Month: November 2022

You are here: Home

[tfg_social_share]


thumb image

ANTI-VICE REGULATION AND ENFORCEMENT UNIT SERYOSO SA PAGPAPATUPAD NG TUNGKULIN: 259 LUMABAG SA SMOKING AND VAPING ORDINANCE NABIGYAN NG CITATION TICKETS

KIDAPAWAN CITY (November 15, 2022) โ€“ MULA ng nagsimula sa kanilang operasyon ang Kidapawan City Anti-Vice Regulation and Enforcement Unit o KIDCARE Unit noong buwan ng September 2022 ay pinatunayan nito ang seryosong pagpapatupad ng tungkulin.

Katunayan, abot na sa 259 ang nabigyan ng citation tickets matapos maaktuhan lumabag sa Ordinance No. 18-1211 An Ordinance Banning Smoking and Vaping in Public Places Conveyances and Regulating the Sale, Procurement and Distribution of Tobacco and Vape Products in the City of Kidapawan and Imposing Penalty for Violation Thereof (Comprehensive Smoke Free Ordinance of the City of Kidapawan) mula Sep 14- Nov 12, 2022 o katumbas ng dalawang buwan ng seryosong pagbabantay sa mga lumalabag sa naturang ordinansa at iba pang batas ng lungsod.

Sa naturang bilang ng mga nabigyan ng citation ticket, 53 ay naitala mula Sep 14-30, 2022; 153 mula Oct 3-31, 2022; at 53 mula Nov 2-12, 2022, ayon kay Rey S. Manar, Head ng KIDCARE Unit.

Sinabi ni Manar na ang mga nahuli o nabigyan ng citation tickets ay hindi lamang mga residente ng Kidapawan City kundi maging ang mga residente mula sa mga bayan ng Kabacan, Mโ€™lang, Makilala, Antipas, Carmen, Pikit, Magpet, Tulunan, Pres. Roxas, at Matalam na pawang nasa Lalawigan ng North Cotabato at iba pang mga lugar tulad ng Bansalan, Sta. Cruz, Magsaysay, Davao del Sur; Davao City, Koronadal City, Tagum City, Cotabato City, Sultan Kudarat, Lanao del Sur, Quezon City at iba pa.

Magbabayad ang mga nahuli o violators ng P5,000 bilang penalty batay na rin sa isinasaad ng Ordinance No. 18-1211.

Patunay raw ito na walang pinipili ang KIDCARE Unit at kapag lumabag sa ordinansa o batas na ipinatutupad sa Lungsod ng Kidapawan ay kanilang hinuhuli, dagdag pa ni Manar.

Matatandaang itinatag ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista ang KIDCARE Unit ilang buwan pa lamang siyang nanunungkulan bilang alkalde sa layuning maipatupad ang mga mahahalagang ordinansa o batas at hindi ito abusuhin ng mamamayan.

Nais din ni Mayor Evangelista na ipagpatuloy ang kaayusan, kaligtasan, at kaunlaran ng lungsod sa pamamagitan ng pagsunod ng mga mamamayan nito sa mga batas o itinakdang alituntunin. 

Maliban naman sa ordinansa sa smoking at vaping ay binabantayan din ng KIDCARE Unit ang mga lumalabag sa iba pang ordinansa tulad Ordinance No. 15-1061 โ€“ An Ordinance Enacting the Kidapawan City Public Safety, Security, Peace and order Code of 2015, Ordinance No.13 s of 1957 โ€“ An Ordinance Prohibiting Minors to Enter in any Public Billiard Halls, Public Pool Room, Gambling, Den, Bars, and Night Clubs, at Republic Act 10568 โ€“ Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Nilinaw naman ng KIDCARE Unit na kasama nila ang Kidapawan City Police at augmentation mula sa Armed Forces of the Philippines sa lahat ng oras na nagsasagawa sila ng mga operations. (CIO-jscj//if//photos by KIDCARE Unit) 

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 15, 2022) โ€“ MAHIGPIT NG IPAGBABAWAL ng City Government of Kidapawan ang pagsasangla, pagbenta o di kaya ay iligal na paggamit ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Pโ€™s ATM Cards ng mga beneficiaries sa lungsod.

Sa pamamagitan ng Executive Order number 063 series of 2022 na nilagdaan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista nitong November 14, 2022, ipinag-uutos na dapat gamitin sa wastong pamamaraan ng mga 4Pโ€™s indigent beneficiaries ang kanilang ATM cards para makatanggap ng conditional cash assistance mula sa National Government sa pamamagitan ng DSWD.

โ€œHindi dapat nasasayang at dapat nagagamit sa tama ang ayudang ibinibigay ng pamahalaan sa mga indigent nating kababayan na beneficiaries ng 4Pโ€™s kaya mahigpit na nating ipagbabawal ang pagsasangla, pagbenta o paggamit ng ATM cards sa iligal na pamamaraanโ€, paglilinaw ni Mayor Evangelista.

Hindi rin dapat gamitin ang ayudang natatanggap sa pagsusugal at iba pang bisyo kung kaya nagpalabas ng kautusan si Mayor Evangelista para mapigilan ang maling gawain ng ilang mga 4Psโ€™ beneficiaries.

Dagdag pa ng alkalde na dapat gamitin lamang ang ATM cards ng mga 4Ps beneficiaries bilang pangtustos sa pag-aaral at kalusugan ng kanilang mga anak at pambili na rin ng importante at pangunahing pangangailangan para sa pamilya.

Dahil sa di mabuting gawaing ito ay nagagamit bilang โ€˜collateralโ€™ sa pambayad ng utang ang kanilang ATM cards na mahigpit namang ipinagbabawal ng DSWD.

Suspension ng ayuda o di kaya ay tuluyang pag-alis sa listahan ng 4Pโ€™s beneficiaries para hindi na makatanggap ng tulong pinasyal ang naghihintay na kaparusahan sa sino mang mapapatunayang lumabag dito, ayon pa sa EO.

Mananagot din ang mga indibidwal na pinagsang-laan o bibili ng mga ATM cards ng 4Ps dahil sila man din ay lumabag sa batas.

Maaring magreport sa tanggapan ng alkalde, barangay o di kaya ay sa City Social Welfare and Development Office o CSWDO kapag may dokumentadong kaso na ibinenta o isinangla ang ATM card ng 4Ps.

Pinapayuhan naman ni Mayor Evangelista ang lahat ng 4Ps beneficiaries na gamitin na lang sa wastong pamamaraan ang kanilang ATM cards para tuloy-tuloy na makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan. ##(CMO-cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 14, 2022) โ€“ BUMISITA sa Lungsod ng Kidapawan ang isang delegasyon mula sa Lungsod ng General Santos para sa benchmarking ng mga hakbang na ginawa ng Local School Board (LSB) ng Kidapawan na itinuturing na mga best practices para mapaunlad pa ang edukasyon at maisulong ang kapakanan ng mga mag-aaral.

Kabilang sa naturang delegasyon sina Lou Bernandino, Executive Assistant III for Education, LGU General Santos City at Rommel G. Flores, City Schools Division Superintendent, General Santos City at ilang mga miyembro at secretariat ng Gensan Local School Board.

Ilan sa mga ibinahaging best practices ng Kidapawan LSB ay ang School Subsidy Program, Empowerment of Parent-Teachers Association (PTA), No Collection Policy (unauthorized fees), Support in the fight against malnutrition, Vaccination of learners (COVID-19 and other vaccines).

Sinimulang gawin ang mga hakbang na ito sa administrasyon ni dating City Mayor at LSB Chair Joseph A. Evangelista na ngayon ay Board Member ng 2nd Legislative District of Cogtabato kung saan nakinabang ang maraming mag-aaral, pati na mga magulang at guro.

Ipinagpatuloy naman ng bagong alkalde ng na si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang mga hakbang o best practices na ito sa layuning mabawasan ang bayarin ng mga magulang sa eskwelahan, matiyak ang kalusugan ng mga mag-aaral o learners at ganundin ang kaayusan ng mga paaralan.

Sa briefing and presentation na ginanap sa City Convention Center nitong nakaraang linggo, binigyang-diin ni BM Evangelista ang kahalagahan ng mga education measures at polisiya para sa edukasyon ng mga kabataan.

Kasama sa naturang aktibidad si Acting City Administrator Janice V. Garcia at iba pang personnel ng LGU Kidapawan.

Nagagalak naman si Mayor Evangelista na ipagpatuloy ang mga nasimulan ng dating administrasyon at patuloy na nagsasagawa ng mga karagdagang inisyatiba upang lalo pang mapaunlad at maproteksyunan ang mga mag-aaral kabilang na ang magulang at mga guro.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang delegasyon mula sa Gensan sa mga nalamang best practices mula sa LSB ng Kidapawan City at sa mainit na pagtanggap sa kanila ng City Government of Kidapawan. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 14, 2022) โ€“ MAS lumawak pa ang kaalaman at kakayahan ng mga kasapi ng Kidapawan City Overseas Filipino Worker Federation, Inc. o KCOFWFI sa larangan ng negosyo at pagpapalago ng income-generating projects.

Ito ay sa ginanap na 1-day Entrepreneurial, Mind Setting, Financial Literacy and Simple Bookkeeping Training na ibinigay ng Department of Trade and Industry o DTI 12 sa pakikipagtulungan ng Public Service Employment Office o PESO ng Kidapawan na nagbigay ng Values Formation lecture.

Abot sa 39 na mga dating OFW ang lumahok sa naturang training na sa kasalukuyan ay may maliit na negosyong pangkabuhayan at nais na palaguin ito sa pamamagitan ng angkop na kasanayan o training.

Si DTI Junior Business Counselor Edbralen Shekina Ancheta (Negosyo Center Kidapawan) ang nagbigay ng lecture sa Entrepreneurial, Mind Setting, Financial Literacy and Simple Bookkeeping kasama si Kaye Jamero mula sa LGU Kidapawan.

Si Peso Manager Herminia Infanta naman ang nagbahagi ng kaalaman patungkol sa Values Formation na isa ring mahalagang bahagi ng pagsasanay.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni KCOFWFI President Andrea J. Alvarez si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa patuloy na pagbibigay ng suporta at inspirasyon sa pamamagitan ng PESO Kidapawan at iba mga ahensiya ng pamahalaan na direktang tumutulong sa kanila tulad ng DTI. 

Pinasalamatan din ng KCOFWFI ang Mt. Apo Eagles Club na una ng nagsagawa ng proyektong โ€œTulong Pusoโ€ para sa mga distressed OFW mula sa Kidapawan City at naging aktibong partner sa nabanggit na training. (CIO-jscj//if//Photos by KCOFWFI)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 11, 2022) โ€“ NABIYAYAAN ng Starter Kits para sa Free-Range Chicken Production Project ang abot sa 25 miyembro ng Head, Heart, Hands and Health o 4H Club Kidapawan City.

Ito ay sa pamamagitan ng Binhi ng Pag-asa Program ng Dept of Agriculture โ€“ Agricultural Training Institute o DA-ATI 12 kung saan ginawa nag pamamahagi sa Kidapawan City Trading Post, Barangay Magsaysay, Kidapawan City kahapon Nov. 10, 2022.

Kabilang sa starter kit na tinanggap ng mga benepisyaryo ay ang mga sumusunod: 12 heads of two-month-old chicken, 1 bag feeds, 10 meters net, 1 unit of 262 egg capacity incubator (per LGU).

Layon ng BBP ng DA-ATI na mapalakas pa ang kakayahan ng mga 4H Club members partikular na sa pagpapalago ng livelihood project tulad na lamang ng free-range chicken production.

Naisagawa ang distribution ng starter kits sa pamamagitan ni 4H Club Cotabato Provincial Coordinator Judy Gomez kasama ang ilang personnel mula sa Office of the Provincial Agriculturist.

Sinaksihan naman ito ni Marissa T. Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan kasama ang personnel na si Charity S. Tayapad. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 9, 2022) โ€“ ISA na namang karangalan ang natanggap ng City Government of Kidapawan sa larangan ng Disaster Risk Reduction Management o DRRM.

Ito ay matapos na mapabilang ang lungsod sa talaan ng mga Fully Compliant Local Government Units Awardees na bago lamang inilathala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC kaugnay ng 22nd Gawad KALASAG Seal for Local DRRM Councils and Offices para sa kasalukuyang taon ng 2022.

Ang National Gawad KALASAG Committee ang siyang nagsagawa ng evaluation at selection ng mga DRRM councils, Civil Society Organizations, schools, hospitals, at iba pang mga grupo o indibidwal na napatunayang may mahusay na programa pagdating sa disaster preparedness at resilience.

Kabilang sa mga criteria upang mabigyan ng naturang recognition o Gawad KALASAG seal ay ang mga sumusunod: Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response, at Disaster Rehabilitation and Recovery.

Nasa 436 na mga LGUs sa buong bansa ang nasa talaan kabilang ang Kidapawan City kung saan pumasa at nakakuha ng mataas ng marka ang kapwa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO at City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC.

Kaugnay nito, inaasahan na magpapatuloy ang mahusay na DRRM programs ng lungsod partikular na ng CDRRM Council na pinamumunuan ni City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista bilang Chairperson at ng CDRRM na pinamumunuan naman ni CDRRM Officer Psalmer Bernalte.

Samantala, ang iba pang mga napabilang sa fully compliant LGUs sa Cotabato Province ay kinabibilangan ng mga bayan ng Alamada, Aleosan, Carmen, Libungan, Magpet, Matalam, Pigcawayan, Midsayap at Tulunan. (CIO-jscj//if//nl)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 8, 2022) โ€“ ISANG daang sako ng bigas na naglalaman ng 25 kilos premium rice bawat sako ang inihatid ng City Government of Kidapawan sa Maguindanao del Norte, partikular na sa Barangay Kusiong, Municipality of Datu Odin Sinsuat kung saan naganap ang matinding landslide at flashflood dulot ng bagyong โ€œPaengโ€ nitong nakalipas na linggo.

Sa pangunguna ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer Psalmer Bernalte ay naihatid ang naturang tulong sa Barangay Hall na personal namang tinanggap ni Jaffer Sinsuat, Punong Barangay ng Kusiong.

Ang mga barangay officials na ang namahagi ng mga bigas sa mga lumikas na pamilya mula sa naturang barangay dahil hindi na maaaring pasukin ang lugar matapos na masira ang mga tulay na dadaanan papasok sa Barangay Kusiong.

Itinuturing na ground zero ngayon ang Barangay Kusiong matapos masawi ang abot sa 21 katao dahil sa matinding landslide at 20 iba pa ang namatay dahil sa flashflood habang 14 ang nawawala.

Isa ang munisipalidad ng Datu Odin Sinsuat sa Lalawigan ng Maguindanao del Norte sa pinakamatinding hinagupit ng bagyong โ€œPaengโ€. Matinding naapektuhan din ang mga bayan ng Datu Blah Sinsuat, Upi, Barira, South Up isa kaparehong lalawigan.

Sa pinakahuling tala, abot sa 398 barangays ang sinalanta ng bagyong โ€œPaengโ€ sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM kung saan 202, 598 pamilya ang apektado o katumbas ng 582,884 na mga indibidwal. (CIO-jscj//if//photos by CDRRMO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 8, 2022) โ€“ UPANG mapalakas pa ang proteksyon at mapangalagaan ang mga mamamayan laban sa mga mapanlinlang na investment schemes o investment scams, nakikisa ang City Government of Kidapawan sa obserbasyon ng Investor Protection Week mula November, 7-11, 2022.

Sa pangunguna ng Securities and Exchange Commission o SEC ay isinusulong sa nabanggit na mga araw ang mga hakbang para sa kapakanan ng publiko partikular na ang mga investors. Kabilang dito ang pagsusulong ng financial literacy, financial inclusion, at lalo na ang pag-iwas sa mga investment scams

Ang obserbasyon at pagdiriwang ng Investor Protection Week ay sinimulan noong 2019 sa pamamagitan ng Proclamation No. 846 โ€“ Declaring the Second Week of November of Every Year as โ€œInvestor Protection Weekโ€ na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Maliban sa layuning mabigyan ng proteksyon at sapat na kaalaman ang mga investors ay layon din na magkaroon ng nagkakaisang hakbang o direksyon ang ibaโ€™t-ibang sektor laban sa fraudulent investments.

Sa ilalim naman ng Title XVII ng Republic Act No. 11232 o Revised Corporation Code Section 179 ay may kapangyarihan ang SEC na tingnan at suriin ang bawat korporasyon o mga representante nito at iba pang indibidwal na nanghihikayat o nag-aalok ng investment opportunities para sa kaligtasan ng publiko.

