KIDAPAWAN (December 28, 2022) โ LUBOS ang naging paghanga ng mga nanood ng Symphony of Sounds tampok ang LGU Kidapawan Choral kasama ang ilang inimbitahang magagaling na choral group sa naging performance ng mga ito na ginanap sa City Hall Lobby alas-tres ng hapon ngayong araw ng Miyerkules, Dec. 28, 2022.
Umawit ng ilang mga kantang pamasko ang LGU Kidapawan Choral na tumatak sa puso ng mga manonood.
Kabilang naman ang Voices of the South Childrenโs Choir, Dolce Chirdarum Ensemble, at Davao City Chorale sa mga bisitang mang-aawit at kumanta ng Kumukuti-kutitap, Carol of the Bells, Tissโ the Season at iba pang kinagigiliwang kantang pamasko.
Nagsilbing opener ang performance ng nabanggit na mga grupo sa ginanap na Awarding of Winners ng Kidapawan City Festival of Lights at Recognition of Outstanding Taxpayers for 2022.
Samantala, matapos ang nabanggit na mga aktibidad ay sobrang tuwa din ang hatid sa mga mamamayan sa ginawang fireworks display sa oval ground ng Kidapawan City Pilot Elementary School o KCPES kung saan libo-libong tao ang matiyagang nag-antay sa pagsisimula ng aktibidad.
Isang simbolo ng pasasalamat sa Diyos at sa patuloy na pagsigla ng ekonomiya ng lungsod ang naturang fireworks display, ayon kay City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista.
Nanguna si Mayor Evangelista sa ginanap na Awarding of Winners ng Festival of Lights, Recognition of Top 20 Sole Proprietorship Taxpayers and Top 20 Corporation Taxpayers at ng pinakaaantay na fireworks display. (CIO-jscj//if//nl/dv)
KIDAPAWAN CITY (December 28, 2022) โ BILANG pagkilala sa mabuting gawain partikular na sa pagbabayad ng tamang halaga ng buwis sa tamang oras, binigyan ng parangal ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang mga outstanding tax payers para sa taong 2022.
Masayang tinanggap ng mga Top 20 Sole Proprietorship at Top 20 Corporation taxpayers ang Certificate of Recognition mula sa city government. Mismong si Mayor Evangelista ang nag-abot ng mga plaque sa mga taxpayers at kanilang mga representative kasama si City Treasurer Redentor Real at mga City Councilors na sina Airene Claire Pagal, Judith Navarra, Jason Roy Sibug, Gallen Ray Lonzaga, Aljo Cris Dizon, ABC Federation President Morgan Melodias, at SK Federation Chair Ceen Teena Taynan.
Top 20 Business Taxpayers for Sole Proprietorship
- Sandra Ramos (JSDR Marketing)
- Hilda Sandique (Petron Station 88)
- Henry Sorongon (HS Agrivet Supply)
- Jesus Momo, Sr. Survive Marketing 3)
- Jocelyn Manzano (Nagasat Hardware and Construction Supply)
- Franklin Singanon (Midway Hospital)
- Liza Cortez (Golden Top Hardware)
- Rubylie Gecosala (Atrik Marketing)
- Josephine Tirasol (Jojoโs General Merchandise)
- Maricel Penaflor (Tomlee Hardware)
- Caridad Cua (JC Plastic)
- Susan Namoc (Fish Broker)
- Gemma Ablang (3M1 Lumber and Construction Supply)
- Geneva Ferrolino (GSFerrolino Construction Supply
- Jesus Momo, Sr. (Survive Marketing)
- Rodolfo Sayaman (Imus Marketing)
- Reynaldo Embodo (John Ray Developer and Supplies)
- Catherine Uy (Motor One Marketing)
- Pedro Pascual (Ground Hug Construction)
- Edgar Tagulob (7Eleven)
Top 20 Business Taxpayers for Corporation - Energy Development Corporation
- OLMECS and Company Development
- Pepsi Cola Products Phils., Inc
- Davao Centra Warehouse Club, Inc.
- First Balfour, Inc.
- Deco Arts Marketing
- DOLE Philippines, Inc.
- Shogun Management Development Corporation
- Razonable Agri Inputs Distributors, Inc.
- EAGA Prime Commodities, Inc.
- Ajinomoto Philippines Corporation
- Mercury Drug Corporation 1
- Mercury Drug Corporation 2
- Land Bank of the Philippines
- Development Bank of the Philippines
- Thermaprine Drilling Corporation
- Kidapawan Medical Specialist Center, Inc.
- Davao Dadiangas Distributor System, Inc.
- Belron Business Center, Inc.
- Food Forward Corporation
Lahat sila ay tumanggap ng Certificate of Recognition mula sa City Government of Kidapawan.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang nabanggit na mga indibidwal at korporasyon ganundin ang lahat ng mga taxpayers dahil sila ay kaakibat ng lungsod patungo sa kaunlaran at pagkamit ng lahat ng layunin ng City Government of Kidapawan para sa mamamayan. (CIO-jscj//if/nl/dv)
KIDAPAWAN CITY (December 28, 2022) โ MASAYANG tinanggap ng mga nagwagi sa Kidapawan City Festival of Lights ang kanilang mga premyo sa ginanap na Awarding Ceremony sa City Hall Lobby ngayong araw na ito ng Miyerkules, December 28, 2022.Sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista kasama ang iba pang opisyal ng City Government of Kidapawan ay iginawad ang mga premyo sa mga sumusunod: Villa Celedonia โ 1st Place na nakatanggap ng P300,000; DOLE Stanfilco โ 2nd Place P 200,000; at 3 Kids Online Shoppee (Bodega ni Carina โ 3rd Place P100,000. Lahat sila ay tumanggap din ng Certificate of Recognition.Abot naman sa 33 ang bilang ng mga lumahok sa Festival of Lights kung saan un ana silang nabigyan ng tig P10,000 ng City Government of Kidapawan bilang counterpart o support.Dumaan naman sa masusing judging ang entries ng Festival of Lights o ang mga pine trees sa national highway (road island) na nilagyan ng mga ilaw at iba pang palamuti. Kabilang dito ang technical judging, longevity of lights, at energy efficiency.Samantala, masaya ding tinanggap ng mga nagwaging departamento o tanggapan ng LGU Kidapawan ang kanilang premyo sa LGU Offices Category โ City Treasurerโs Office, 1st Place nakatanggap ng P30,000; Office of the City Veterinarian – 2nd Place P20,000; at CHRMO/CBO/CGSO (cluster offices) โ 3rd Place P10,000 at lahat ay tumanggap din ng Certificate of Recognition.Kaugnay nito pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang mga lumahok sa Festival of Lights at hinimok na makiisang muli sa susunod pang mga taon para na rin sa ikasasaya ng mga mamamayan. (CIO-jscj//if/nl/dv)
KIDAPAWAN CITY (Disyembre 28, 2022)— Sa halip na mangamba o matakot ay ikinatuwa ng mga motorista at tricycle drivers na bumibiyahe sa lungsod ang pagsita sa kanila ng pinagsamang pwersa ng Highway Patrol Group (HPG), Traffic Management Enforcement Unit (TMEU), Kidapawan City Police Station (KCPS), at Public Safety Division sa ipinag-utos ni City Mayor Jose Paolo Evangelista na pagpapatupad ng isa na namang OPERATION DAKOP.Ito ang mga kaganapan ngayon sa kahabaan ng Quezon Boulevard, at iba pang lugar tulad ng Barangay Balindog, Barangay Sudapin, Apo Sandawa Homes, at national highway (Colegio de Kidapawan area) sa Lungsod ng Kidapawan. Ang lahat ng mga nakasuot ng helmet, kompleto at hindi expired ang papeles ng sasakyan at driverโs license ay pinahihinto at binibigyan ng tig-limang kilo ng bigas habang ang mga may vbiolation naman, sa halip na isyuhan ng T.O.P ay pinapayuhan lamang na mag-comply na dahil magkakaroon na ng mahigpit na implementasyon pagpasok ng taong 2023.Marami sa mga pinahinto ay may driverโs license, dala-dala ang kanilang mga O.R. at C.R. sa sasakyan at makasuot ng full face helmet ngunit may iilan pa ring kulang ang papeles at hindi nakasuot ng helmet, ayon kay Moises Cernal, Head ng TMEU.Sa bandang huli ay pinagsabihan din ang mga ito na palasging mag-ingat sa biyahe at tiyaking may suot na helmet at kailangang may lisensiya at papeles na bitbit o nakalagay sa sasakyan sa lahat ng oras.Mula naman sa pagkakaroon ng takot na nararamdaman ay biglang lumiwanag ang mukha ng mga law-abiding motorists nang sabihin sa kanila na may matatanggap silang bigas dahil sa kanilang seryosong pagsunod sa batas lalong-lalo na nang iabot ito sa kanila.Halos 1,000 supot naman ng tig-limang kilong bigas ang inihanda ni Mayor Evangelista para sa mga motoristang sumusunod sa batas.Matatandaan na namahagi ng gift pack na naglalaman ng Noche-Buena items at bigas ang City Government of Kidapawan bago ang araw ng Pasko ganundin ang pamimigay ng libreng helmet sa mga kwalipikadong motorista o mga driver na may lisensiya at kumpletong dokumento.Kaya naman pahayag ng mga motorista at tricycle drivers matapos masita: โMaraming maraming salamat sa City Government of Kidapawan at Mayor Pao Evangelista,โ sabay-sabay nilang bigkas.Nilinaw din sa kanila na dahil sa panahon ng Pasko ay magiging maluwag muna ang implementasyon ng โNo Helmet, No Travel Policyโ at wala munang maisyuhan ng Citation Ticket sa mga paglabag sa batas-trapiko ngunit sa halip ay gagamitin sa paala-ala na ihanda na nila ang kanilang mga helmet, ipaayos ang mga sasakyan at kumpletohin ang mga papeles at driverโs license dahil wala nang patawad sa sinumang mahuhuli sa OPERATION DAKOP sa susunod na taon o 2023. (CIO-jscj/pb//if//nl)
KIDAPAWAN CITY (December 22, 2022) โ PINATUNAYAN ng mga Persons with Disabilities o PWD mula sa Lungsod ng Kidapawan na hindi hadlang ang kanilang kapansanan upang sila ay maging kabalikat ng pamahalaan sa pagpapatupad ng programa at proyekto.
Katunayan, naging aktibo ang abot sa 294 na mga PWDs mula sa 40 barangay ng lungsod sa Buhay at Bayanihan para sa Mamamayan o โBUHAYNIHANโ Cash-for-Work program ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos, Jr. na pinangangasiwaan naman ng Dept of Social and Welfare Office o DSWDO.
Nagtrabaho sa loob ng 10 araw mga PWD sa kani-kanilang barangay kung saan binayaran sila ng P352.00 bawat araw o kabuong sweldo na P3,520 bawat isa, ayon kay Daisy P. Gaviola, ang City Social Welfare Officer ng Kidapawan.
Layon ng โBUHAYNIHANโ na tulungan ang mga PWD sa buong bansa na maging produktibo at maging kapaki-pakinabang sa komunidad sa kabila ng kanilang kalagayan.
Nagpahayag din ng kagustuhan ang Pangulong Marcos na magkaroon ng malaking partisipasyon ang mga PWD sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng oportunidad na makapagtrabaho o maibahagi ang kanilang kakayahan sa mismong mga barangay kung saan sila naninirahan.
Kaugnay nito, masayang ipinarating ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang kanyang pasasalamat sa mga PWD at hinimok ang mga ito na ipagpatuloy ang mga mabubuting simulain na magpapaangat sa kanilang sektor kasabay ang pahayag na suportado niya ang mga hakbang para mapabuti pang lalo ang kalagayan ng mga PWD sa lungsod. (CIO-jscj//if)
KIDAPAWAN CITY (December 22, 2022) โ SA temang โMatatag na Pamilya ng Makabagong Bayaning Pilipino Katuwang sa Pag-unlad ng Bawat Isaโ ay ipinagdiwang ng mga miyembro ng United Migrant Workers and Family Federation, Inc o UMWFFI ang kanilang family day sa City Gymnasium ngayong araw na ito ng Huwebes, December 22, 2022.Layon ng Family Day na magsama-sama ang mga opisyal at miyembro ng samahan at ipadama ang diwa ng Pasko sa isaโt-isa at mas palakasin pa ang kanilang ugnayan sa bawat isa, ayon kay UMWFFI President Ira Vellente.Dumalo sa okasyon sina Lavina Corpuz, Family Welfare Officer ng OWWA 12 at Jeanette Escano, Regional Coordinator ng National Reintegration Center for OFW, DMW na kapwa nagpahayag ng suporta sa mga OFW at nanawagan na ipagpatuloy ang magandang nasimulan ng asosasyon.Tinawag din nilang mga makabagong bayani ang mga OFW na ginagawa ang lahat para sa naiwang pamilya at sa malaking kontribusyon ng mga ito sa pag-unlad ng bansa.Nakiisa din sa aktibidad ang tanggapan ng Public OFW Desk Office o PODO sa pangunguna ni PODO Officer Aida Labina.Sinabi ni Labina na mahalaga ang araw na ito para sa mga OFW at kanilang pamilya dahil maipapakita nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsusulong ng kanilang adhikain sa tulong ng pamahalaan.Nagbigay naman ng mahalagang mensahe para sa mga OFW si City Councilor Rosheil Gantuangco-Zoreta, Chair ng SP Committee on Women, Children, Family and Gender Equality kung saan binigyang-diin niya ang suporta ng City Government of Kidapawan sa UMWFFI.Sa kabilang dako, dumalo din si City Councilor Jason Roy Sibug, SP Committee Chair on Public Utilities at pinasalamatan nito ang mga OFW sa kanilang pagsisikap hindi lamang para sa pamilya kundi para sa buong pamayanan.Ikinatuwa rin ng UMWFFI ang presensiya ni Cotabato Provincial Governor Emmylou “Lala” Talino-Mendoza sa Family Day kung saan pinasalamatan niya ang samahan sa patuloy na pagsisikap para matamo ang kaunlaran.Samantala, magandang balita naman ang hatid ni PODO Labina at ito ay ang ligtas na pagpapauwi ngayong buwan ng Disyembre 2022 sa isang distressed OFW (Domestic Helper) mula sa Kidapawan City na si Marsha Love Anabeza matapos na magkaproblema ito sa HongKong noong 2019.Ginawa ng PODO ang lahat ng legal na paraan at nakipagkoordinasyon sa mga concerned agencies tulad ng Department of Migrant Workers (DFW), Overseas Workers Welfare in Administration (OWWA), Philippines Overseas Employment Administration (POEA), Philippine Embassy at iba pa upang matulungan si Anabeza hanggang tuluyan siyang napauwi.Sinabi ni Labina na layon ng PODO at ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na tulungan ang mga nagkakaproblemang OFW mula sa lungsod sa pamamagitan ng mabilis o maagap na pagkilos kasama ang mga nabanggit na ahensiya. (CIO-jscj//if//nl)
KIDAPAWAN CITY (December 22, 2022) โ PINATIGIL at saka hinanapan ng driverโs license at kaukulang dokumento ng kanilang mga sasakyan ang mga motorista, tricycle drivers, at maging nagtutulak ng kariton (bote-bakal) sa kahabaan ng national highway ngayong araw na ito ng Miyerkules, Disyembre 21, 2022.
Ngunit laking sorpresa nila ng sa halip bigyan ng citation ticket ay regalo ang iniabot sa kanila ng mga elemento ng Traffic Management and Enforcement Unit o TMEU Kidapawan, Highway Patrol Group o HPG at Kidapawan City Police.
Bahagi pala ito ng Operation Dakop Luntiang Pamaskong Handog ng City Government of Kidapawan na naglalayong ipadama sa mga drivers ang pagbibigayan bilang diwa ng Pasko.
Abot sa 60 na mga drivers at nagtutulak ng kariton sa highway ang nabiyayaan ng Christmas Gift Pack na naglalaman ng 10 kilos quality rice, noodles, canned goods, coffee, tooth paste, gatas, at sabon.
Magagamit nila ito sa loob ng ilang araw na pangangailangan at makakatipid pa dahil hindi na kailangang bumili o gumasto pa.
Matapos matanggap ang mga regalo, isa-isang nagpasalamat ang mga drivers at sinabing hindi nila akalain na regalo ang matatanggap mula sa mga men in uniform.
Nagpasalamat din sila kay Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na siyang gumawa ng konsepto ng Operation Dakop Luntiang Pamaskong Handog dahil napapasaya nito ang mga drivers at pamilya ng mga ito.
Sa panig naman ng otoridad ay pinaalalahanan ng mga ito ang mga drivers na mag doble-ingat sa pagmamaneho at tiyaking maayos ang kondisyon ng sasakyan bago bumiyahe.
Pinayuhan din nila ang mga motorista at tricycle drivers na tiyaking kumpleto ang dokumento ng sasakyan at ugaliing magdala ng lisensiya kapag nagmamaneho. (CIO-jscj//if)
KIDAPAWAN CITY โ (December 21, 2022) DAGDAG NA DALAWANG PISO kada kilo ng palay ang inisyal na tulong subsidiya mula sa City Government of Kidapawan para sa mga rice farmers ng lungsod.
Ito ang magandang balita mula kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kung saan ito ay karagdagan pa sa P19 na halaga ng kada kilo ng palay mula naman sa National Food Authority.
Ibig sabihin, P21 na ang buying price ng palay sa lungsod na bibilhin ng NFA mula sa mga rice farmers ng Kidapawan City.
Ngayong araw ng Miyerkules, December 21, 2022 ay pumirma si Mayor Evangelista at NFA Region XII Head Miguel Tecson sa pamamagitan ni NFA Cotabato Branch Manager Luisito Mangayayam sa isang Memorandum of Agreement o MOA para sa pagpapatupad ng nabanggit na programa.
Bahagi ng Palay Marketing for Legislators and Local Government Units o PALLGU Program ng NFA ang pagpirma sa MOA ng mga nabanggit na opisyal na naglalayong matulungang kumita ang mga local rice farmers ng lungsod at para na rin may sapat na buffer stocks ng palay ang NFA na siyang tutugon naman sa pangangailangan sa pagkain sa panahon ng mga kalamidad.
Welcome development, ayon pa kay Mayor Evangelista ang PALLGU lalo na at makakatulong ito ng malaki sa mga magsasaka ng Kidapawan City.
Aniya, hindi lamang makikinabang ang mga rice farmers na magkaroon ng kita, kungdi mas mapapalago pa ang mga lupaing tinamnan ng palay, bagay na makakatugon sa seguridad ng pagkain para sa mga Kidapawenyo.
Nagbigay ng mahigit sa anim na milyong piso ang City Government sa NFA Kidapawan bilang inisyal na tulong subsidiya sa mga rice farmers.
Ang naturang halaga ay ang pinakamalaking nai-ambag ng isang LGU sa buong lalawigan ng Cotabato, ayon pa kay Mayor Evangelista.
Patunay ito sa pagbibigay halaga at malasakit ng City Government sa mga rice farmers ng lungsod, dagdag pa ng alkalde.
Sakop ng pondo ang pagbibigay subsidiya sa mga rice farmers mula November 2022 hanggang sa susunod na taong 2023.
Ginanap ang MOA signing sa pagpapatupad ng PALLGU sa pagsisimula ng Luntiang Pamasko Gikan sa Mag-uumang Kidapawenyo na ginaganap ngayon sa mega tent ng City Hall.
Mabibili lang ng P25 kada kilo ang presyo ng premium rice samantalang mas mababang halaga rin ang presyo ng ibaโt-ibang sariwang gulay, pangsahog, tilapia at hito, mga prosesong pagkain at iba pa na lahat ay nagmula o ginawa sa Kidapawan City, ang ibinebenta sa Luntiang Pamasko Gikan sa Mag-uumang Kidapawenyo na bukas sa publiko mula 8am hanggang 5pm ngayong araw. ##(CMO-cio)
KIDAPAWAN CITY (December 20, 2022) โ ITINANGHAL na Champion ang young farmer mula sa Lungsod ng Kidapawan na si Darryl C. Flores sa katatapos lamang na National Feeding Pinas Through Binhi: One Seed at a Time Documentary Making Contest ng Department of Agriculture o DA na ginanap sa Axiaa Hotel, Manila ngayong araw ng Martes, Dec. 20, 2022. Si Flores na taga Barangay Ilomavis, Kidapawan City at presidente ng 4H Club Kidapawan ay benepisyaryo ng Binhi ng Pag-asa Program o BPP ng Department of Agriculture โ Agricultural Training Institute o DA-ATI kung saan nagpakita ito ng husay sa pagpapaunlad ng proyektong ipinagkaloob sa kanya (Best Implementing LGU โ Provincial Category).Laman ng video presentation ni Flores ay kanyang pagsusmikap na mapalago ang proyektong ipinagkaloob ng BPP at tinawag niya itong โGITIBโ o Pag-usbong na una ng idineklarang 1st Place winner sa BPP regional level competition. Nagawa niyang talunin ang mga entries mula sa ibaโt-ibang samahan ng young farmers mula sa ibaโt-ibang rehiyon ng bansa;Kabilang naman sa kanyang natanggap mula sa DA ay Plaque of Appreciation at cash prize. Kaugnay nito, pinasalamatan ni Flores ang mga sektor na sumuporta at naniwala sa kanyang kakayahan tulad ng DA-ATI, Office of the City Agriculturist, 4H Club at ang BPP.Ipinarating din niya ang pasasalamat kay Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na patuloy na isinusulong ang mga programa para sa agrikultura.Pinasalamatan din niya si City Agriculturist Marissa Aton sa mahusay na implementasyon ng mga programa para sa kabataang magsasaka at ang kanya mismong na si BPP Focal Person for Kidapawan John Lord Auman. Samantala, idineklara ding Champion ang delegado ng Cotabato Province sa National BPP Quiz Bee: Agri Tagisan at ito ay kinabibilangan nina Michelle Ansano (President Roxas), Milkie Antonio (Arakan), at Norhamin Ayao (Matalam).Itinanghal din na Champion ang Cotabato Province delegate sa National Step Cup: Youth Towards Leadership Agribusiness Proposal Making na binubuo nina Mickigie Arancon (President Roxas, Armand Roque Diez (Magpet), at Honey Boy Ordas (Antoipas) kung saan nagwagi sila sa kanilang entry na The DAMO Project (CIO-jscj//if//photos by OCA/ATI12)
KIDAPAWAN CITY (December 20, 2022) โ DAHIL sa ipinakitang sigasig at mahusay na pamamalakad ng kanilang tanggapan, ginawaran ang City Epidemiology Surveillance Unit o CESU Kidapawan ng Epidemiology Surveillance Unit Functionality Award mula sa Dept of Health โ Center for Health Development o DOH-CHD Region 12 o SOCCSKSARGEN Region.Ginanap ang Awarding Ceremony sa Narra Hall, Paraiso Verde Hotel sa Koronadal City nitong nakalipas na linggo jung saan dumalo ang mga awardees mula sa ibaโt-ibang Epidemiology Surveillance Units (ESU) mula sa rehiyon.Naging basehan ang mga sumusunod na criteria sa pagbibigay ng nabanggit na parangal: Early reporting of notifiable diseases, Weekly submission of Morbidity Week Bulletins, Active surveillance, Designated office/vehicle for investigation and communication, at Designated manpower. Lahat ng ito ay taglay ng Kidapawan CESU kung kayaโt nasungkit nito ang nabanggit na award. Pormal namang tinanggap ni Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama sina City Health Officer Dr. Joyce Encienzo at Assist City Health Officer Dr. Nadine Paalan ang Plaque of Recognition na may lagda ni DOH12 Regional Director Aristides Concepcion Tan sa Flag Ceremony nitong Lunes, December 19, 2022. Sinaksihan ito ng iba pang mga opisyal ng lungsod na kinabibilangan ni City Vice Mayor Melvin Lamata, Jr. at mga City Councilors na sina Galen Ray Lonzaga, John Roy Sibug, at ABC Federation President Morgan Melodias.Matatandaang naging abala ang CESU Kidapawan nitong nakalipas na dalawang taon dahil sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan mahusay nitong pinangasiwaan ang COVID-19 monitoring and surveillance, at iba pang gawain na may kaugnayan sa COVID-19 response at iba pang uri ng karamdaman.Ginampanan din ng CESU ang pagbibigay ng wasto at makatotohanang impormasyon patungkol sa COVID-19 cases sa lungsod na nakatulong ng malaki sa mamamayan. (CIO-jscj//if//photos by CESU Kidapawan)