MAYOR PAO EVANGELISTA TINIYAK ANG MAAASAHAN AT MAPAGKAKATIWALAANG PAMAMAHALA SA KANYANG ISINAGAWANG FIRST 100 DAYS STATE OF THE CITY ADDRESS

You are here: Home


NEWS | 2022/10/07 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (October 7, 2022) TINIYAK ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na maaasahan at mapagkakatiwalaan ng mamamayan ang kanyang administrasyon. Nakasentro ang First 100 Days State of the City Address o SOCA ng alkalde sa larangan ng good governance, transparency, competence, responsiveness at reliability na ini-report niya sa mamamayan ng lungsod ngayong araw ng Biyernes, October 7, 2022. Ibinahagi ni Mayor Evangelista ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng unang isang daang araw na naglalayong makapagbigay ng ibayong serbisyo at makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan, maayos na pamamahala at magkaroon ng de-kalidad na kabuhayan para sa lahat. “The role of government is to help provide quality life for our people. This is our principle of governance.”, pahayag ni Mayor Evangelista. Nakapaloob ang mga naunang accomplishment at mga gagawin pa ni Mayor Evangelista sa konseptong LUNTIAN KIDAPAWAN na siyang kasangkapan para makamit ang inaasam na maaasahan at mapagkakatiwalaang pamamahala para sa lahat. Kabilang sa highlights ng accomplishments ni Mayor Evangelista sa kanyang unang 100 days ay ang mga sumusunod: Paglulunsad ng Kid I-Report App para sa mas madali at mabilis na transaksyon sa City Government, transparency sa paggamit ng office supplies at fuel sa mga sasakyan, carpooling ng mga sasakyan ng iba’t-ibang tanggapan sa City Hall, paglalagay ng Global Positioning System at Monitoring Devices sa mga heavy equipment para sa matipid at wastong paggamit ng fuel allocation, 60% na pagbaba sa paggamit ng fuel allocation sa mga nakumpletong road rehabilitation projects. Ipinatupad din ang Public Assistance Desk sa City Hall na siyang tumutulong para sa pagbibigay serbisyo sa mga senior citizens at persons with disabilities, Free WiFi internet services para sa lahat ng pumupunta sa City Plaza, pagtatayo ng bagong Operations Center na siyang tatanggap ng reklamo ng mga mamamayan sa kakulangan halimbawa ng serbisyo mula sa City Government, improved connectivity ng digital connection ng City Treasurer, Assessor at Bureau of Fire Protection para sa mas mabilis na application at renewal ng business permits at licenses, operation ng Plastic Recycling Facility na nagpo-proseso ng mga basura tungo sa eco-bricks, hollow blocks at iba pang mapapakinabangan na mga bagay, pagbabawal sa paggamit ng mga single use plastic sa mga opisina ng City Hall, pagbibigay ng libreng digital mental health vouchers medical consultation at subscription para sa mga empleyado ng City Government, pagbubukas ng kauna-unahang City Museum, pagbubukas ng Bagong Bagsakan Center para sa mga produktong agrikultura at pagkain na mula sa mga magsasaka ng lungsod.Dagdag pa ang road concreting ng mahigit isang kilometrong farm-to-market road na nagkokonekta sa mga barangay ng Ginalitan, Balabag at Perez, pagbuo ng KIDCARE o Kidapawan City Anti Vice Regulation and Enforcement Unit, at ang matagumpay na pagdiriwang ng Kasadya sa Timpupo 2022 Fruit FestivalHinati naman sa 10 na ‘areas of priority’ ang LUNTIAN KIDAPAWAN na isinusulong ni Mayor Evangelista. Ang mga ito ay ang sumusunod: Reliable Governance, Digital Infrastructure and Connectivity, Waste Management, Health Care and Well Being, Education Culture and Arts, Food Production, Safety and Security, Access to Basic Utilities, Support to the Growth of Tourism, at Social Capital. Pinasalamatan ng alkalde si City Vice Mayor Melvin Lamata, Jr. at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pagsasa-ordinansa ng Luntian Kidapawan na siyang magiging sistema ng paglilingkod at pamumuno ng City Government. Dumalo sa SOCA ni Mayor Evangelista ang kanyang maybahay na si Atty. Anj Evangelista, kanyang ama na si dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board Member Joseph Evangelista, Cotabato Provincial Vice Governor Efren Piñol, mga pangunahing opisyal ng government line agencies na nakabase sa lungsod, Department Heads ng City Government, mga opisyal sa 40 barangay ng Kidapawan City, mga barangay workers, mga representante mula sa people at civic organizations, at mga empleyado ng City Government. Isinagawa ni Mayor Evangelista ang kanyang First 100 days SOCA sa City Gymnasium ganap na 8:30 ng umaga at tumagal ng halos isang oras. Live din itong napanood sa pamamagitan ng live streaming mula sa City Government of Kidapawan Official Facebook page. ##(CMO-cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio