๐—”๐—ก๐—ง๐—œ-๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ก๐—— ๐—˜๐—ก๐—™๐—ข๐—ฅ๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—ข๐—ฆ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก: ๐Ÿฎ๐Ÿฑ๐Ÿต ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—•๐—”๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐— ๐—ข๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฉ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฅ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐—ก๐—”๐—•๐—œ๐—š๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—–๐—œ๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ง๐—œ๐—–๐—ž๐—˜๐—ง๐—ฆ

You are here: Home


NEWS | 2022/11/15 | LKRO


thumb image

ANTI-VICE REGULATION AND ENFORCEMENT UNIT SERYOSO SA PAGPAPATUPAD NG TUNGKULIN: 259 LUMABAG SA SMOKING AND VAPING ORDINANCE NABIGYAN NG CITATION TICKETS

KIDAPAWAN CITY (November 15, 2022) โ€“ MULA ng nagsimula sa kanilang operasyon ang Kidapawan City Anti-Vice Regulation and Enforcement Unit o KIDCARE Unit noong buwan ng September 2022 ay pinatunayan nito ang seryosong pagpapatupad ng tungkulin.

Katunayan, abot na sa 259 ang nabigyan ng citation tickets matapos maaktuhan lumabag sa Ordinance No. 18-1211 An Ordinance Banning Smoking and Vaping in Public Places Conveyances and Regulating the Sale, Procurement and Distribution of Tobacco and Vape Products in the City of Kidapawan and Imposing Penalty for Violation Thereof (Comprehensive Smoke Free Ordinance of the City of Kidapawan) mula Sep 14- Nov 12, 2022 o katumbas ng dalawang buwan ng seryosong pagbabantay sa mga lumalabag sa naturang ordinansa at iba pang batas ng lungsod.

Sa naturang bilang ng mga nabigyan ng citation ticket, 53 ay naitala mula Sep 14-30, 2022; 153 mula Oct 3-31, 2022; at 53 mula Nov 2-12, 2022, ayon kay Rey S. Manar, Head ng KIDCARE Unit.

Sinabi ni Manar na ang mga nahuli o nabigyan ng citation tickets ay hindi lamang mga residente ng Kidapawan City kundi maging ang mga residente mula sa mga bayan ng Kabacan, Mโ€™lang, Makilala, Antipas, Carmen, Pikit, Magpet, Tulunan, Pres. Roxas, at Matalam na pawang nasa Lalawigan ng North Cotabato at iba pang mga lugar tulad ng Bansalan, Sta. Cruz, Magsaysay, Davao del Sur; Davao City, Koronadal City, Tagum City, Cotabato City, Sultan Kudarat, Lanao del Sur, Quezon City at iba pa.

Magbabayad ang mga nahuli o violators ng P5,000 bilang penalty batay na rin sa isinasaad ng Ordinance No. 18-1211.

Patunay raw ito na walang pinipili ang KIDCARE Unit at kapag lumabag sa ordinansa o batas na ipinatutupad sa Lungsod ng Kidapawan ay kanilang hinuhuli, dagdag pa ni Manar.

Matatandaang itinatag ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista ang KIDCARE Unit ilang buwan pa lamang siyang nanunungkulan bilang alkalde sa layuning maipatupad ang mga mahahalagang ordinansa o batas at hindi ito abusuhin ng mamamayan.

Nais din ni Mayor Evangelista na ipagpatuloy ang kaayusan, kaligtasan, at kaunlaran ng lungsod sa pamamagitan ng pagsunod ng mga mamamayan nito sa mga batas o itinakdang alituntunin. 

Maliban naman sa ordinansa sa smoking at vaping ay binabantayan din ng KIDCARE Unit ang mga lumalabag sa iba pang ordinansa tulad Ordinance No. 15-1061 โ€“ An Ordinance Enacting the Kidapawan City Public Safety, Security, Peace and order Code of 2015, Ordinance No.13 s of 1957 โ€“ An Ordinance Prohibiting Minors to Enter in any Public Billiard Halls, Public Pool Room, Gambling, Den, Bars, and Night Clubs, at Republic Act 10568 โ€“ Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Nilinaw naman ng KIDCARE Unit na kasama nila ang Kidapawan City Police at augmentation mula sa Armed Forces of the Philippines sa lahat ng oras na nagsasagawa sila ng mga operations. (CIO-jscj//if//photos by KIDCARE Unit) 



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio