisan, Sumbac, Macebolig, at Onica habang ang nalalabing barangay ng Patadon ay palalagyan sa Miyerkules, Oct. 5, 2022.

Nasa 15 solar street lights ang inilagay sa bawat barangay at itinatayo ang mga poste nito sa bawat kanto kung saan marami ang dumadaang sasakyan at naglalakad na mga residente.

Ang Office of the City Engineer (OCE) sa pamamagitan ng Task Force “Kahayag” ang naatasan sa naturang proyekto na naglalayong mapailawan at maging mas maliwanag ang mga barangay sa Kidapawan City.

Isa ito sa priority projects ni City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista na kanyang ipinatupad sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan bilang alkalde.

Nais ni Mayor Evangelista na maging maginhawa ang mga mamamayan sa pamamagitan ng proyektong pailaw maliban pa sa kaligtasan ng mga residente laban sa magnanakaw at iba pang uri ng kriminalidad.

Hindi naman magtatagal ay madadagdagan pa ang mga solar street lights sa mga barangay sa oras na simulan ang second batch ng installation, ayon sa CEO.

Panibagong 600 units ng solar street lights ang muling ilalagay sa ibang pang lokasyon sa mga barangay.

Nasa kabuuang P5.9M ang halaga ng solar street lights project kung saan P2.9M ang pondong inilaan para sa 1,200 solar lights at karagdagang P3M naman ang inilaan para sa mga accessories nito tulad ng G.I. pipes, deformed bars, cement, welding rod, gravel, fine sand, coarse sand, epoxy primer, at paint brush.

Nagmula ito sa Supplemental Budget No.1 for CY 2022. (CIO-jscj//if)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio