NEWS | 2022/10/13 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (October 13, 2022) – NANGUNA o Top 1 ang Kidapawan City Police Station (KCPS) sa katatapos lamang na validation ng Best Performance and Accomplishment in Anti-Illegal Drugs, Anti-Illegal Gambling and Loose Firearms sa hanay ng kapulisan sa Lalawigan ng Cotabato.
Mga validators mula sa Cotabato Police Provincial Office (CPPO) ang nanguna sa ginawang evaluation ng mga accomplishments ng Lone City and 18 Municipal Police Stations mula January 1, 2022 hanggang October 10, 2022.
Nakapaloob sa naturang evaluation ang mga key performance indicators tulad ng search warrant and operations for illegal drugs, number of arrests, number of arrests, service response time, at iba pa.
Sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Peter Pinalgan, Jr. bilang Chief of Police nakamit ng KCPS ang nabanggit na recognition mula sa CPPO.
Layon ng pagbibigay ng recognition sa mga top performing police stations ay upang kilalanin ang kanilang mga mahuhusay na performance bilang tagapagtanggol ng mamamayan at ang patuloy na pagsisikap upang mapanatili ang katahimikan, ayon kay PLT Harold Ramos, Provincial Director ng CPPO.
Isasagawa naman ang Awarding Ceremony ng Best Performance and Accomplishment sa loob ng kasalukuyang buwan ng Oktubre, 2022, ayon sa CPPO. (CIO-jscj//if)