Kaugnay nito, hinihimok ng SEC ang bawat Local Government Units, government agencies, academe, business, at iba pa na makiisa para mapalakas pa at lalong mapalawak ang mga ginagawang hakbang kaugnay ng pagdiriwang.

Katuwang naman ng SEC sa mga aktibidad ng 3rd Investment Protection Week ang Presidential Communications Operations Office o PCOO na ngayon ay nasa ilalim na ng Office of the Press Secretary. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 8, 2022) โ€“ MAGANDANG balita para sa mga miyembro ng San Isidro Sustainable Program Association o SISPA na matatagpuan sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City ang paglagda ng kanilang mga opisyal sa Marketing Agreement kasama ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP โ€“ Kabacan, Cotabato Province. Nakapaloob sa naturang kasunduan ang pag-supply ng SISPA ng kanilang produktong gulay tulad ng talong, kalabasa, broccoli, pechay, sibuyas, pipino pati na kamatis at iba pang farm products sa BJMP-Kabacan. Alinsunod ito sa layunin ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty o EPAHP na isang special program ng Department of Social Welfare and Development o DWSD na tumutulong sa SISPA upang mapasigla ang kanilang produksyon at makatulong sa food supply and food sustainability. Si Dino A. Bulambao, Presidente ng SISPA at J/INSP Edneil P. Capundan ang mga signatory ng Marketing Agreement na ginanap sa Senior Citizen Hall, Kidapawan City, kahapon, Nov. 7, 2022. Magbibigay daan ang kasunduan sa maayos na benta at tiyak na income para sa SISPA at tiyak na supply ng pagkain sa BJMP ng Kabacan. Tiniyak din ang tamang presyo ng mga produkto o sa mababang halaga lamang dahil wala ng middle men. Dumalo at nagbigay ng kani-kanilang mensahe sina Provincial Jail Warden J/CISP Joe Anthony Gargarita at Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty o EPAHP Regional Program Coordinator Ibrahim S. Sangcupan. Sumaksi sa Signing of Marketing Agreement ang mga City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa pamamamagitan ni Assistant CSWD Officer Aimee Espinoza. Natutuwa si Espinoza sa kaganapan dahil makatutulong ito sa pag-angat ng antas ng pamumuhay ng mga kasapi ng SISPA na pawang mga miyembro din ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. (CIO-jscj//if//nl)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 4, 2022) โ€“ SA pamamagitan ng nilagdaang Administrative Order No. 05, series of 2022, – โ€œAn Order Directing the Use of Gender-InclusiveLanguage in All Written and Online City Government Communications and Publicationsโ€,  ipinag-utos ni Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang paggamit ng gender-inclusive language sa lahat ng official communications, maging ito man ay panloob o panlabas na komunikasyon sa lahat ng tanggapan ng City Government of Kidapawan.

Ibig sabihin nito, sakop ng AO No. 05 ang lahat ng mga departamento o opisina, personnel o worker ng City Government at maging ang Sangguniang Panlungsod kung saan inaasahang ang kanilang communication letter ay alinsunod sa nilalaman ng nabanggit na E.O.

Halimbawa nito ay ang paggamit sa mga sulat o publication ng โ€œChair o Chairpersonโ€ sa halip na โ€œChairmanโ€, โ€œRepresentativeโ€ sa halip na โ€œCongressmanโ€, โ€œPolice Officeโ€r sa halip na โ€œpolicemanโ€, businessperson sa halip na businessman ganundin ang paggamit ng โ€œhim/herโ€ sa halip na โ€œhimโ€ lamang.

Binigyang halaga ng A.O. No.05 ang fundamental right o karapatan ng isang tao kahit ano pa man ang antas o uri ng pamumuhay, kasarian, edad, kulay, relihiyon, political beliefs at iba pa.

Mapapalakas din ng kautusang ito ang paggalang sa dignidad ng tao at pagsugpo sa diskriminasyon at pang-aabuso sa kapwa.

Higit sa lahat, naniniwala si Mayor Evangelista na malaki ang magagawa ng paggamit ng mga tama o angkop na salita tungo sa pagbabago at pag-unlad ng bansa.

May penalidad naman na ipapataw sa mapapatunayang lumabag sa A.O. No. 05. (CIO-jscj//if)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio